Chapter 36

61 1 0
                                    

Chapter 36

Para akong nilalagnat habang iniisip ang nangyari sa gabing 'yon. Hindi ko alam kung anong iniisip ni Marlon. Hindi niya ba napapansin na pinag-uusapan na naman kami ng mga tao?

Dahil sa ginawa niyang pagsunod sa akin sa birthday ng anak nina Monica at Josh, nakakarinig na naman ako ng mga usapan tungkol sa amin.

"Hija, may nagsabi sa akin na nakita raw kayong magkasama ni Marlon sa isang okasyon?" si Lolo noong binisita ko siya sa mansion.

"Hindi po kami magkasama. Nagkataon lang na nagkasabay kami ng pagpunta." Pagtatama ko.

"Ganoon ba? Ibig sabihin, hindi totoo na nagiging malapit na raw kayo sa isa't isa?"

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Dahil sa paglapit-lapit ni Marlon sa akin, nagkakaroon na naman ng tsismis!

"Hindi po totoo 'yan. Lo, alam n'yo namang nandito lang ako para sa pinapagawa niyang bahay. Babalik naman na ako sa Maynila sa susunod na linggo dahil patapos na iyon."

"Babalik ka na sa Manila?" tanong ni Lola na kakabalik lang galing sa kusina.

Tumango ako. "Kakausapin ko pa po si Mike. Atsaka may mga trabaho pa ako roon na naghihintay sa akin."

"Sinabi ni Vlad na siya na muna ang bahala roon." si Gabo.

"Why don't you stay here a bit longer, hija." si Lola. "Ilang taon ka ring hindi nakakauwi."

I don't think I can stay. Lalo na nagkakaroon na naman ng mga usapan. Hindi ko gusto na masali na naman sa kahit anong issue. Ayaw kong magkaroon na naman ng gulo.

Kung pwede lang na madaliin ang progress ng project na 'to, ginawa ko na. Kaya lang ilang beses nagpapabago si Marlon dahil bigla-biglang may naiisip na panibagong ideya.

Nakakairita nga na ngayon pa lang siya nagsasabi ng opinion kung kailan malapit nang matapos!

"Tang ina naman..." bulong ko nang matanaw si Marlon na kalalabas lang galing sa kanyang Hummer.

Binaon ko ang ulo sa binabasang menu ng A's. Dahil palaging nakasunod si Marlon sa akin, lalo na sa tuwing nasa orchard ako, nagtatagal ako rito sa restaurant.

May nahanap na branch manager si Lex para mamahala kaya hindi ko na kailangang pumunta pero pumupunta pa rin ako para makatakas. And now! He's here too!

Ang buwisit na 'to. Bakit ba siya sunod nang sunod? Hinahayaan lang siya ni Ilene na gawin ito?

For sure umabot na sa kanya ang usapan na madalas kaming magkita ng asawa niya. Bakit hindi niya pa rin ako sinusugod o kinokompronta? Not that I want to cause a scene again. I'm just wondering why she's quiet again like what she did years ago?

Nananahimik ba siya para sa akin na naman magalit ang mga tao? That is why I'm trying my best to avoid her husband! Siguradong sa akin na naman kasi magagalit ang mga tao kapag may kumalat na naman na tsismis.

"Aianne, ikaw ba 'yan?" may lumapit sa akin.

Unti-unti kong binaba ang menu at nginitian ang pamilyar na lalaki na lumapit sa table ko.

Tumunog ang bell sa pintuan ng restau, hudyat na may pumasok. Hindi ko na kailangang tignan kung si Marlon nga iyon dahil binati siya ng mga tauhan at iilang kumakain na nakilala siya.

"Uy, hello," bati ko kay Jiggy, schoolmate ko na dati kong manliligaw.

"Kumusta ka na! Totoo pala na nandito ka nga sa Pampanga." aniya at umupo sa harap ko. "May kasama ka ba ngayon?"

Sinundan ko ng tingin si Marlon na pinapasadahan ng tingin ang paligid. He caught my eye and immediately walked towards me.

I shifted on my seat. Hilaw akong ngumisi kay Jiggy.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon