Chapter 32

68 1 0
                                    

Chapter 32

"Hindi na kailangan. Alam kong busy ka-"

"Sasamahan na kita. It's alright."

"Narito naman na ang mga materyales kaya hindi mo na kailangang pumunta. All you need to do is select the designs and materials. Ako na ang bahala sa iba."

"Gusto ko ring tignan mismo ang mga materyales. The pictures aren't enough." giit niya.

Natahimik ako. Tama naman siya roon. I personally recommend to my clients to come with me so they can see the actual. Iba lang ngayon dahil ayaw ko siyang makasama.

"O sige. Bukas na tayo pumunta." tinignan ko ang mga tauhan namin. "I'll check them first."

"I'll see you tomorrow, then. Do you sleep in the mansion?"

"Sa bahay namin," sagot ko. "Magkita na lang tayo rito o kaya isesend ko na lang ang address ng shop at doon na lang magkita."

"Susunduin kita sa inyo. Don't ask Kuya Caloy to accompany you since you're with me."

"Alright. Make sure you tell your wife about this. Baka kung ano pa ang masabi niya." saad ko at iniwan na siya para lapitan ang engineer.

I spent the whole day talking to them. Hindi rin umalis si Marlon doon at nanood kasama ko. Paminsan-minsan siyang umaalis kapag tinatawag ng tauhan niya pero bumabalik din kaagad.

Gusto kong itanong kung wala ba siyang trabaho dahil nanonood lang siya. Pinigilan ko na lang ang sarili ko dahil ayaw ko nang makialam.

"Hija, nandito na si Marlon." Tawag ni Mama galing sa labas.

Bumuntong-hininga ako. Binaba ko ang suklay ko at tinignan ang sarili sa salamin.

I wore a halter midriff sleeveless top and high waist pleaded pants, with block heels. Hindi nagbago ang maalon kong buhok na hanggang balikat pa rin.

Lumabas ako ng kwarto at namataan si Marlon na kausap si Mommy. Tinapik siya ni Mommy sa balikat at nginitian bago kami iniwang dalawa.

"Mommy, may pupuntahan lang po kami." paalam ko.

"Sige, anak. Nasabi na ni Marlon sa akin. Mag-ingat kayo, ha?" Mommy smiled warmly to me.

"Alis na po kami." paalam ni Marlon.

"Mag-ingat kayo, hijo."

Nauna ako sa paglabas. I spotted his familiar black Hummer on our yard. Inasahan ko na ang Fortuner ang dadalhin niya pero itong personal niyang sasakyan pala ang gagamitin.

He opened the door for me. Pumasok agad ako at naglagay ng seat belt habang pinapanood siya na umiikot sa driver's seat.

Nang makasakay na rin siya, nagsalita ako. "Alam ba ng asawa mo na kasama mo ako? Baka magalit at sabihing kabit na naman ako."

Sumulyap siya sa akin habang nag-aayos ng seat belts. Diniretso ko ang tingin sa harapan.

"She knows."

Nagtiim bagang ako. Hindi na ako kumibo.

Mabuti naman. Baka isipin ni Ilene, inaagaw ko ang asawa niya. Not that it's what I'm doing. Inaalala ko lang na may kumalat na namang tsismis tungkol sa amin.

The last thing that I want right now while staying here is getting involved with rumors. Isa iyon sa inaalala ko kaya ayaw ko ring magtagal dito. I'm not used to it anymore.

Sa Manila, hindi ako gaanong pinag-uusapan dahil ibang malalaking pamilya ang pinag-uusapan doon. Naroon ang mga De Leon, Silvestre, De Silva, Sioco, at mga Montellano na palaging laman ng headlines. Wala rin namang masyadong usapan tungkol sa akin dahil hindi naman umabot sa Maynila ang tsismis noong high school ako.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon