Chapter 15

65 3 0
                                    

Chapter 15

Nagmadali agad ako sa pagpupunas ng mesa at bumalik sa counter. Pumasok ako sa kusina. Wala na akong balak na lumabas kaya lang narinig ko ang tauhan sa counter.

"Ano pong sa inyo, Sir Marlon?"

Nanlaki ang mga mata ko at sumilip sa maliit na salamin ng pinto. Natanaw ko si Marlon na pinapasadahan ng tingin ang mga ulam na nakahain.

What now? Bibili siya? Hindi ba siya naglunch sa kanila? Atsaka sinong magseserve? Malamang ako kasi ako lang ang server dito at parusa ko ito!

Damn it! Nakakahiya naman 'to.

First of all, bakit siya nandito? Wala namang delivery, ah? Kanina pa nagdeliver ang tauhan niya.

Kanina pa ako kumain kasabay nina Anya. Hindi nga ako nabusog kasi kailangan kong magserve dahil madaming estudyante kanina.

Sumilip ulit ako at nakitang umupo na si Marlon sa isa sa mga table doon. Lumabas ako nang makitang binitbit na niya ang tray niya. Pumasok naman ang tauhan sa counter sa kusina.

"Maghuhugas muna ako. Hay!"

"Sige, magliligpit lang ako sa labas." sabi ko.

Papunta pa lang ako sa mga table para maglinis ulit at tulungan ang matandang tauhan ng canteen nang magtaas ng kamay si Marlon. Sumulyap muna siya sa akin bago tumingin sa counter.

"Can I buy a drink?"

Nagkatinginan kami nang matandang tauhan. Mas malapit ako sa counter kaya nakaramdam na ako na ako ang uutusan niya. I sighed then nodded.

Pumunta ako sa counter at tumingin kay Marlon. Nag-iwas nga lang agad ako ng tingin dahil nakaramdam ng hiya.

Pawisan na ako, hindi pa nakakapagpalit, tapos naparusahan pa! Nagtataka siguro siya kung bakit ako nandito at nagseserve. Pero malamang, nabalitaan na niya o kaya naisip na niya na mapaparusahan ako dahil nakita niya ang nangyari kahapon.

Ugh! Nakakainis talaga! Palagi na lang hindi maganda ang nadadatnan niya sa akin!

"Uh, anong inumin?"

"Cola, please."

Tumango ako at kumilos kaagad. Pinapanood ako ni Marlon habang papunta ako sa kanyang table.

Nilapag ko ang bote ng softdrink at isang baso. Umamba akong aalis na nang magsalita pa siya.

"Kumain ka na ba?"

Kinagat ko ang labi ko at ngumiwi bago siya nilingon. Tumango ako.

"Oo. Kanina pa,"

"I heard what happened from Kim. You're gonna serve here for a week?"

Hiyang-hiya na talaga ako. "Oo."

Tumango siya. Umalis na ako at naglinis ng mga table. Nang pakawalan na ako ng matandang tauhan, nagbihis ako at pumasok na sa klase. Hindi naman ako masyadong nalate. Mga five minutes lang. Alam naman ng mga teachers na naparusahan ako kaya pinagbibigyan ako.

Naisip ko na ngang gawing excuse ang pagseserve sa canteen para hindi pumasok. Kaya lang bukod sa malalaman ng DO at baka madagdagan pa ang parusa ko, nasa canteen din si Marlon!

"Mauna ka nang umuwi." sabi ko kay Anya pagkatapos ng mga klase namin.

"Hindi na kita hihintayin?"

"Pinapauna na nga kita, 'di ba." Umirap ako.

"Baka kaya mo ako pinapauwi dahil may naghihintay sa'yo sa canteen?"

Tinampal ko ang braso niya gamit ang notebook na nililigpit ko. Iniisip na naman nito na may boyfriend ako! E wala nga!

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon