Chapter 35
Nababaliw na yata ang lalaking 'yon. Kung anu-anong sinasabi niya. Hindi ba't kasal na siya? Wala akong nabalitaan pero hindi ko naman inalam at iniiwasan ko ang mga balita tungkol sa kanya. Sapat na iyong nakita ko sa simbahan para makumpirma kong kasal na nga sila ni Ilene.
He must be crazy. Nagsisinungaling na naman siya. What the hell is he saying? Sinasabi niya ba na minahal niya ako noon pa? Hanggang ngayon? That's just fucking impossible! Ilang taon na ang lumipas, paanong mahal niya pa rin ako.
Natigilan ako sa iniisip nang marealize na... ako rin, may nararamdaman pa rin sa kanya. I only realized it recently. O baka dala lang ito na nandito ako at nakikita ko siya palagi. But still, I can forget my feelings!
At anong sinasabi niya na hayaan ko siya na mahalin niya ako? Kasal na nga siya! At ako, may boyfriend! Hindi niya ba naisip ang mga pwedeng mangyari?
Kasal na siya! Unang una, anong sasabihin sa kanya ng mga tao? Everyone will be disappointed at him! Kinalulugaran siya ng mga tao. Gustong-gusto siya ng lahat at kung kakalat ang tsismis na ito... ano nang mangyayari sa kanya?
I remember what happened before. Hindi nagalit sa kanya ang mga tao. Sa akin sila nagalit pero kung mauulit iyon ngayon, siguradong sasaluhin niya ang mga galit nila! Lalo na sa nangyari sa kanilang dalawa ni Mike!
Pangalawa, paano ang pamilya niya? Hindi niya man lang ba naisip ang mararamdaman ni Ilene? Lalo na ng anak nila? It would hurt them so much! Alam ko dahil nasaksihan ko iyon kina Tito Edgar.
Sobrang sakit ng naramdaman ni Tita Mayie noon, lalo na sina Gabo. Lex even went to Manila because he was hurting. Galit na galit siya kay Tito at nitong nakaraan lang sila nagkasundo. Does Marlon want his child to be mad at him?
Ano bang iniisip niya? Nababaliw na nga siguro siya. Ni hindi niya man lang yata naisip ang mga bagay na iyon!
Isa pa, ang pamilya ko. Kung magkakaroon na naman ng usapan tungkol sa amin, masisira na naman ang pamilya ko. Every rumor that we tried to bury to the grave will be dugged again! Ilang beses na nangyari iyan sa pamilya namin sa tuwing may panibagong issue.
Kakayanin ba nina Lolo ito? Siguradong hindi. Ni hindi man lang naisip ni Marlon iyon!
Suminghap ako at tinampal ang noo sa mga naiisip. Bakit ko iniisip ang mga ito?! Naniniwala ba ako na gagawin niya nga ang sinabi niya?
S'yempre hindi! Bakit ako maniniwala sa kanya? He lied to me once! Hindi ko papayagang ma-uto niya ulit ako!
Tumunog ang phone ko. Laking pasasalamat ko sa tawag ni Anya. Dahil sa kanya, naputol ang mga naiisip k.
"Anya," sagot ko.
"Aianne, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"
"Ano?"
"Nag-usap ba kayo ni Mike noong sumugod siya d'yan?"
Kumunot ang noo ko. "Oo. Bakit mo tinatanong?"
"May sinabi si Jans sa akin..." maingat niyang sinabi. "Sinaktan ka raw ni Mike?"
Shit! Nakalimutan ko na magpinsan nga pala sina Jansen at Marlon! Bakit niya pa iyon sinabi?
"Napahigpit lang ang hawak niya-"
Anya gasped. "Aianne, hiwalayan mo na iyon!"
"Galit lang siya kaya niya nagawa iyon. Calm down. Huwag mo akong masyadong isipin. Nasaan kayo?" subok ko na baguhin ang usapan.
"Ai, mali ang ginawa ni Mike. Bakit ka pa niya kailangang saktan? Naniniwala ba siya na niloko mo siya?"
"Iyon ang pinaniniwalaan niya. I'll talk to him again but he's not answering my calls."
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Teen FictionPosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...