Chapter 38
"Mike! Can I talk to you?!" napaahon ako ng sagutin niya ang tawag ko.
Paggising ko kinabukasan, iyon agad ang ginawa ko. Ilang beses akong tumawag hanggang sa sagutin niya iyon.
I felt relieved when he answered! Ilang linggo ko na siyang gustong makausap. Lalo na ngayon na desperada na akong magkausap kami.
Bumuntong-hininga siya sa kabilang linya. Kinagat ko ang labi ko.
Marami akong gustong sabihin pero sa tingin ko hindi tama na sa tawag ko sasabihin ang mga iyon but I have no choice. Kakausapin ko ulit siya pagbalik ko sa Manila.
"What is it?"
"About... what happened..."
He sighed heavily again. Para bang ayaw niya nang makipag-usap sa akin.
I understand him, though. Naiintindihan ko kung bakit galit pa rin siya hanggang iyon. But I just need to do this so everything would clear out.
"What? You're finally admitting that you cheated on me?"
Pinasadahan ko ng daliri ang buhok. "I want to talk to you in person but I can't go-"
"Why? Because you're with your other man?"
"Mike, mali ang iniisip mo. Walang namamagitan sa amin ni Marlon."
"Then can you explain why you're taking so long there?"
"I told you it's about the project-"
"That's just a bullshit excuse, Aianne! I can see it! I can feel it! Alam kong may kung ano sa inyong dalawa! Noong kasal pa lang ni Anya!"
Nagbuga ako ng hininga. Gusto ko sanang makausap siya ng personal para magkaintindihan kami. Hindi naman ako makauwi sa Manila dahil kailangan ko nang tapusin ang ginagawa rito.
"That's not true. Nothing's going on between us. It's true that I liked him years ago but... you're my boyfriend now!" giit ko.
"I am your boyfriend but do you love me?"
Natigilan ako at hindi agad nakasagot. Ngayong nalaman ko na ang totoo at naliwanagan ang sarili, hindi ko na kayang basta-bastang sabihin iyon.
I heard him laughed. Pumikit ako ng mariin.
"O-Of course..." mahina kong sinabi.
"You're lying."
"Of course I loved you!"
"You loved me before you meet that guy!" aniya na nagpatahimik sa akin.
Minahal ko naman si Mike. He's a good man. He took great care of me during my stay in Manila. Isa siya sa mga tumulong sa akin para maka-usad.
Pero inaamin kong... hindi pa rin nito mahihigitan ang pagmamahal ko kay Marlon. Mali na ginamit ko siya para may mapatunayan sa sarili. I was heartbroken and anger that time. I was desperate to move on.
"I don't believe it, Aianne." he snorted. "You know what? Let's just end this."
"Let us talk first, Mike. Mag-usap tayo pagbalik ko sa Manila para maliwanagan tayong dalawa."
"Don't bother. Ramdam ko naman ang totoo, Aianne. Let's just break up."
Hindi ako nagsalita. Hindi ko gusto ito pero sa tingin ko ito ang tamang gawin dahil sa nangyari sa amin ni Marlon kahapon.
Kanina sa paggising ko, punong-puno ng messages ang phone ko dahil kumalat ang usapan na naghalikan kami ni Marlon sa parking lot!
Alam kong mali na naman itong ginagawa ko pero inaalala ko na baka lumala ang usapan kung ma-ungkat na may boyfriend pa ako habang may namamagitan sa amin ni Marlon!
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Fiksi RemajaPosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...