Chapter 37

68 3 0
                                    

Chapter 37

Tahimik ko siyang sinundan papasok sa restaurant. She chose a table in the secluded area.

"Ang akala ko talaga magkasama kayo." She chuckled lightly. "Nakakarinig kasi ako ng mga tsismis na... magkasama raw kayo palagi."

"That's just because of work." saad ko.

Ngumiti siya. "Oh, akala ko kasi nagdedate na kayo. Matagal ka na ba rito?"

"Ilang buwan pa lang. Nandito lang ako para sa pinapagawa niyang bahay."

Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Ilene. "Oo nga pala. Ipinaparenovate na niya ang bahay niya sa orchard, 'di ba?"

Tumango ako. Lumapit ang waiter para bigyan kami ng menu. Ilene ordered a snack, same for me.

"Nasabi niya nga iyon sa akin. That's why you're here for a while now?"

I nodded. Diretso akong nakatingin sa kanya. I've already cleared everything earlier, after what I've realized. I still can't believe this though.

"Sinabi niya rin sa akin na isa ka na raw na Interior Designer. Sa VAHD ka nagtratrabaho?"

Tumango ulit ako. She smiled awkwardly.

"I'm sorry. Ikinukuwento ka kasi ni Marlon sa akin kaya medyo... marami akong alam tungkol sa'yo."

"I thought you're his wife." diretso kong sinabi.

Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. I saw the shock expression in her eyes.

I scoffed. Tumawa ako. "How foolish am I for believing that. Hindi man lang ako nagtanong."

Natahimik siya. She knows she's a part of it.

Siya ang nagsabi sa akin na si Marlon ang ama ng ipinagbubuntis niya noon. Siya rin ang nagsabi sa akin na tinatrato lang ako ng maayos ni Marlon dahil sa ama ko. That he really doesn't like me, that he's just treating me nicely because he respects my family.

Damn! I can't believe those aren't true! Ilang taon akong nabubuhay sa galit at sama ng loob! Sinubukan kong kalimutan pero palagi akong minumulto! Ilang taon akong umiwas na umuwi rito!

I can't believe I've wasted six years for false belief and misinformation. It was a waste of time!

Huminga ako ng malalim. Nanatiling tahimik at nakayuko si Ilene, kinakagat ang labi.

"All this time I thought you two are married. Mali pala ang iniisip ko."

Suminghap siya at nag-angat ng tingin sa akin. She looked at me sincerely.

"I'm sorry. Sa totoo lang, gusto kitang makausap noong narinig ko na nandito ka. I want to apologize..."

The waiter served our food. Wala ni isa sa amin ang gumalaw noon. Bumaba ang tingin ko sa pagkain ko at dinala ang isang kamay sa baso para may makapitan.

"Gusto kong humingi ng tawad..." tumingin si Ilene sa akin. "Sa mga sinabi ko noon sa'yo."

Hindi ako nagsalita. Nanatiling nakatiim ang bagang ko.

"I know it shouldn't be my excuse but I was pregnant back then. Maybe it was because I was missing my boyfriend that time that I was..." she chuckled lightly. "That I was very emotional back then."

I remained my eyes on my food. Mariin kong tinitigan ang pagkain.

"I admit I disliked you when you were young. Maarte, spoiled, at akala mo kung sino kung makaasta. Halata ko na rin noon na may gusto ka kay Marlon. I don't like you for him so maybe it was the reason why... I said those lies."

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon