Chapter 7
Hindi na ako nakatanggi sa gulat. I was mesmerized with his laugh. Hindi ko iyon madalas marinig, actually hindi ko pa siya naririnig na tumawa, kaya gulat ako at hindi nakabawi nang tawanan niya ako.
He was always serious. Akala mo hindi marunong makipagbiruin. Maybe it's because he's mature and busy with their businesses.
That is why I was shocked when he chuckled. It seemed like I was dreaming.
Tinaasan niya ako ng kilay at umiling bago muling naglakad. Napakurap-kurap ako at ilang segundo pa bago ko siya sinundan.
Maybe it's not a big deal pero... ang sarap pakinggan ng tawa niya!
"You were avoiding me because you're ashamed?"
"U-Uh... oo..." my words were in a hang because I'm still thinking about his laugh.
"Why would you be ashamed if that's what you really feel?" saglit niya akong nilingon pero mabilis ding bumalik ang tingin sa daan. "What did I do something wrong for you to be mad, anyway?"
Napakurap-kurap ulit ako. S'yempre hindi ako aamin sa mga naiisip ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko aaminin ang dahilan kung bakit iritado ako sa kanya!
"H-Huh? Wala naman. Kaya nga nahihiya ako kasi... inaaway kita kahit wala namang dahilan." I reasoned.
"You can tell me if I did something wrong. Nakakatakot ka pala 'pag galit."
"I'm sorry."
He chuckled again. Natulala ako saglit pero agad ding nakabawi. Hindi talaga ako makapaniwala na nakikita ko ito sa kanya.
"It's alright. I just wondered for days why..." he shook his head then bit his lip.
Natahimik kami nang papalapit na sa orchard. My heart is feeling light. Magaan ang pakiramdam ko at parang... okay ang lahat.
"The election is nearing. How's your father?"
"Ayos lang. Mukhang hindi naman siya mahihirapang manalo. Si Tito Edgar lang..." I trailed off.
Tumango siya. Nagtagal bago ulit siya nagsalita. Siguro naninimbang sa sasabihin dahil sensitive ang usapan tungkol kay Tito.
"Well I think he still has a chance. He's already proven himself for the past years. This issue... I think people will still believe him."
Nagkibit-balikat ako. "I don't know... Mahirap kapag nawala ang tiwala ng mga tao. They will never believe you again."
"That's true. But this is only one mistake."
"It's unforgivable, though. He cheated. Nasira ang tingin sa kanya ng mga tao dahil iniisip ng lahat na perpekto siya."
"That's what's wrong with people. No one is perfect, everyone makes mistakes. They should know that."
"But they pictured Tito Edgar as perfect husband. At siguro, nagulat din ang lahat sa nalaman. We were shocked too. We know Tito Edgar was a loyal man. He loves his family."
Bigla siyang huminto at tinignan ako. Nauuna siyang maglakad sa gitna ng mga puno at napahinto rin ako sa ginawa niya.
Tumunog ang mga tuyong dahon na natapakan ko sa biglang paghinto. Sandali kong tinignan ang mga iyon bago muling tumingin sa kanya.
He pursed his lips, his serious eyes staring gently at me. May kung ano sa mga mata niya na hindi ko matukoy. Is he amused?
He licked his lips then shook his head. Saglit siyang yumuko para pasadahan ng daliri ang kanyang buhok.
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Teen FictionPosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...