Chapter 23

51 2 0
                                    

Chapter 23

I don't know but I cried that night. Mabigat ang dibdib ko pag-uwi at nagkulong agad sa kwarto para ilabas iyon. It was so hard to bear that I cried it all out. Pero kahit tapos na akong umiyak, hindi pa rin nawala ang bigat sa dibdib ko.

Seeing Ilene there... confirmed something. Alam ko namang madalas siyang pumupunta roon pero para akong sinampal ng katotohanan.

And so I didn't come back to the orchard anymore. I just focused on catching up with the lessons I missed when I was busy training for South Zone. That was my always excuse everytime Marlon asks me.

Kahit hanggang magchristmas holidays, hindi ako pumunta roon. We went out of town during the holidays so I was busy.

"Kanina pa tumutunog ang phone mo, Aianne. Sino'ng tumatawag?" si Daddy.

Sinulyapan ko ang phone ko na kanina pa nga tumutunog. I saw Marlon's name. Tinaob ko iyon at hinintay na matapos ang pagriring bago patayin.

Bumalik ako sa pagkain. We're having dinner at Chrismas night. Nasa mahabang table kami kasama ang buong angkan ng Ranillo, maliban kay Lex. Lex stayed in Manila with the Alcantaras.

"Mga manliligaw niya lang 'yan," si Kuya Vlad. "Mabuti pa nga patayin mo 'yang phone mo para walang istorbo. Magpalit ka na nga ng number at 'wag mo nang ipamigay."

Umirap ako. "Bakit ikaw ang nagdedesisyon?"

"See? Gusto mo rin naman ng ganyan. Bakit? Masaya ba sa pakiramdam na nababaliw ang mga lalaki sa'yo? Ikaw, bata ka pa pero mapaglaro ka-"

"Tama na 'yan." suway ni Mommy.

"E ako kasi ang naiirita sa mga manliligaw niya, 'mmy. Kung hindi lang ako nagpipigil sa school, baka araw-araw kayong pinapatawag ng DO."

"Pwede namang huwag mo silang pansinin, Kuya. Ako nga, hindi ko pinapansin."

Tumawa si Kuya Chad. "Mapapel lang si Kuya."

"You should refrain from entertaning boys, Aianne. Malapit ka sa kanila kaya maraming pumoporma sa'yo. You are still young for that." si Daddy.

"You're right, Dad. She entertains them kaya iniisip nila na may chance na." dagdag ni Kuya Chad.

"Naku, Dad, kung alam mo lang!" si Kuya Vlad na pinandilatan ko ng mga mata.

Daldal nito! Baka kung ano pang isumbong!

"I don't talk to boys that much anymore, Dad." giit ko. "It's not my fault that they like me. Kasalanan na ba ang maging maganda ngayon?"

Natawa sila. I raised a brow and flipped my hair.

After dinner, I turned on my phone. I saw multiple missed calls from Marlon. My friends greeted me through texts, ganoon din ang mga pumoporma sa akin.

Marlon:

Merry Christmas! I want to greet you but you're not answering my calls.

Marlon:

Are you busy?

Marlon:

You might be busy. I saw your posts. Take a rest. Let's meet once you get back.

Nagtaas ako ng kilay. Hindi kaya nagagalit si Ilene dito? Kunsabagay, what for? She's the girlfriend, I'm just a friend who he treats as a little sister.

Mukhang abala rin naman siya sa bakasyon nila. They went to Manila to meet with their cousins, based from his tagged photod. Nag-out of town din sila. They went North while we went to Cebu.

For the new year, we went abroad. Of course I took a lot of pictures. Kahit badtrip na si Anya sa akin, nagpicture pa rin ako. Hindi dapat siya sumasama sa mga ganitong bakasyon. She easily gets bored. Napakaboring kasama.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon