Chapter 18

39 1 0
                                    

Chapter 18

Naiwan akong mag-isa kaharap si Marlon. Hindi ako makatingin nang diretso sa kanya. Nahihiya na naman ako dahil sa hindi mabilang na pagkakataon, naabutan na naman niya akong ganito!

I caught his eyes wandered over my body, from my toes then stopped at my eyes. I'm only wearing short shorts and spaghetti strapped sando. May tuwalya pang nakasabit sa balikat ko at medyo basa pa ang buhok.

I felt drops of water trickled over my shoulder. Nakita kong napasulyap doon si Marlon, umigting ang panga, at muling bumalik sa mga mata ko.

"Uh... uwi na tayo?"

His jaw clenched again. Lumunok ako at kinagat ang pang-ibabang labi.

I feel so awkward. Naiilang ako, sa klase ng tingin niya at sa ekspresyon niya. Mabilis ang tibok ng puso ko, hindi ko mawari kung dahil ba sa pagka-ilang o kaba, o dahil sa sitwasyon ko ngayon.

I heard him sighed. Napatingin ako sa kanya.

"I was supposed to take you out after your exams but Kim told me you went on an outing. So I just waited here."

Lalong kumabog ang dibdib ko. There was something in his tone... and with the words that he said that makes me...

Kumurap-kurap ako.

Stop what it is, Aianne. That's impossible! Tinamaan ka yata sa alak na ininom ninyo kaya kung ano-ano na ang naiisip mo!

"Kanina ka pa dito?" sabi ko, isinasantabi ang kung anong nararamdaman.

Tumango siya. Lumapit siya at muntik na akong mapaso nang magtama ang mga balat namin sa pagkuha niya sa bag na dala ko.

"Let's bring you home."

Tumalikod na siya papunta sa kanyang sasakyan. My heart skipped a beat. Sinundan ko siya.

"Anong oras ka pa nandito?"

I watched him put my things in the back seat of his Hummer. Sunod niyang binuksan ang pinto ng passenger's seat, katabi ng driver.

He glanced at his wrist watch to answer me. "Around eight, I think."

Eight o'clock? Alas nueve na! Ibig sabihin isang oras siyang nandito sa labas at naghihintay?

"Sana tinext mo ako na nandito ka. O kaya pumasok ka sa loob."

"You seemed having fun earlier so I didn't."

"Hindi ka ba..." pinasadahan ko ang medyo madilim na puwesto namin. "...nalamukan?"

"It's alright."

Nakaramdam ako ng guilt. Pinasadahan ko ng daliri ang basang buhok at nag-isip.

He said he wanted to take me out. He waited here for about an hour. Sayang naman! He should've told me!

"It's getting late. Sumakay ka na. Iuuwi na kita,"

"You said you wanted to take me out, right?"

Tumango siya. I bit my lower lip and smiled.

"Then let's go out. Why don't we go to Parque?"

"We can go out next time. It's alright. Ihahatid na kita sa inyo."

"I'll be busy after this for South Zone. Start na ng training namin sa Monday."

Tinitigan niya ako. I felt something rumbling in my stomach as he does that. Hindi mawala ang ngisi sa labi ko kaya nanatiling nakakagat ako roon.

"Though ayos lang naman kahit hindi na tayo tumuloy. Thanks for the thought. I appreciate-"

"Alright. Let's go, then."

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon