Chapter 13

48 3 0
                                    


Chapter 13

Sandali akong napahinto nang matanaw si Marlon sa entrance. Nakasandal sa hamba ng pintuan, naka-krus ang dalawang braso sa dibdib, at pinapanood ako.

"Kim, kuya mo!" narinig kong may nagsabi.

Lumunok ako at tipid na ngumiti bago naglakad papunta sa kanya. Umayos siya sa pagkakatayo bago pa ako tuluyang makalapit.

"Aianne! Sayaw tayo!" biglang may humila sa akin bago pa ako makalapit kay Marlon.

Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Marlon sa akin sabay tingin sa humila sa akin. Marco pulled me back to the dancefloor. Nasa dancefloor na ako nang itulak siya.

"Pagod na ako. Mamaya na lang,"

Sumulyap ulit ako kay Marlon at nakitang nakakunot pa rin ang noo niya habang nakatingin sa akin. Uminit ang pisngi ko at biglang nahiya.

"Mamaya na, Ai. Sayaw muna tayo. Kaya nga party, e!" sabay hila ulit ni Marco nang umamba akong umalis.

Tinulak ko ulit siya at sinamaan siya ng tingin. Nasa paligid ang mga kaibigan niyang mga lalaki. Mabilis akong umalis sa dancefloor.

Mainit ang mukha ko pabalik sa pwesto namin. Nakita kong nandoon pa rin si Anya at nakaupo kausap sina Limuel at Aries. Bumaling si Aries sa akin.

"Oh? Naubos na mga kasayaw mo?"

Sumulyap ulit ako kay Marlon. Damn it! Nakakahiya! Gaano katagal na siyang nand'yan? Baka nakita niya akong nakikipagsayawan kina Pio?!

I know it shouldn't be a big deal. Pero hindi ko alam kung bakit nahihiya ako kapag nakikita niyang may kasama akong lalaki. I feel like he's judging me. Iniisip ko na baka kung ano ang maging impresyon niya.

I realized that his impression of me is the big deal. Malaking bagay sa akin ang impression niya sa akin kaya hiyang-hiya ako ngayon na nadatnan niya akong kasama ang mga lalaki. Wala namang malisya sa akin pero siguradong sa mga mata niya, meron! Nakakainis naman!

At naalala ko pang nagsabi ako na hindi muna ako magpapaligaw!

Isipin na naman niya na nakikipagboyfriend ako! I was just entertaining but still! Hindi iyon ang iisipin niya!

"Nandito ka? Sabi ko huwag mo na 'kong hintayin, Kuya!" narinig ko si Kim.

"Aianne, tara, sayaw!" lumapit si Shaun sa amin. "Pagbigyan mo ako. Pinagbigyan mo sina Pio, e."

Hindi na ako sumulyap dahil malapit ang entrance sa pwesto namin. Hinila ko si Anya para ayain nang umuwi.

Kinuha ko ang phone ko at tinext sina Kuya Vlad na mauuna na kami sa kanila. Hindi ko na sila makita sa dami ng tao.

"Oh, bakit?" si Anya na nagtataka sa paghila ko sa kanya.

"Uwi na tayo." sabay pasada ko ng daliri sa buhok habang kinukuha ang sling bag ko.

"Uuwi na kayo? Hindi pa tayo nakakapagsayaw." pangungulit ni Shaun.

"Pagod na 'ko, Shaun, e. Sorry."

"Sige. Basta next time? O kaya kita na lang tayo sa Monday. Primark?"

Nagtawanan sina Limuel at Aries. Inasar nila si Shaun. Nakitawa naman itong si Shaun at sumakay sa asaran.

Tumingin ako sa entrance. Wala na si Marlon doon. Hinanap ko siya at nakitang kausap na ng mga faculty sa labas.

"Aianne, ano?"

"Oo na, Shaun. Uwi na kami!" iritado kong sagot at hinila na si Anya.

Mabilis ang lakad ko palabas ng entrance. Hindi gaanong malayo kung saan nag-uusap ang faculty at si Marlon. Hindi ko na sila tinignan at dire-diretsong bumaba ng building.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon