Chapter 5
"Ano?!" gulantang na tanong ng coach.
Umirap ako at hinawi ang buhok na bumabagsak sa pagyuko ko nang tignan ko siya. Nakatingin ang mga bench players sa akin. Pati si Anya na nasa loob na ng court ay napatingin din.
"Uuwi na po ako."
"Hindi pa tapos ang laro-"
"Uuwi na ako." sabi ko sabay kuha sa aking gym bag.
"Aianne, kailangan ka rito! Matatambakan na tayo!"
"May problema ba?" singit ni Kim.
Umiling ako at tipid siyang nginitian. Bumaling ako sa aming coach na sasabog na sa galit sa akin.
"Alis na ako. Kaya n'yo na 'yan." sabay lakad paalis.
Nilagpasan ko sina Jaica na nagtatawanan at napatingin sa akin. Umirap ako. I don't want to be defensive but I feel like they're laughing at me.
Uuwi na lang ako. Iritadong-iritado ako kina Jaica at sa pagkapahiya ko. Hindi ko kayang humarap sa mga tao ngayon, lalo na ang maglaro at baka ako pa ang maging dahilan ng pagkatalo ng team.
Naririnig ko pang nag-uusap ang mga nakarinig tungkol sa paggawa ko ng kwento na engaged kami ni Marlon. Nakarinig pa ako na kinantyawan ako, hindi ko na lang pinansin.
Totoo naman na gawa-gawa ko lang iyon.
Hindi ko alam kung kanino ibubunton ang iritasyon ko. Kung dahil lang ba kay Jaica ito, sa sarili ko, o kay Marlon. Alam ko namang mali ako pero hindi ko inasahan na sasagutin nga niya iyon sa harapan ko.
I thought he won't deny it. Alam niya naman siguro na pinoprovoke ako ni Jaica. But then why am I expecting him to do that? S'yempre hindi siya magsisinungaling. Ako ang mali dito at tama lang na magsabi siya ng totoo.
I feel so petty. Hindi ko dapat dinidibdib ito pero hiyang-hiya ako. Siguro totoo ngang ambisyosa ako! Ilusyunada! Bakit ko ba kasi sinabi iyon? Sino ba ako? Nakakainis lang kasi na ang daming nagkakagusto sa kanya! Wala naman silang chance!
Ako ba, meron? Wala rin! Kaya bakit gumawa pa ako ng kahihiyan?!
Sana kinuha ko na lang ang chocolate at inabot kay Marlon. Hindi na dapat ako nagmalaki pa. Napakayabang mo kasi, Aianne!
"Where are you going?"
Tinignan ko si Marlon na hinarangan ako sa paglalakad. I'm already on the verge of crying because of so much irritation. Palabas na ako sa gate at makakaalis na sana kung hindi niya ako hinarangan.
Pinigilan ko ang tuluyang pagluha at nag-isip ng sasabihin.
"U-Uh, pagod n-na ako..."
Pumiyok ang boses ko nang sabihin iyon. I gasped as I tried hard to stop my eyes from glistening but they still did. Umiwas agad ako ng tingin sa kanya kahit na alam kong nahuli na niya ang mga mata ko.
"I told you not to spread rumors about-"
"Alright, I'm sorry!" nagulat siya sa pagputol ko. "Napahiya na ako. Atsaka pwedeng huwag ka na ulit pumunta rito kasi siguradong pag-uusapan nila ang nangyari ngayon?"
"Why would I do that?"
He seems unbothered with the growing tears in my eyes. O seryoso lang talaga siya at walang ibang ekspresyon.
"And why did you say that we're engaged, in the first place?"
Tumalim ang tingin ko sa kanya. I'm very ashamed right now but I'm defensive. Ayaw ko nang alalahanin iyon at hindi ko alam ang isasagot sa kanya!
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Teen FictionPosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...