Chapter 16

44 2 0
                                    

Chapter 16

Nang matapos ang parusa ko, sunod-sunod na ang pagiging abala ko. Naghanda ako sa midterms at nagsimula na rin ang mga mock practice para sa South Zone tournament na sasalihan ko. It's a sports event for high schools. Simula noong Grade 7, kasali na kaming dalawa ni Anya.

"Ugh! Ang dami naman nito!" sabi ko paglapag ng reviewers sa mesa.

Nasa library na naman kami para magreview. Ngayon hindi na ako pwedeng umasa kay Anya gaya ng ginagawa ko kapag may assignments at projects dahil exams na ito. Hindi na pwedeng kumopya, s'yempre. Hindi naman ako ganoong klaseng estudyante, ano.

"Mag-aral ka na lang," sabi ni Anya.

Umismid ako. "Mas gusto ko pang maglaro kaysa mag-aral."

"Ayaw mo bang magpaturo kay Jaydee? Mukhang crush ko no'n." si Jane sabay ngisi sa akin.

"Sila pa ba ni Rica?" si Monica.

"Hindi." sagot ko. "Nakipagbreak siya noong nagwala si Rica. Tinext niya ako."

"Oh, really?" pang-aasar nila.

"E 'di magpaturo ka na do'n." si Anya sa akin.

"Ayoko nga. Baka sugurin na naman ako ni Rica."

Tumawa si Aries. "Natatakot ka pala sa mga sumusugod sa'yo? E simula noong Grade 7, may sumusugod na sa'yo."

Binalewala ko sila. Pinanood ko sina Gwen na kakapasok lang ng library. Nakasunod si Jake sa kanila. Nasa labas sina Rake at tinatawag ang kaibigan pero hindi sila nito pinapansin.

I smirked. Mukhang totoo nga ang tsismis na naririnig ko.

Lumapit ako kay Anya para bumulong. "You think Jake is serious with Gwen?"

Tumingin din si Anya sa tinitignan ko. Everyone's looking at them. Kakaiba nga naman sa paningin na may kasamang lalaki ang grupo nina Gwen, lalo na kay Gwen pa laging lumalapit.

"Siguro. You think paglalaruan lang ni Jake si Gwen? Mahirap lokohin si Gwen."

"Hmm, you know the saying, couz. Kapag matalino, tanga sa pag-ibig."

"Bakit ikaw? Hindi ka naman matalino pero..."

"What did you say?" asik ko sa kanya.

Tinawanan niya ako at bumalik sa pagrereview. Umirap ako at ganoon na lang din ang ginawa.

For days, ganoon lang ang palagi kong ginagawa. Nagrereview, umaattend sa mga mock practice, at nakikinig sa klase. Minsan pumapasyal ako sa orchard pero madalas, hindi na kasi gabi na rin kami nakakauwi galing school.

Actually, Marlon encouraged me to review in the orchard so I can visit pero ayaw ko namang maka-istorbo. Hindi ko rin mararamdaman ang lugar dahil may ginagawa ako. Besides, I can't review without my friends' help.

"So use this formula to get this..." our teacher's voice faded in my ears.

Pinilit kong gumising para makinig. Crucial pa naman ang lecture na 'to dahil kasali raw sa exam. Ang problema ko naman, inaantok ako. Mapungay na nga ang mga mata ko sa sobrang antok at ginigising ko na lang ang sarili.

"Huy, umayos ka nga." siniko ako ni Anya nang mapasandal ang ulo ko sa braso niya. "Huwag kang matulog."

"Inaantok ako." bulong ko at umayos sa pagkakaupo.

"Patapos na ang klase. Tiisin mo muna."

Humikab ako at muntik nang mahuli ng teacher. I sighed. Pinasadahan ko ng daliri ang buhok bago nagtaas ng kamay.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon