Chapter 8

54 2 0
                                    

Chapter 8

Badtrip na badtrip ako kay Kuya Vlad. Panay ang reklamo ko habang pauwi kami. Nakasimangot ako at binubungangaan siya.

Nakakainis kasi. He said he gave high scores to Ilene, one factor why she won!

"What? I am fair, Aianne. Bakit ba naiinis ka? Anong ginawa ni Ilene sa'yo?" Kuya Vlad asked me.

"Nagseselos 'yan," sagot ni Anya, kasama namin sa sasakyan.

I glared at her. She raised her brow at me and grinned. Napabaling sina Kuya Vlad at Kuya Chad sa akin.

"Totoo na gusto mo si Marlon? Little girl, he's way older than you!" apela ni Kuya Vlad.

Hinawi ko ang kamay niya na hinawakan pa ako sa braso para mapaharap sa kanya. Iritado akong umiling at umirap.

"Oh please! Huwag nga kayong maniwala kay Anya! Hindi ako nagseselos!"

Anya laughed. Pinandilatan ko siya ng mga mata at sinenyasan na tumahimik.

"Mali na gumawa ako ng paraan para matalo siya, Ai. We should be fair. Isa pa, deserve ni Ilene ang manalo."

Umismid ako at hindi nagsalita. Alam ko naman iyon. Iritado lang ako dahil... bukod sa pag-abot ni Marlon ng bouquet kay Ilene, hinatid niya pa sa kanila! It will only spark issues! Akala ko ba ayaw niya na pinag-uusapan siya? He doesn't like rumors but he's the one making them!

Inis na inis ako at ayaw kong tukuyin ang mismong dahilan noon. I know Ilene deserves to win. She made a great performance and the crowd really love her. She deserves that crown, alright! Masama lang talaga ang loob ko sa mga nasaksihan.

"Malapit na ang fiesta. May isusuot ka na bang damit?" tanong ko kay Anya habang kinakalkal ang closet niya.

Napangiwi ako sa nakitang ruffled blouse niya. Ayos sana ito kung stylish, pero hindi. It looks like it's her mom's.

"Kailangan ko pa bang mag-ayos ng maganda? Dito lang naman tayo sa mansion, at aalis din para sa santacruzan."

Umismid ako. "Ang boring mo talaga. Nagfitting ka na ba?"

"Oo, kanina. Ikaw?"

"Mamaya, pagdating nina Mommy. Nagpatulong kasi si Elliot sa kanya para sa mga requirements niya sa DHVSU."

"So tuloy na ang pag-aaral ni Elli dito?"

"I think so. Nag-aasikaso na siya ng documents. Ganoon din yata si Lex."

Umupo ako sa vanity table niya at pinakialaman naman ang mga lipstick at lip tint niya na hindi niya naman ginagamit. She only uses lip balms. Kunsabagay hindi niya rin naman gaanong kailangan ang mga ito dahil maganda na siya kahit walang make-up, kahit na morena rin siya tulad ko.

"So Lex will really leave,"

Tumango ako. "Masama pa rin ang loob."

"Kailangan natin siyang intindihin. He was deeply hurt."

"What about Clark and Clarisse? Hindi ba sila galit?"

"Mas galit si Lola Vicky kaysa sa kanila..."

"Naapektuhan din kasi ang pamilya ninyo kahit na hindi naman dapat..." I gasped to change the topic. "Anyway, nood tayo sa dance contest mamaya, ha?"

"Of course."

Hinusgahan ko pa ang mga gamit ni Anya at nang dumating sina Mommy para sunduin ako, tumulak na kami sa Florey para sa fitting ng gown. Mabuti na lang sakto lang iyon sa akin dahil bukas na ang fiesta at ang santacruzan. Sa sobrang abala kasi namin, hindi na namin napagkaabalahan pa ang santacruzan dahil palagi naman kaming kasali.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon