Chapter 28

60 4 0
                                    

Chapter 28

"Tell me, hija, is this really your decision? Pinal na ba talaga ito?" si Lola sa akin.

"Is this really what you want?" seryosong tanong ni Lolo.

I sighed. "Yes po. Ilang beses n'yo na 'tong tinanong." I chuckled.

Nagkaroon na naman kami ng usapan nang marinig nina Lolo ang desisyon ko. They were shocked about it so they called another sit-down discussion in the mansion.

Kunsabagay, wala sa itsura ko ang gugustuhing umalis dito dahil lumaki ako rito at wala ring malaking rason. Kung si Lex nga na may mabigat na rason, hindi pa gustong pakawalan at ilang beses na kinausap. Sa akin pa kaya na biglaan at wala namang malaking dahilan para umalis.

Kagulat-gulat nga naman ang desisyon ko. They all know how I much I love the province. Alam nila na wala akong planong pumunta sa Manila kaya naman ngayong nagkaroon, nagulat sila. Hindi nga naman nila inasahan ang desisyon kong ito.

Ako rin naman... hindi ko rin inasahan ito. To be honest, I don't like my decision. I love the province because this is where I grew up and it's peaceful. But I don't think I'll be able to live a day peacefully if I'd continue to stay here.

"Bakit mo naman biglang naisipan na lumipat sa Manila, hija? Ayaw mo bang tapusin muna ang senior high school at sa college ka na lumuwas?" Tito Edgar suggested.

Umiling ako. "Nakapagdesisyon na po ako. Naisip ko na mas mabuti iyon para masanay agad ako sa buhay roon. Tutal doon din ako magcocollege dahil naroon ang mga magagandang school para sa interior designing."

Tumahimik sila. Iniisip nang mabuti ang dahilan ko. Ngumiti ako.

"Besides, nandoon naman si Lexan. Hindi n'yo kailangang mag-alala. I will study in DLSU too."

"Like what I told you, hija, hindi ka pwedeng makitira sa mga Alcantara. We have house there."

"Ayos lang naman iyon, Ram." si Tita Mayie. "Sina Rich at Rose lang naman ang naroon."

"Ayaw mo bang pag-isipan muna ito, Aianne? Will you leave Anya?" si Tito Antonio.

"Nakapagdecide na po ako. Atsaka nariyan naman ang mga kaibigan namin. Hindi naman mag-iisa si Anya."

Anya sighed. "Still, I don't want you to leave. Iiwan mo ako kasama ang mga ito?" tukoy niya sa mga pinsan namin.

Humalakhak ako. "Sina Elliot na lang naman iyan. You can do it."

"Will you leave us too, then?" si Lola na malungkot na tumingin sa akin.

I smiled apologetically. "Tatawagan ko naman po kayo palagi."

"Also, why is it so sudden? Bakit gusto mo ring umalis kaagad?" si Gabo.

Natawa ako dahil ilang beses ko nang sinasabi ang dahilan ko. "Para masanay na agad ako roon. Sasama naman ako sa mga outing, huwag kayong mag-alala."

"May magbabantay ba sa'yo roon? For sure Lex isn't always there for you because he has classes even in summer." si Tito Edgar.

"Then I'll go with her," si Kuya Vlad na nagpagulat sa akin. "Doon na lang ako mag-aaral para masamahan ko siya. Besides, pumasa naman ako sa entrance exam sa UST."

"Sa DLSU ako, Kuya." sabi ko dahil hindi niya rin ako mababantayan kung sakali. "Hindi naman ako magiging pasaway roon kaya kahit huwag mo na akong samahan."

"That's a good idea." si Daddy. "Mas mabuting samahan mo na siya, Vlad. At least someone knows what she's doing."

"Come on, wala ba kayong tiwala sa akin?" tumawa ako.

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon