Chapter 10

60 2 0
                                    

Chapter 10

"Uh, hello?" sagot ko sa tawag.

I glanced back to see my family. Nang makita kung sinong tumatawag, lumabas ako sa terasa para sagutin iyon. Nagtatakang nakatingin si Anya sa akin pero bumaling din sa pagdidiskusyon ng mga magulang namin.

Tanaw ko sa bakuran ang pag-uusap nina Kuya Vlad, Elli, at Lex. Nasa gilid sila ng malaking fountain na nasa gitna ng hardin ng mansion. Nasa baba rin ang mga tauhan na nagsasaya na kaagad kahit wala pang opisyal na resulta.

"Hey," Marlon responded.

Tumikhim ako nang maramdaman ang malakas na kalabog ng dibdib. Kakaiba ang nararamdaman ko ngayong kausap ko siya sa phone.

"How are you?"

"Uh, wala pang resulta. We're still waiting."

"I'm sure it's a positive result."

"We can't be sure. Alam mo ang isyu ni Tito..."

"You're nervous because of it?"

Tumango ako. "Nawalan ng tiwala ang mga tao kaya nakakakaba. Baka hindi manalo,"

"Then let's talk so you'd forget about your nervousness."

Napakurap-kurap ako. Hindi ko inasahan iyon.

"Hm... Baka busy ka."

"Nasa bahay lang ako. Naghihintay rin ng resulta."

"Oh... Uhmm..." I suddenly felt awkward, I don't know what to say.

Kinagat ko ang labi ko at ngumiwi. Why am I suddenly quiet?! Hindi ako ganito makipag-usap! Bigla akong naubusan ng sasabihin ngayon!

"Napagod ka ba kanina?" he started.

I licked my lips and gathered myself. He's doing me a favor. Medyo nawawala nga ang kaba ko dahil sa pagdidistract niya sa ibang bagay. Pakiramdam ko kung ang eleksyon ang pag-uusapan namin, aatakehin na ako sa puso.

"Uh, hindi naman... Salamat pala sa pagtulongm"

"Mainit kanina kaya tumulong na ako para maubos agad ang pinamimigay ninyo. You should bring an umbrella next time. It's still summer."

"Ayos lang. Sanay naman ako sa ganitong panahon."

"Are you not afraid of your skin being burnt?"

"Nope. I like my skin color." Napangisi ako. "What about you? Inaalagaan mo ba ang balat mo kaya hindi ka umiitim kahit nagbilad ka sa araw kanina?"

"No. I don't mind getting tan too. I like... your skin, actually. It's natural. I'm just worried you might get a sun burn from earlier."

Kinagat ko ang labi para magpigil ng ngiti. "Nagsunscreen ako bago lumabas. That should protect my skin."

"That's good..."

Ilang sandali kaming natahimik. Tumikhim siya at bumuntong-hininga.

"Have you eaten?"

Tuluyang kumawala ang ngisi ko. He's keeping me busy so I wouldn't think about the results. Kung ano-ano ang sinasabi.

"Yes. Ikaw?"

"Yes." Tumikhim ulit siya. "Will you still be busy after the elections?"

"Uhm... I'm not sure, why?"

"Well, if you want to visit the orchard..."

"Oh. About that. Pwede naman akong bumisita. But I heard my parents have plans for the rest of the summer so we might go on a vacation. Hindi pa kasi kami nakakapagbakasyon dahil sa pangangampanya."

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon