Chapter 30
Para akong lalagnatin sa pagkakataranta. I just wanted to get out of the event. Hindi na ako mapakali at gusto nang umalis.
I was feeling awkward. Nagawa ko namang makisabay sa kasiyahan at pag-uusap pero sa tuwing napapabaling ako sa kabilang table... nagwawala ang dibdib ko.
I gasped when I thought of something. Don't tell me, Aianne?! No way! Hindi! Hindi ka lang nakapaghanda sa pagkikita ninyo kaya ganyan ang reaksyon mo! There's nothing more! Ilang taon mo siyang hindi nakita kaya ganyan ka ngayon! Nothing else!
"Are you okay?" si Mike sa akin nang napansing tahimik ako.
Uminom ako ng tubig at tumango. Nginitian ko siya.
"You seem enjoying my cousins' company."
He smiled as he puts his arm on my chair. "Yup. Ngayon na lang ulit kami nakapag-usap nang matagal."
"That's good to hear..."
Pinasadahan niya ng tingin ang paligid. Ganoon din ang ginawa ko. Huminto ang mga mata ko sa mga kaibigan ko sa 'di kalayuang table. They waved at me and I did too.
"I heard you had a lot of suitors when you were still living here."
Tumawa ako. "Noong high school pa 'yon. Sinong nagsabi sa'yo?"
"Your Kuya Chad. Iyong iba, imbitado raw. Can you point them?"
Tinignan ko siya. "Para saan pa?"
"Titignan ko lang kung... dapat ba akong kabahan." he chuckled.
Humalakhak ako. Hinaplos ko ang pisngi niya at marahang tinapik iyon. He held my hand and kissed it.
"You're my boyfriend. Bakit ka pa kakabahan,"
"I still think you'd get enough of me and choose someone else."
Nagkatinginan kami. I waited for the wild beating of my heart but there's none. I am comfortable with Mike. He was the first one who made me feel at home in Manila, even though Pampanga will always be my home.
I truly love him. Not intensely but it was enough for me to choose him. Hindi ko nga lang naiisip pa ang pagpapakasal.
"Ikaw ang mahal ko, Mike. Why would I choose someone else."
"I'm just thinking... You haven't told me why you transferred in Manila when it wasn't your initial plan from the start."
"Things change, you know. I just thought it would be better if I study in the city."
"But you didn't dream of going there, right. You didn't expect you'll moving in Manila."
Humalakhak ako. I don't know why he's asking this. May mga ganitong pagkakataon kami ni Mike. Sometimes he feels insecure. I'm doing my best to make him feel otherwise, though. That's the right thing to do since he was treating me great.
"Did someone hurt you here? That's why you ran away? At ayaw mo nang umuwi kung maaari?"
Tinitigan ko siya. Sandali akong natulala habang lumilipad ang isipan kung saan.
I licked my lips and smiled at him. Umiling ako.
"Wala... Don't overthing, okay? Hindi kita ipagpapalit." uminom ako ng tubig.
He chuckled. "I'm sorry. Nag-aalala lang ako na kapag may nakita kang ex-boyfriend mo rito o dating manliligaw, makikipaghiwalay ka sa akin."
"Hindi iyon mangyayari!" tumawa ako at tinapik ulit ang pisngi niya. "That will never happen, Mike."
BINABASA MO ANG
Please Me (Ranillo series #2)
Teen FictionPosted: May 13, 2022 Status: Completed Aianne Claudine Ranillo, ang pasaway sa mga babaeng apo ni Don Rafael Ranillo. She influences her cousin, Anya Ranillo, to join her in her rendezvous. She's spoiled, maarte, pasaway, at sakit sa ulo. Galing man...