Chapter 9

56 2 0
                                    


Chapter 9

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. It was like how I felt during the opening of the tournament. Noong pinapanood niya rin ako.

There was something in his stares that makes me feel wobble. Para akong sinisilaban sa init. Parang biglang nawala ang confident ko sa katawan. Nakakailang.

Nanlalambot pa rin ang mga tuhod ko nang makabalik na sa mansion. Tapos na ang parada pero muling nagtipon-tipon dito ang mga kasali, pati na ang mga artista bago sila umalis.

Paakyat ako sa mansion, nasa konkretong barandilya ang isang kamay at ang isa ay hawak ang palda ng gown ko, nang mapabaling sa bakuran kung saan naroon ang maraming table para sa mga bisita.

Nagkatinginan kami ni Marlon nang mag-angat siya ng tingin. Napakurap-kurap ako sa gulat. Nandito sila! Ang pamilya niya!

Sa pagkakaalam ko, gabi pa pumupunta ang mga Montellano dito sa amin tuwing fiesta. Iyong tipong patapos na ang handaan, doon sila mamasyal. Pero ngayon, maaga pa, at hindi pa malalim ang gabi pero nandito na sila.

Not that I don't want them here. Nakakapagtaka lang.

"Pumunta kami para makapagpapicture ako!" narinig ko si Kim sa aming likuran.

Napatingin ako sa kanya, katabi ni Anya at kasabay sa pag-akyat. Oh... alright. So they're here early because of Kim.

"Crush ko 'yon, si Joshua!"

"May Joshua rin naman tayo rito sa Pampanga, Kim." singit ni Kuya Vlad.

"Hmp! Ibang Joshua ang gusto ko, hindi Rake Joshua!"

Natawa ako. For what I know, nagustuhan din ni Kim si Rake noon. Though knowing Kim, hindi naman siya ganoon ka-attach sa mga nagiging crush niya.

Umiwas ako ng tingin kina Marlon at pumasok na nang tuluyan sa loob ng mansion. Nasa sala ang mga artista, pati na rin sina Ilene. Nakaayos pa ako at suot pa ang gown dahil may picture-taking daw, ito siguro ang dahilan kung bakit maagang pumunta ang mga Montellano.

"Pasensya na sa abala, Miguela. Ito kasing si Kim, gustong-gustong magpapicture." narinig kong sinabi ni Tita Laarni.

"Ayos lang naman. Normal iyan sa mga dalaga. Kaya nga sina Aljon ang ininvite namin."

Ngumisi si Aljon sa akin nang magtama ang paningin namin habang pinapasadahan ko sila ng tingin. Silang grupo muna ang pinipicturean kaya nandito kami sa tabi.

Maraming tao sa sala pero hindi naman masikip dahil maaliwalas naman ang mansion. Napabaling ako sa double doors nang pumasok si Marlon, kasama si Gabo.

"Marlon!" kumaway agad si Ilene sa kanya at lumapit.

Ngumuso ako at humalukipkip. Pairap akong bumaling sa mga nagpipicture. Magsama kayo riyan!

Pagkatapos ng group picture ng mga artista, ang mga nanalo sa pageant naman ang sumunod. Nakahalukipkip pa rin ako nang lapitan ako ni Aljon. Nakangiti siya kaya ngumiti rin ako at binaba ang mga braso.

"Magpicture tayong dalawa pagkatapos, ah?" sabay tabi sa akin.

Ngumisi ako. "Sure."

Sinulyapan ko ang paglabas niya sa kanyang phone. Tinignan ko siya.

"Anyway, here's my number. Nagagawi ka ba sa Manila? Let's meet it ever you go there." sabay abot ng phone niyang nakadisplay ang number.

"Baka hindi mo makita ang text ko dahil sa mga fan messages?"

"Don't worry, it's my personal number. Only my family, close friends, and my manager have it. Wala masyadong messages ang pumapasok dito... except if we text everyday."

Please Me (Ranillo series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon