WARNING: This is not your typical kind of story. Kung ayaw mo sa ganitong klaseng mga story at sensitive ka sa mga vulgar words, pwes lumayas ka na sa librong 'to!
• • •
KABANATA 2:
PRECIOUS POV
Unti-unti namang nawala ang pagkakunot ng noo ni lolo nang mapansin niyang papalapit ako sa cedar gazebo. Ngumiti siya sa akin kaya naman sinuklian ko lang din siya ng matamis na ngiti. Mukhang napansin din ni Mayor Fiorello ang presensya ko dahil agad din siyang napatingin sa aking gawi. Paglapit ko kay lolo ay agad ko siyang hinalikan sa kanyang pisngi.
"Nakauwi ka na pala apo. Kamusta naman ang café mo?" nakangiting tanong ni lolo sa akin.
Ubod ng tamis ko naman siyang nginitian, "Okay lang po, lolo. Marami-rami rin pong mga costumer na dumating kanina sa Precious Wake Up Café kaya marami na naman po kaming naibenta," masaya kong balita sa kanya.
"Wow, that's good to hear that. Masaya ako na marami ulit kayong naibenta. Hindi na ako magtataka, eh sadyang sikat at mabenta dito ang shop mo kaya madami ang bumibili dahil masarap ang tinitimpla niyong kape," tuwang-tuwa niyang sabi kaya mas lalo akong napangiti at nagpasalamat lang sa kanya. Kapag talaga mahaba ang free time ko ay umaabot ako hanggang gabi sa shop ko at minsan ay tinutulungan ko ang coffee barista namin na magtimpla ng kape.
"Magandang tanghali po, Mayor Fiorello." magalang kong bati sa Alkalde namin nang balingan ko siya ng atensyon ko.
Ngumiti siya sa akin, "Magandang tanghali rin sayo, iha. Aba eh habang tumatagal ay lalo kang gumaganda. Ang swerte ni Don Mateo, nagkaroon siya ng masipag, maganda at matalinong apo. Hindi na ako magtataka kung bakit nagkagusto sayo ang bunso kong anak na si Brando," aniya sabay tawa ng mahina.
Kahit naiilang ay nagawa ko pa ring ngumiti ng napipilitan sa kanya. Hindi rin kasi lingid sa kaalaman ng lolo ko at ni Mayor Fiorello na may gusto si Brando sa akin. Wala namang ibang sinabi o reaksyon si lolo nang umakyat bigla ng ligaw si Brando sa Mansyon ngunit alam ni lolo na ilang beses ko nang binasted ang bunsong anak ni Mayor Fiorello. Alam din ni lolo na si hindi si Brando ang tipo kong lalaki. Marami pa ngang naikwento sa akin sila manang Loreta at ang ilan naming mga katulong dito tungkol sa masamang pag-uugali ni Brando kaya naman hinding-hindi ko talaga magugustuhan ang tulad ni Brando.
Samantalang si Mayor Fiorello naman ay todo suporta sa anak niya kahit alam din naman niya na walang pag-asa si Brando sa akin. Hindi ko alam kung alam na ba niya na binasted ko ang bunso niyang anak. Hindi rin naman ganun kataasan ang standards ko pagdating sa isang lalaki at nakakatiyak ako na hindi maaabot ni Brando ang standards ko sa lalaki. Mas una ko kasing tinitignan ang ugali ng isang lalaki bago ang kanyang itsura.
Mas higit na importante sa akin ang lalaking mabait, masipag, mapagmahal, may puso at may respeto sa kapwa. De bale na kung hindi siya mayaman, hindi kagwapuhan at kahit wala pang nararating sa buhay kaysa naman sa mayaman nga, gwapo, sikat subalit mahaba naman ang kanyang sungay at buntot.
"Anyway, inaanyayahan ko pala kayo sa bahay namin para sana kumain ng dinner. Birthday kasi ng asawa ko at sinabihan ko na rin itong lolo mo pero ang sabi niya ay may plano na kayo mamayang gabi," ani Mayor Fiorello.
"Ganun po ba? Naku, pasensya na po Mayor pero totoo ho ang sinabi ng lolo ko sa inyo. May plano na po kaming dalawa mamayang gabi. Sasamahan ko po siya na i-meet ang isa sa pinaka-importante niyang business partner na galing pa po sa Maynila," magalang kong sagot sa kanya.
Hindi rin ako nagsisinungaling kay Mayor. Totoong may plano na kami ni lolo mamayang gabi at personal ko siyang sasamahan na ma-meet yung business partner niya na galing pa talaga sa Maynila. And lolo Mateo wanted me to meet his business partner dahil sinisimulan na niya akong i-train. Lolo is also already starting to introduce me to all his business partners dahil balang araw ay ako na ang hahawak sa kompanya niya at susunod na CEO ng Velasco Bleu Inc.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...