This chapter is dedicated to: akatskiassasin
KABANATA 68:
PRECIOUS POV
"Gusto ko ng sandoricum koetjape," nakangiti kong sabi kay Ares at Achilles dahilan para mahinto silang dalawa sa pagbabalat nung manggang green. Pati nga si Manang Loreta na nilalagay sa lamesa yung pinaluto kong dumpling ay agad na napatingin sa akin.
"Sandori-- what? Ano yun, mi cariño?" nakakunot-noong katanungan ni Ares sa akin. Si Achilles naman ay napakamot pa siya sa ulo niya. Actually, kanina ko pa sila inuutusan sa kung anong gusto kong kainin. Pabalik-balik na nga rin silang dalawa sa loob ng kusina para maibigay yung gusto ko.
Kasalukuyan rin kaming tumatambay malapit sa pool at dahil mamaya pa naman ang dinner namin ay naisipan na muna namin na tumambay muna rito habang sila Artemis, Leo at Ahren naman ay nagbababad lang sa pool. Oo, nandito si Ahren at totoo nga ang sinabi ni Leo na susunod nga itong si Ahren dito sa Pangasinan. Kaya ayun, kahit naliligo sila sa swimming pool ay panay pa rin silang dalawa na nagtatalo. Kahit na mainit ang klima ay maaliwalas naman kahit papaano ang paligid dahil mahangin at nasa probinsya pa kami. Wala rin sila Daddy dito pati yung magulang nung mga kambal dahil sa may pinuntahan lang sila saglit pero babalik rin naman daw sila agad.
"Sandoricum koetjape, gusto kong kumain nun." pag-ulit ko pero mas lalo lang nangunot ang noo nilang dalawa na galos magdikit na rin ang dalawa nilang kilay. Pati nga si manang ay nagtaka na rin, nahahalata kong naguguluhan sila at napapaisip kung ano yung sinasabi ko. Bigla na lang rin kasi akong natakam na kumain nun.
"Pagkain ba yun?" takang tanong ni Achi sa akin kaya tinanguan ko siya.
"Isa siyang santol," sagot ko.
"Ay jusmiyo marimar! Akala ko naman ay kung ano na! Santol lang pala!" ani Manang Loreta at literal pa siyang napasampal sa kanyang noo dahilan para mapabungisngis ako. Wala lang, trip ko lang naman na banggitin ang buong scientific name nung santol para malaman ko kung ano ang magiging reaksyon nung dalawa. Pero mukhang wala silang kaalam-alam kung ano yung pinagsasabi ko. Halata ko nga rin sa mukha nila na hindi nila alam kung ano yung santol eh.
"Santol? Anong klaseng pagkain yun?" pagtatanong ni Achi sa amin.
"Isa siyang tropical fruit at gusto kong kumain nun. Pwede bang hanapan niyo ako ng santol?" sagot ko at nag-puppy eyes pa ako sa kanila para hindi nila ako tanggihan. Natatakam talaga akong kumain ng santol ngayon at iniisip ko palang yun ay parang gusto ko na ring maglaway dahil sa asim nito.
"Sure, saan ba kami makakakuha ng santol?" tanong ni Ares sa amin.
"Aba'y tamang-tama eh panahon ng santol ngayon. Pwedeng-pwede kayong pumitas sa puno ng santolan diyan lang sa labas nitong Mansyon. Pwedeng-pwede kayong magpasama sa driver namin at alam niya kung saan yung puno na yun diyan na maraming santol," mahabang wika ni Manang sa kanilang dalawa.
"Sige ho, manang. Pakitawag na lang yung driver at magpapasama kaming dalawa," utos ni Achi at akma na silang tatayo para kumuha na nung santol pero agad ko silang dalawa na napigilan.
"Parang gusto ko ring magpunta sa Zoo," sabi ko pa.
"Ay jusko! Kakaiba pala maglihi, señorita!" di-makapaniwalang untag ni Manang Loreta kaya napakamot lang ako sa ulo ko habang mahina ko lang siyang tinatawanan.
"Anong gagawin natin sa Zoo?" nagtataka namang tanong ni Achi sa akin.
Napanguso naman ako sa kanya, "Gusto kong makakita ng baby na unggoy," tila parang bata kong sabi na ikinalaglag ng kanilang panga. Kamuntikan pa ngang mabitawan ni Ares yung hawak niyang mangga na kakatapos lang niyang mabalataan.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...