This chapter is dedicated to: Raihanna3906
KABANATA 42:
PRECIOUS POV
Sobra-sobra ang kaba at takot ko nang makita nila Ares si Brando, mabuti na lang ay nagawa ako agad hatakin ni Ares at tinago niya ako sa kanyang dibdib. Malaki naman ang pasasalamat ko na hindi ako nakita ni Brando kahit pa na halos nasa malapitan lang namin sila kanina. Dahil doon ay agad tuloy kaming napabalik sa rest house nila at hindi na rin kami namili pa ulit.
Buti na lang talaga ay agad nakita ni Ares si Brando dahil kung hindi, baka nakita na ako ni Brando lalo pa't pasalubong namin sila kanina. Mabuti na nga lang din ay maraming tao kanina kaya hindi ako agad nakita nung lalaking yun. Hindi ko nga alam kung nagkataon lang ba na naroon si Brando sa isla o sadyang malakas lang ba talaga ang pang-amoy niya.
Tinignan ko naman si Achi nang hawakan niya bigla ang kamay ko, magkatabi kaming dalawa dito sa front seat habang nagmamaneho si Ares. Kasalukuyan na rin kami ngayon na papunta sa camping site na alam nila na sakop lang din dito sa Lilura at nakasunod naman sa sasakyan namin sila Artemis na makakasama din naming mag-car camping.
"Okay ka lang?" tanong sakin ni Achi. Peke ko naman siyang nginitian at tumango lang ako biglang sagot pero deep inside ay hindi talaga ako okay.
Natakot talaga ako kanina, akala ko ay makikita na ako ni Brando kanina sa resort na yun lalo pa't nakita namin kanina na kasama niya ang mga tauhan nung Daddy niya para tulungan siyang hanapin ako. Naramdaman ko naman ang pagyakap ni Achi sa akin at ang masuyo rin niyang paghalik sa noo ko.
"No, you're not okay." aniya na ikinabuntong-hininga ko, "Nag-aalala ka ba na baka makita ka ni Brando at makuha ka niya?" tanong niya.
Tumango ako, "N-natatakot lang ako na baka malaman niya kung nasaan ako. B-baka makuha niya ako at magawan niya ako ng masama," kabado at hintatakot kong sabi sa kanilang dalawa.
Yun naman talaga ang dahilan kung bakit kanina pa ako tahimik dito. Iniisip ko talaga yun, nakakabahala na baka may alam na si Brando kung saan na ako nagtatago. Kinakabahan talaga ako sa kung ano ang pwedeng mangyari lalo pa't may pagka-demonyo ang lalaking yun.
Nabaling naman ang tingin ko kay Ares nang hawakan niya ang isa kong kamay habang ang isa naman niyang kamay ay ang ginagamit niyang pang-kontrol sa manibela. Mahina pa niyang pinisil ang aking kamay na hawak niya bago niya masuyong hinalikan ang likod ng aking palad.
"Don't be scared, mi cariño. Hinding-hindi namin hahayaan na makuha ka nung gagong yun mula sa amin, okay? Trust me, we will not let anyone hurt you especially Brando." paniniguro niyang turan sa akin kaya tila napanatag naman ako dahil sa sinabi ni Ares.
Nahihimigan ko rin sa boses niya na hindi siya nagbibiro sa kanyang sinabi, na hindi nila hahayaan na makuha ako ni Brando at magawan niya ako ng masama. Nginitian niya ako kaya naman ngiti lang din ang sinagot ko kay Ares. Tama siya, dapat ko lang silang pagkatiwalaan. Alam ko na hindi sila papayag ni Achi na makuha ako ni Brando.
Inabot ng halos isang oras ang biniyahe namin hanggang sa tuluyan kaming nakarating sa camping site. Pagdating namin roon ay may mangilan-ngilan rin na nagka-camping sa lugar na yun. Pansin ko rin agad yung mga nakatayong tent, nakita ko rin yung usok na nanggagaling sa sinisigang apoy nung isang matanda para siguro makapagluto at higit sa lahat ay may iilan din akong nakitang mga bata na sa tingin ko ay kasama ng magulang nila para makapag-camping din dito.
Mga two days lang naman kami balak mag-camping dito dahil pinagbigyan lang namin talaga yung kagustuhan nitong si Artemis. Pagkaparada ng sasakyan sa tabing gilid ay saka kami nagsibabaan. Sinalubong naman kami agad ng isang matanda na sa tingin ko ay siya ang nagmamay-ari nitong camping site.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...