KABANATA 56

19.5K 655 251
                                    

This chapter is dedicated to: Vellisima1

KABANATA 56:

PRECIOUS POV

Matapos na sabihin sa akin ni lolo ang buong katotohanan ay iniwan naman kami nila Ares para mabigyan nila kami ng privacy at time na makapag-usap na kaming dalawa lang ni lolo Mateo. Ngumiti lang ako ng tipid habang nakatingin lang rin siya sa akin at marahan pa na humahaplos ang dalawa niyang kamay sa magkabila kong pisngi. Kaya pala, kaya pala marami ang nakapagsasabi sa akin na may pagkakahawig kaming dalawa ni lolo Mateo. Marami ang nagsasabi na may magkamukha kaming dalawa noong bata palang ako dahil ang totoo, ama ko siya.

"I have no intention of lying to you, Precious. Ginawa ko lang talaga yun para protektahan ka. Masyado akong natakot na baka gawan ka rin ng masama ni Fiorello. At heto, hindi nga ako nagkamali. Kaya sana mapatawad mo ako, iha. Pasensya na kung ngayon ko lang sinabi sayo ang buong katotohanan tungkol sa katauhan mo," aniya kaya huminga ako ng malalim. Hinawakan ko rin ang dalawa niyang kamay na nasa magkabila kong pisngi.

"Naiintindihan ko naman po yun kung bakit niyo yun nagawa. Salamat po sa pagmamahal at proteksyon na ibinibigay niyo po sa akin palagi. Wala na po akong magagawa kundi tanggapin ang buong katotohanan," sagot ko at matamis ko pa siyang nginitian. Nakita ko naman na tila parang nabunutan siya ng tinik sa kanyang dibdib. Nakahinga siya ng maluwag at nginitian rin niya ako.

"You are my only daughter. Dugo at laman ko ang nananalaytay sayo iha. And I will do everything to protect you," sinsero niyang sabi sa akin, "Hindi ako papayag na gawan ka ng masama ni Brando at maulit ang nangyari noon katulad ng nangyari kay Maricar," dagdag niya pa.

I just smile, "Thanks po, Dad." wika ko dahilan para matigilan siya. Bahagya pa akong natawa sa naging reaksyon ng kanyang mukha, halatang hindi siya lubos makapaniwala sa kanyang narinig.

"Tama b-ba ang n-narinig ko?" tanong niya kaya muli akong natawa bago ako marahan na tumango-tango sa kanya.

"Opo, Dad. Ikaw na po ang nagsabi na ama po kita, dugo at laman mo ang nananalaytay sa aking katawan kaya wala na pong saysay kung tatawagin pa po kitang lolo Mateo kung hindi naman po talaga kita lolo." mahaba kong turan sabay tawa kaya saglit rin siyang natawa sa akin bago niya ako mahigpit na niyakap.

"Salamat, anak. Maraming salamat," pasasalamat niya kaya matamis lang akong ngumiti. Napapikit pa ako nang masuyo niyang kinantilan ng halik ang noo ko.

Wala naman na akong magagawa kung ito ang kapalaran ko. Naramdaman ko naman talaga ang pagmamahal at sakripisyo niya sa akin. Hindi ko rin naman masisisi ang asawa niyang si Amelia kung kagustuhan nitong magkaroon ng anak na kadugo ni Dad. Ramdam ko ang aruga at proteksyon ni Daddy Mateo sa akin at hinding-hindi ko makakalimutan yun kaya naman buong puso kong tatanggapin ang mga nalaman ko sa araw na 'to.

Wala rin naman kasing mangyayari kung magagalit ako sa kanya at magwawala. Nakakagulat man sa una at hindi pa ako lubos makapaniwala sa mga nalaman kong ito pero mas nangingibabaw pa rin sa akin ngayon ang lahat ng mga kabutihan na nagawa ni Dad sa akin kaya tatanggapin ko siya bilang ama ko. At sino ba naman ako para hindi ko siya patawarin?

• • •

Ngiti lang ang isinagot ko kay Achi nang kantilan niya ng masuyong halik ang noo ko. Sumapit na rin ang gabi kaya madilim na naman sa labas. Nakaalis at nakauwi na rin sila Dad dahil wala naman daw talaga silang balak na magtagal rito sa rest house dahil marami pa silang dapat asikasuhin lalo na ang paghahanap kay Brando. Medyo hindi pa ako sanay na tawagin na Dad ang inaakala kong lolo. At saka hindi pa rin kasi namin masasabi na ligtas na ang buhay ko kung wala pa sa kulungan ang anak ni Fiorello na si Brando. Hindi magiging okay ang lahat hangga't hindi pa siya nakukulong.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon