WARNING: SPG! Read at your own risk.
This chapter is dedicated to: rivervexin
KABANATA 51:
PRECIOUS POV
Agad kaming tatlo na nagpunta sa water falls na tinutukoy ni Ares na malapit lang sa kinatitirikan ng rest house. Papunta palang kami roon ay nae-excite na ako dahil gusto ko na talagang makita kung gaano kaganda yung water falls na yun. Bitbit lang ni Achilles ang pamalit naming damit habang bitbit naman ni Ares ang isang basket na naglalaman ng mga pagkain dahil balak rin naming mag-picnic doon. Ilang minuto pa ang nilakad namin hanggang sa naririnig ko na ang hampas ng tubig pati na rin ang huni ng mga ibon na malayang lumilipad sa himpapawid.
"Wow!" bulalas ko sa sobrang pagkamangha nang marating na naming tatlo ang water falls.
Hindi ko rin maiwasang mapanganga sa ganda ng tanawin. Hindi naman ganun kataasan ang water falls subalit mas lumilitaw ang kagandahan nito! Napapaligiran rin kami ng mga puno at ng mga bulaklak. Malinaw rin ang asul na ilog at medyo mabato pa. Feeling ko ay nasa isa kaming paraiso! This place is insanely beautiful! Walang halong biro, sobrang ganda dito sa water falls! Rinig na rinig ko rin ang malakas at mabilis na pagbagsak ng tubig mula sa itaas. Hindi ko akalain na meron palang tinatagong magandang lugar dito sa lugar na 'to.
"Nakita ko lang na may waterfalls dito kanina habang nagsisibak ako ng kahoy. Kaya naisipan ko na maligo tayo rito," wika ni Ares sa amin matapos niyang ilapag sa sahig yung mga bitbit namin. Nilatag na rin agad ni Achi yung tela para meron kaming mapag-uupuan kapag napagod kami sa kaka-langoy dito sa ilog.
"Let's go, maligo na tayo!" masiglang sabi ni Achi at agad siyang naghubad ng kanyang pang-itaas na damit. Ganun lang rin ang ginawa ni Ares, pati ang salamin sa mata niya ay tinanggal na rin niya at maingat lang niya itong inilapag sa tabi ng basket bago kaming tatlo na lumusong sa malinis at malinaw na ilog.
Tanging maluwag lang na t-shirt ang suot ko na umaabot hanggang tuhod ko ang haba at undergarments. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ganun kalamig yung tubig at hindi rin ito masyadong mataas. Pasalamat na lamang ako ay marunong lumangoy itong kambal kaya inalalayan nila ako para hindi ako malunod lalo pa't may kalakasan kaonti ang pag-agos ng ilog. Hindi naman ako takot sa tubig subalit wala akong masyadong alam sa paglangoy. Pasalamat na nga lang ako ay abot ko ang tubig kahit pa na wala pa kami sa pinaka-gitna ng ilog.
Tuwang-tuwa kaming tatlo sa pagligo dito sa waterfalls. Panay rin ang tawanan namin at masasabi ko na sobrang sarap maligo sa ganitong ilog na malinis at hindi masyadong malamig. Malakas pa nga akong napahalakhak sa kalokohan nitong si Achilles. Paano ba naman kasi, tumayo siya roon sa malaking bato at walang alinlangan siyang naghubad ng natitira niyang saplot sa katawan habang pinapaikot-ikot pa niya sa ere yung brief niya. Litaw tuloy yung alaga niyang malaki na nagba-bounce pa habang gumigiling ang kanyang balakang. Pasalamat siya ay gwapo siya at isa siyang makisig na lalaki!
Halos mamatay tuloy kaming dalawa ni Ares sa kakatawa dahil sa kalokohan nitong si Achilles. Mabuti na lamang ay kami lang ang tao dito sa waterfalls at sila Ares na rin mismo ang nagsabi sa akin na private property nila ito kaya walang sinuman ang basta-basta nakakarating dito o nakakapunta. Dahil sa amin kaya nabalot ng masasayang tawanan ang buong paligid namin. Isa't kalahating oras rin kaming nagbabad sa ilog bago kami nagpasyang umahon para makakain.
Agad na ibinalot ni Ares sa akin ang puting tuwalya bago kami naupo sa telang sinapin namin. Si Achi na rin ang naghanda ng makakain namin habang binabalatan ni Ares yung mga prutas na dinala niya. Habang naghihintay ako ay pinapak ko munang kainin yung strawberry. Sobrang tamis nito at nagugustuhan ko ang lasa samantalang wala naman akong hilig kumain nito noon. Siguro ay dahil may katamisan ito.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...