KABANATA 55

19.5K 682 235
                                    

This chapter is dedicated to: FelyMaranan

KABANATA 55:

PRECIOUS POV

Hindi ko maintindihan, para akong nabingi o natulala sa aking narinig mula kay lolo Mateo. Una, sinabi niyang hindi niya ako apo. Tapos ngayon ay sasabihin niya na anak niya ako? But how?! Paano nangyari yun? Parang ayokong tanggapin yung sinabi niya, parang ayaw kong paniwalaan lahat ng mga sinabi niya! Na hindi niya ako totoong apo? Na anak niya ako? All this time ay nagsinungaling lang si lolo Mateo sa akin?

"P-papaano po nangyari yun? Papaanong anak niyo ako?" garagal kong katanungan kay lolo habang hindi ako makapaniwala na nakatingin sa kanya.

Shit! Ano bang klaseng kahibangan 'to?! Hindi ko na rin mapigilan na sunod-sunod na magsibagsakan ang mga luha ko. Parang hindi kayang magsink-in sa utak ko yung narinig ko galing sa kanya. Malalim naman na bumuntong-hininga si lolo Mateo at napahilamos pa muna siya sa kanyang mukha bago siya naupo sa silya.

"Ang totoo niyan, hindi kami magkaanak-anak ni Amelia dahil baog siya at kahit kailan ay hindi niya ako mabibigyan ng anak. Mahal ko si Amelia kaya tinanggap ko siya ng buo kahit na hindi niya ako mabibigyan ng anak. Ilang taon kaming nagsama kahit na wala kaming anak," panimula ni lolo Mateo.

Amelia? Si lola ba na asawa niya ang kanyang tinutukoy? Alam ko na yun ang pangalan ni lola kahit na hindi ko na rin siya naabutan at nakilala dahil sa pagkakaalam ko ayon sa mga kinuwento ni lolo Mateo sa akin nung bata ako, namatay sa atake sa puso si lola Amelia dahil hindi niya matanggap ang pagkamatay ng anak niya which is ang Mommy ko. Pero ngayong sinabi sa akin ni lolo Mateo na hindi niya ako totoong apo at anak niya ako, parang napapaisip tuloy ako ngayon kung totoo ba na inatake sa puso si lola Amelia o anak ba talaga nilang dalawa si Mommy Maricar. Siya na rin mismo ang nagsabi na baog si lola Amelia.

"Hanggang sa nakilala naming mag-asawa si Maricar, isang bente singko anyos at siya ang bago naming kasambahay noon na bunsong anak ng isa sa mga matagal na naming kasambahay sa Mansyon. Mabait si Maricar, maganda at matalino. May mabuti siyang puso at masipag na dalaga. Higit siyang napalapit kay Amelia, sa asawa ko dahil halos magkasundo silang dalawa sa lahat ng bagay at sa mga hilig nilang gawin katulad na lamang ng pagtatanim at pagdidilig ng mga bulaklak sa garden namin. Napalapit kaming mag-asawa kay Maricar hanggang sa itinuring na namin siya na parang isang tunay na anak. Subalit masyadong mapaglaro ang tadhana, namatay ang ina ni Maricar dahil sa sakit nitong breast cancer na hindi agad naagapan," mahabang pagkukuwento ni lolo Mateo sa akin at bumuntong-hininga muna siya ng malalim.

"Inatake naman sa puso ang ama niya dahilan para ma-comatose ito sa hospital. Ang Kuya naman niya na nasa Maynila ay nakulong dahil nagtangka itong magnakaw para may panggamot sila sa ama nilang nakaratay sa hospital. At dahil kailangan ni Maricar ng malaking halagang pera para panggastos sa kanyang ama na nasa hospital at mga ilang gamutin, pati na rin ang pang-piyansa para sa Kuya niya ay naglakas-loob siyang lumapit sa aming mag-asawa para manghiram ng pera. Hindi naman kami nagdalawang-isip ni Amelia na pahiramin siya, pero humingi ng kapalit si Amelia sa kanya." panimula muling pagkukwento ni lolo sa akin dahilan para mangunot ang noo ko sa huli niyang sinabi.

"Kapalit? Ano pong kapalit?" curious kong tanong. Nahinto na rin ako sa pag-iyak habang sila Ares at Achilles naman ay nasa tabi ko lang at hindi nila ako iniwan. Nanatili sila sa tabi ko at nakaalalay lang silang dalawa sa akin. Ngayon ay alam ko na, hindi pala only child si Mommy Maricar. May kapatid siya.

"Papahiramin namin si Maricar ng pera na kailangan niya at hindi na rin niya ito babayaran, kapalit nun ay bibigyan niya kami ng anak. Iyon ang kahilingan ni Amelia sa Mommy mo, iha. Ang buntisin ko si Maricar at bigyan kami ng anak. At ikaw ang aming bunga," sagot niya na nagpauwang ng bahagya sa aking bibig. Iyon ang kahilingan ni lola Amelia sa Mommy ko? Ang bigyan sila ng anak? At ako ang naging bunga nun?

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon