This chapter is dedicated to: amoraelse
KABANATA 31:
PRECIOUS POV
Magtatanghali na nang matapos ko na halos lahat yung gawaing bahay. Tinulungan ko na rin sila Nanay Alma sa trabaho nila para naman may pakinabang ako dito sa Mansyon. Nakakapagod pero kaya pa naman ng powers ko na kumilos. Ako na rin ang tumapos na linisin yung tatlong guest room dahil nabalitan ko ay may darating daw na importanteng bisita sila Ares ngayong araw ayon kay Nanay Alma.
Hindi naman niya sinabi sa akin kung sino yung mga darating na bisita pero nabanggit niya sa akin na kamag-anak daw nila Ares yun para daw sa death anniversary ng grandparents nila Ares bukas. Kaya siguro may bisitang darating at narinig ko pa galing kay Nanay Alma na taga Stelliferous pa sila galing. Nagtanong pa ako kay Nanay Alma kung anong lugar yun dahil hindi ako pamilyar.
Ang sabi niya ay lugar daw yun na pagmamay-ari ng pamilyang Hellion. Para daw itong isang maliit na bansa na ang angkan nila Ares ang nagmamay-ari at doon din daw ginanap yung kasal nung magulang nila Artemis. Naku-curious tuloy ako kung ano nga ba yung itsura nung Stelliferous dahil sabi ni Nanay Alma sa akin ay maganda daw dun at tahimik. Isang beses na daw siyang nagpunta dun nung panahon na babysitter pa daw siya nila Achi at that time ay birthday nung Triplets na lolo nila Ares. Parang gusto ko tuloy ma-experience na makapunta sa lugar na yun.
Pababa na ako sa hagdan bitbit yung isang plastik na laundry basket na naglalaman ng mga labahan na bedsheet at mga punda nang mapansin ko yung sekretarya ni Ares na prenteng nakaupo sa sofa habang panay ang selfie sa cellphone nitong Iphone. Bakit nandito pa 'to? Sa pagkakaalam ko ay pinapapirma lang niya yung mga importanteng papeles kay Ares ah?
Nagtataka ko lang siyang tinignan. Hindi ko sana siya papansinin at akma na dadaanan ko lang siya na parang hindi ko siya nakita nang bigla naman siyang napatayo sa kinauupuan niya at taas-kilay niya akong hinarangan sa dinaraanan ko.
"Base sa pagde-describe ng kapatid ko, mukhang ikaw yata yung tinutukoy niya sa akin kahapon na kasama ni Achilles sa photoshoot. Ikaw ba si Preccy? Yung personal assistant ni Achilles?" salita niya habang nananatiling nakataas ang kilay niya sa akin.
"Opo, ma'am. Ako nga ho," magalang kong sagot sa kanya kahit nagtataka. At saka sino yung kapatid na tinutukoy niya?
"Tama nga ang mga sinabi ni Kylie sa akin, ang pangit mo nga. Nakakasuka yang itsura mo. Bakit hindi ka na lang umalis dito sa Mansyon nila sir Ares?" aniya na nagpataas bigla sa isa kong kilay.
"Si Kylie na modelo? Siya ba ang kapatid mo?" pagtatanong ko.
"A-huh," maarte niyang sagot. Natawa na lang ako sa isipan ko, kaya pala magkatulad sila ng ugali dahil magkapatid pala sila nung Kylie na yun. Hindi na lang ako nagsalita pa at akmang maglalakad nang marahas niyang hinawakan ang braso ko dahilan para mapaigik ako sa sakit. Naramdaman ko din yung mahaba niyang kuko na bumaon sa balat ko.
"B-bitawan mo nga ako!" inis kong asik sa kanya pero lalo lang humigpit ang pagkakahawak niya sa braso ko. Ano bang kailangan ng babaeng 'to sa akin?
"Makinig kang babae ka, lumayo-layo ka kila Ares at Achilles dahil sa amin lang sila ni Kylie. Naiintindihan mo ba? Ang pangit mo na nga, ang landi-landi mo pa! Kung ako sayo, aalis na lang ako dito at magpakalayo-layo!" may diin niyang asik sa akin dahilan para matawa ako ng mapakla kahit na nananakit yung braso ko na mahigpit niyang hinahawakan ngayon.
"Ang assuming mo naman masyado, paano sila mapapasayo eh samantalang kanina halos ayaw kang dikitan ni Ares na parang may nakakahawa kang sakit! At saka huwag mo akong sasabihan na malandi ah, hindi mo pa ako kilala." may diin ko ring sabi sa kanya.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...