KABANATA 5:
THIRD PERSON'S POV
"Saan na naman ba nagpunta si Artemis?!" rinig ni Achilles na tanong sa kanya ng kakambal niyang si Ares. Nasa parking lot sila ngayon kasama ang isa pa nilang pinsan at kasalukuyan din nilang hinihintay si Artemis, ang bunso niyang kakambal na babae bago sila magtungo sa loob ng restaurant. They are Triplets, two boys and one girl. Pero ito namang si Artemis ang wala.
"I dunno, baka naman nauna na siyang pumasok sa loob ng restaurant." sagot ni Achilles sa kakambal niya sabay kibit-balikat. Kilala naman nila ang kakambal nilang si Artemis, kung saan-saan na lang yun nagpupunta at para naman itong kabute na bigla na lang susulpot sa kung saan.
"Achi, subukan mo nga siyang tawagan." iritadong utos sa kanya ni Ares.
"Bakit ako pa? Ikaw na lang, ikaw naman ang nakaisip niyan." wika niya, "Joke lang, ikaw naman! Hindi ka talaga mabiro eh 'no?" aniya nang bigyan siya ni Ares ng death glare. Masama pa namang magalit itong panganay sa kanilang magkakambal.
"Bilisan mo, naiinip na ako dito sa parking lot sa kakahintay sa bulinggit na batang yun!" ani Ares kaya natawa na lamang ang kanilang pinsan.
"Parang hindi niyo naman kilala yung kakambal niyo. Baka naman may nakitang chicks tapos sinundan lang niya para hingiin yung number. Alam niyo naman na bigla-bigla na lang nawawala si Artemis kahit saan tayo magpunta. Katulad kanina sa Mall, nasa tabi lang natin siya. Nalingat lang tayo saglit pero wala na siya. Nauna na pala siya doon sa pupuntahan natin," natatawa namang turan ni Leo sa kanila kaya pati si Achilles ay nakitawa rin.
Tama si Leo, nagpunta sila kanina sa Mall dahil pinilit sila ni Artemis na kumain sa paborito nitong Jollibee. Halos takaw-atensyon din sila ng mga tao sa Mall at halos lahat ay nasa kanila ang tingin. Ang iba ay lakas-loob silang hinaharangan para hingiin ang kanilang number at minsan ay gusto pang magpa-picture kahit hindi naman sila artista.
Marahil ay nainip na si Artemis dahil ayaw na ayaw nun masyado ang maiingay at ayaw rin nitong pinagtitinginan ng mga tao. Nalingat lang sila ay wala na ito sa tabi nila, kung saan-saan pa nila ito hinanap dahil inakala nilang naligaw na ang kakambal nila at baka kung saan na ito nagpunta. Sinubukan din nila itong tawagan pero naka-off naman ang cellphone. Yun pala ay nauna na itong magpunta sa Jollibee at kumakain na. Kung hindi lang sana naisipan ni Ares na magpunta sa Jollibee ay hindi pa nila makikita roon si Artemis.
"Kaya ayokong kasama ang bulinggit na yun," iritadong anas ni Ares dahilan para matawa na naman si Leo napailing-iling na lang ng ulo si Achilles. Tinawagan rin niya agad ang numero ni Artemis. As usual ay naka-off na naman ang cellphone nito.
"Naka-off ang phone niya," aniya kaya napamura na lamang ng malutong si Ares.
"Mauna na kayong nagpunta dun kay Daddy, pupunta lang ako sa ladies restroom. Baka nandun lang siya," presinta niya kaya tumango lang ang dalawa sa kanya.
Agad naman silang pumasok sa loob ng restaurant. Paniguradong naghihintay na sa kanila ang Daddy Lucius nila. Kasalukuyan kasi silang narito sa Pangasinan at may importanteng meeting ang kanilang ama sa business partner nitong taga-rito sa probinsya na si Don Mateo Velasco kaya naman naisipan nilang sumama sa ama nila para sana makapag-bakasyon kahit ilang araw lang.
Ang problema nga lang nila ay si Artemis, kung saan-saan na naman ito nagpupunta at paniguradong sila ang mananagot kapag nawala ang kakambal niya at hindi nila ito mahanap. Nakakatiyak din si Achilles na malilintikan sila sa kanilang Mommy once na malaman nitong palaging nawawala sa tabi nila ang kakambal niyang si Artemis.
Dumiretso naman siya agad patungo sa mga restroom ng mga babae't lalaki. Si Ares at ang pinsan nilang si Leo naman ay nagtungo kung nasaan ang kanilang Daddy Lucius. Palapit palang siya sa ladies restroom nang hindi niya inaasahang may biglang lumabas mula roon. Malakas namang bumangga sa malaki niyang katawan ang babae at muntik na rin sana itong matutumba sa sahig kung hindi lang sana siya maagap na hawakan sa beywang ito para hindi ito sumalampak.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...