KABANATA 34

28K 917 313
                                    

WARNING: SPG! Not suitable for young and innocent readers. Only for the open-minded.

This chapter is dedicated to: YOuWiSh_

KABANATA 34:

PRECIOUS POV

Halos kapusin ako ng hininga nang sa wakas ay mismong si Achi na ang pumutol sa halikan session naming dalawa. Nanginginig ang dalawa kong tuhod, sumasaklob din sa buo kong katawan ang init dulot ng halik ni Achi sa labi ko. Lumawak naman ang ngiti niya at mabilis na kinantilan ng halik ang noo ko. Yung tibok ng puso ko, sobrang bilis. Ang bilis na animo'y may humabol sa akin na maraming kabayo.

"P-paano pala kayo nakapasok dito sa kwarto ko?" tanong ko sa kanila nang sa wakas ay tila natauhan na ako. Hinayaan ko lang si Achi nang pumulupot ang malaki niyang dalawang braso sa beywang ko at nakayapos pa mula sa aking likuran habang si Ares naman ay lumapit na sa gawi namin.

"After we ate dinner, we went straight to your room to catch you in the act. May kutob na kasi talaga kaming dalawa ni Achilles na ikaw si Precious at naka-disguise ka lang." turan ni Ares at hindi ako agad nakagalaw sa gulat nang kantilan niya rin ng halik ang labi ko. Hinalikan na ako ni Achi, this time naman ay si Ares? Aba! Ganun na ba talaga ako kaswerteng babae? Pero teka nga lang.

"Wait, kung nandito na kayong dalawa sa kwarto ko, bakit hindi ko kayo napansin? Saan kayo nagtatago? Sa ilalim ng kama?" sunod-sunod kong katanungan sa kanya.

Narinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Achi sa likod ko, "Nope, we hide inside the big mirror." sagot ni Achi sabay turo dun sa malaking salamin kung saan may gumalabog kanina. At saka nandun sila sa loob mismo ng salamin?! For real?

"Ibig bang sabihin, k-kayo ang may gawa ng galabog kanina?" di-makapaniwala kong tanong sa kanila. Tumango-tango naman si Ares sa harapan ko pero naguguluhan pa rin ako.

"Pero paano kayo nagkasya diyan sa loob ng salamin?" naguguluhan kong katanungan sa kanila. Hindi na rin ako nakatiis pa at tinanggal ko agad ang braso ni Achi sa beywang ko para lapitan yung malaking salamin.

"May daan diyan sa loob ng walking closet kaya nakapasok kami sa loob ng salamin na yan at makapagtago para mahuli ka namin sa akto." sagot ni Ares sa akin.

Hinatak naman ako ni Achi papasok sa loob ng walk in closet at nakita ko roon yung gilid ng pader na mayroong salamin na medyo may kalakihan. Uwang naman ang bibig ko nang i-slide yun ni Achi na parang sliding door at nakita ko roon sa loob na may daan papunta sa likod ng malaking salamin na yun.

Medyo malawak at talagang makakapagtago roon sila Ares at Achi. Hindi ako makapaniwala na may ganito dito sa kwartong ginagamit ko. Akala ko ay simple at malawak lang na kwarto, yun pala ay may pwedeng taguan pala dito.

"Nagiging hide out namin 'to ni Ares noon nung bata pa kaming dalawa. Dito rin kami nagtatago kapag naglalaro kami ng hide and seek," pagkukwento ni Achi sa akin.

"And please, don't tell anyone about this, especially kay Artemis." wika naman ni Ares kaya tumango lang ako sa kanya.

"Wow. I can't believe this. Akala ko ay may multo diyan kaya may gumalabog kanina!" tangi kong bulalas dahilan para matawa yung dalawa sa akin.

Sinara naman agad ni Achi yung sliding door na gawa sa salamin bago kami lumabas ng walk in closet. Aakalain talaga na isang malaking salamin lang yun, pero sa kaloob-looban nun ay pwede pala itong pagtaguan. Jusko! Tinakot pa ako ni Artemis. Akala ko pa naman ay may multo na at nagpaparamdam na yung lolo nilang Tripelts na namayapa na.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon