KABANATA 27

23K 900 342
                                    

This chapter is dedicated to: luhdikoalam

KABANATA 27:

PRECIOUS POV

Namangha naman ako nung makita ko ang sandamakmak na mga naggagandahang mga damit at mga sapatos na nakahilera sa isang lalagyan na bakal. Pansin ko agad na mga bago lang yung mga damit na yun pati na rin yung iba't-ibang kulay at klase ng mga sapatos. Narito na rin kami ni Achi sa paggaganapan ng photoshoot niya. Katulad nga ng sabi niya sa akin kanina, sinama niya ako dito dahil kailangan daw niya ng personal assistant na mag-aasikaso sa kanya.

Buti na nga lang ay alam ko na isang magazine model itong si Achi kaya nandito kami ngayon para sa photoshoot niya. Pagdating pa nga lang namin ay marami na ang mga tao sa loob. Naka-handa na rin yung mga gagamitin ni Achi especially yung camera na gagamitin nung baklang photographer.

As usual, nagsilingunan ang mga tao kay Achi lalong-lalo na yung mga kababaihan. Hindi na kataka-taka kung bakit parang kiti-kiting kinikilig yung mga girls dahil gwapo itong si Achi. Nasa likod lang niya ako at buhat-buhat yung gamit niyang hindi naman kabigatan habang nakasunod lang ako sa kanya. Kanya-kanyang bati naman yung mga freelancer workers sa kanya especially yung mga babae.

Meron pa ngang napatingin sa akin nang mapansin nila ang presensya ko. At katulad ng mga babae kagabi sa Idle Desire, halos lahat ay napataas ang mga kilay sa akin. Jusko! May pataas-taas pa sila ng kilay samantalang ginuhit lang naman nila yun gamit yung eyeliner pencil! Tsk, saka na nila ako pagtaasan ng kilay kapag pantay na yung pagkakaguhit nila sa kanilang mga kilay.

"Wow, buti naman dumating ka na Mr. Achilles!" masigla at nakangiting sabi nung bakla na mahahalata ko namang photographer. Lumapit siya sa akin at tulad nung iba, napatingin din siya sa akin at tumaas din ang kilay niya. Pinag-krus pa nga niya ang dalawa niyang braso. Aba, ano bang problema sa akin at lahat sila ay tinataasan ako ng kilay?

"Well, may kasama ka pala." maarteng turan nung bakla na tinignan pa ako mula ulo hanggang paa, "Sino siya? Bago mong katulong?" tanong niya kay Achi.

"Ahm, yes. She's our new personal maid but she's also my friend. She's with me dahil kailangan ko ng personal assistant ngayong araw. Preccy, he's my photographer." sagot ni Achi at pinakilala niya sakin yung bakla bago siya tipid na ngumiti.

"Magandang araw po," magalang kong bati sa kanya pero umismid lang siya sa akin. Aba't ang taray, akala mo naman kung sinong maganda.

Pagak namang tumawa itong bakla, "Akalain mo yun, pwede na palang maging maid ang mukhang basura," natatawa nitong saad na nagpahinto sa akin.

What did he say? Ako? Mukhang basura? Tinignan ko saglit yung mga taong nakarinig sa sinabi nitong bakla. Maski sila ay natawa rin at pinukulan pa nila ako ng nakakainsultong tingin. Ano bang mali sa akin? Dahil ba sa pangit ako? Aba, maganda kaya ako! Nakatago ang totoo kong ganda dahil sa lintek na disguise na 'to. Matatawa pa kaya sila kapag nakita nila ang totoo kong itsura? Baka maglaway pa sila kung gaano kaganda ang nakatago dito sa suot kong disguise.

"Are you insulting my personal assistant? Really? In front of me?" seryosong tanong ni Achi na halatang hindi makapaniwala kaya napunta sa kanya ang tingin ko. Seryoso ang mukha niya, nakakunot pa ang kanyang noo at masama ang tingin niya sa baklang photographer.

"A-ahh, eh hindi naman sa ganun. Nagbibiro lang naman ako," turan nitong bakla at peke pang tumawa. Napapaypay pa nga siya sa hawak niyang pink na pamaypay at umiwas ng tingin sa amin. Natigil naman sa pagtawa yung mga tao at mabilis din silang umiwas ng tingin kay Achi. Jusko, takot naman pala sila kay Achilles eh. Kung tawanan nila ako, wagas at nakakainsulto. Samantalang sila nga itong katawa-tawa eh. Nakakaawa ang ugali nila.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon