This chapter is dedicated to: isaac53156
KABANATA 8:
THIRD PERSON'S POV
"She's so beautiful, isn't she?" tanong sa kanya ng kakambal niyang si Achi.
Nakangiti pa ito sa kanya, isang ngiting malawak. Imbes na sumagot si Ares ay tinanguan lang niya ang kanyang kakambal bilang pag-sang ayon sa sinabi nito. Hindi naman talaga siya nagbibiro, sobrang ganda ni Precious at halos wala rin siyang imik kanina sa restaurant. Bagkus ay tahimik lang niyang tinititigan ang maganda at maamong mukha ng dalaga.
Tahimik lang siyang nakamasid at nakikiramdam sa dalaga. Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng hiya na humarap at makipag-usap sa isang babae samantalang wala lang sa kanya noon kapag may nakakaharap siyang babae. Hindi na yata normal ang kanyang nararamdaman. First time niya na may dumaan na kahihiyan sa pagkatao niya. Pakiramdam niya ay kaya siyang mapataob ni Precious Velasco.
And Ares couldn't believe how beautiful she was! Kahit saang anggulo niya tignan si Precious ay sobrang ganda nito. Halos kabisaduhin nga rin niya ang mukha nito at ngayon ay sariwa pa rin sa alaala niya ang mala-anghel nitong mukha. Kahit pumikit siya ay mukha ng dalaga ang nakikita niya. Wala siyang pakialam sa kahit sinong babae, kahit pa na maganda ito at seksi. Pero si Precious? May kakaiba sa dalaga na hindi mawari ni Ares. He is not like Achilles who is a chickboy or playboy. Kahit pa na kambal sila ni Achi ay malaki pa rin ang pagkakaiba nilang dalawa.
Babaero ang kakambal niya, marami itong flings at parang laruan lang ni Achi ang mga nakikilala nitong babae. Samantalang siya? Mas gugustuhin pa niya na magbasa ng sandamakmak na libro kaysa makipaglandian at makipag-one night stand sa mga babae. Hindi rin siya showy na lalaki. Kahit pa nga na pilitin pa siya ni Achi noon na magpunta sa mga bar at maghanap ng chicks ay hindi niya magawa.
Mas importante pa nga kay Ares ang trabaho niya kaysa sa babae. Ni hindi nga niya pinagtutuonan ng pansin ang mga babae kahit pa na maghubad ang mga ito sa harapan niya at ilantad ang kanilang hubad na katawan. Para sa kanya, darating din ang babae para sa kanya kaya never pa siyang nakipag-date. But look at him now. Nagkaroon tuloy siya ng interes na makilala ng lubusan si Precious na kakakilala palang niya! Anong ginawa ni Precious sa kanya? Fuck!
"Bakit bigla yata kayong nagkaroon ng interes kay Precious?" biglang pagsali ng kakambal nilang si Artemis sa usapan nila na hindi man lang tumitingin sa kanilang dalawa.
Kasalukuyan silang nasa loob ng kotse na minamameho mismo ng kanilang Daddy Lucius. Pabalik na sila ngayon sa Hotel na tinutuluyan nila para makapagpahinga na. Ngayon lang din nila napansin na hawak-hawak na naman ni Artemis ang dalawa sa paborito nitong bagay. Ang lapis at ang sketch book. Wala rin silang ideya kung ano o sino ang ginuguhit nito dahil nagsisimula palang itong mag-drawing.
Kung meron man sila Achi at Ares na kinaiinggitan sa kakambal nilang babae, iyon ay ang galing nito sa pagguhit at pagpinta. She loves Arts. Sa murang edad ay may sarili na itong napatayong Art Exhibit at marami-rami na rin itong naibentang mga kanyang obra. Iyon nga lang, hindi man lang ito marunong mag-ayos ng sarili. Hindi rin ito magaling pumorma.
Mas mukha pa ngang barako si Artemis kaysa sa kanilang dalawa dahil kung umasta ito ay parang lalaki. She's boyish at tanggap nila kung maging ano pa man si Artemis. Pero naniniwala pa rin sila Ares na balang araw ay magiging babae itong kakambal nilang si Artemis once na dumating sa punto na tumibok ang puso nito sa isang lalaki.
"Masama ba kung magkakaroon kami ng interes kay Precious?" tanong ni Achi sa kanyang kakambal.
Artemis shrugged her shoulders, "Kung sayo, oo. Pero kay Kuya Ares? Wala. Playboy ka, Kuya Achi kaysa kay Kuya Ares." walang alinlangan nitong sagot sa kanilang dalawa.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...