This chapter is dedicated to: leannechyxz
KABANATA 53:
PRECIOUS POV
Mataas na ang tirik ng araw sa labas nang magising ako pero takte, bakit inaantok pa rin ako? Nagising na lang rin ako na wala na akong katabi sa kama. Nasaan kaya sila Ares? Dati naman kapag gigising ako ay nasa tabi ko pa silang dalawa ni Achilles, pero ngayon? Wala na sila. Tinignan ko saglit yung orasan na nakasabit lang sa pader, alas onse na nang tanghali?! The heck! Bakit tanghali na ako nagising? Masyado bang napasarap ang tulog ko? Sabagay ay anong oras na rin kasi ako nakatulog kagabi. Napangiti pa ako ng matamis nang maalala ko yung kagabi.
Nagke-crave talaga ako sa ice-cream na rocky road at gustong-gusto ko talaga makakain ng ice cream kaya naman hindi nagdalawang-isip si Ares na lumabas para bumili ng ice-cream kahit pa na mag-aalas dose na nang madaling araw at masyado na ring malalim ang gabi. Naiwan naman si Achi para samahan ako rito sa rest house. Nag-alala pa nga ako kay Ares dahil gabing gabi na ay bumiyahe pa siya ng halos isang oras para mabili lang yung gusto kong rocky road ice-cream.
Nakahinga lang ako ng maluwag nung ligtas siyang makabalik dito sa rest house dala-dala yung mga pinamili niyang mga ice-cream at mga strawberry na nakakahiligan ko ng kainin. Sobrang dami niyang pinamili, marahil ay para hindi na siya pabalik-balik. Ang saya lang sa pakiramdam dahil hindi man lang ako nakatanggap ng reklamo galing sa dalawa at hindi rin sila nagdalawang-isip na ibigay yung gusto ko kagabi lalo na si Ares na bumiyahe pa talaga kahit malalim na ang gabi para mabilihan lang ako ng gusto kong ice-cream.
Huminga muna ako ng malalim bago ako nagpasyang bumangon na kahit nakakaramdam ako ng katamaran ngayon. Saktong bumukas naman ang pintuan at niluwa nun ang kambal. Nakangiti pa sila nang pumasok sila rito sa kwarto kaya napangiti rin ako ng matamis. May bitbit pa nga na isang tray si Achi na naglalaman ng almusal ko. Pero almusal pa nga ba ito gayung magtatanghali na?
"Breakfast in bed, my darling!" nakangiting turan ni Achi bago silang dalawa na lumapit sa akin.
Umayos naman ako ng upo nang maingat na inilapag ni Achi yung tray sa harapan ko bago silang dalawa na naupo sa aking tabi at mabilis na hinalikan ang magkabila kong pisngi. Hindi ko naman maiwasang matakam sa gutom nang makita kong vegetable fried rice yun na may sunny side up egg, hotdog, at meron pang ham at bacon. Meron ding isang basong gatas at yung nagiging paborito ko ng prutas na strawberry. Parang gusto kong maglaway sa nakikita ko ngayon.
"Salamat," nakangiti kong pasasalamat sa kanila bago ko excited na kinain yung mga pagkain.
Hindi ko na lang pinansin yung dalawa kahit na bawat subo ko ng pagkain ay sinusundan pa talaga nila ng tingin. Sunod ko namang kinain yung strawberry at talagang sinawsaw ko pa ito sa gatas. Sarap na sarap ako sa bawat pagsubo ko ng pagkain hanggang sa naubos ko na ito na hindi man lang umiimik yung dalawa kong kasama. Talagang pinanood lang nila akong kumain ng almusal hanggang sa matapos ako.
"Gusto mo pa ba?" tanong sa akin ni Achi.
Umiling lang ako, "Okay na, busog na ako. Salamat pala sa pagkain," nakangiti kong sagot sa kanya. Natawa pa silang dalawa nang mahina pa akong dumighay. Ang sarap ng pagkakaluto ng pagkain kaya nasulit ko itong kainin at nabusog talaga ako.
"Anyway, papunta na pala sila Dad dito. Maya-maya lang nandito na sila kasama si Don Mateo," wika ni Ares kaya nakaramdam ulit ako ng excitement. Makikita ko na rin sa wakas si lolo Mateo!
"And I bought something for you last night," dagdag pa ni Ares bago niya kuhanin yung brown na paper bag na nakapatong lang sa side table. Nangunot pa ang noo ko nang mapansin ko ang pangalan nung pharmacy na nasa paper bag na yun.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...