Warning: This chapter contains scenes of violence, sexual assault and etc. which may be triggering for some readers. Please be warned.
This chapter is dedicated to: Ellehsir21
KABANATA 39:
PRECIOUS POV
Hapon na at papunta na kami ngayon sa puntod ng grandparents nila Ares na nandito lang sa Lilura Isla. Walking distance lang naman yun mula sa rest house nila. Inabot lang ng limang minuto ang paglalakad namin papasok sa isang masukal na kagubatan at paakyat pa ang daan nito subalit malinis naman ang paligid. Sobrang ganda din dahil maraming iba't-ibang bulaklak akong nakikita hanggang sa natanaw ko na ang isang bahay na may grills pa na kulay ginto. Mahahalata kong matibay ang pagkakagawa doon.
Nakahawak sa kamay ko si Ares habang si Achilles naman ay hawak-hawak yung mga bulaklak na binili namin kanina. Pagpasok namin sa loob ay bumungad sa amin ang anim na lapida sa dalawang puntod. Maganda rin sa loob at malawak pa. May bubungan rin kaya walang problema kung umulan dahil hindi mababasa yung mga puntod ng grandparents nila. Meron ding mga nakadikit na mga pictures sa dingding at sobrang dami nun. Nanahimik lang din ako sa tabi habang nilalagay nila Achi yung mga bitbit nilang mga bulaklak sa tapat ng puntod ng grandparents nila.
Tinignan ko ang unang puntod na may dalawang lapida. Larlee Hellion at Lars Hellion ang pangalan na nakasulat sa lapida na yun. Habang sa pangalawang puntod naman ay apat na lapida ang naroon na may apat ring pangalan. Sa tingin ko ay yun yung Triplets na lolo nila Ares at yung lola nila. Nakasulat rin doon ang araw ng kapanganakan nila at tama nga ang mga kinuwento sa akin ni Artemis.
Pare-parehas lang sila ng araw ng kanilang kamatayan subalit nauna lang na taon na nawala ang lola Larlee at lolo Lars nila Artemis. Halos ten years lang ang gap ng kamatayan nila at almost twelve years na palang wala ang Triplets na lolo nila Ares. Tinignan ko naman sila Ares at ang buo nilang pamilya na naririto ngayon.
I see the bittersweet in their eyes lalo na sa mata ni Tita Liliana na ngayon ay naluluhang nakatingin sa puntod ng kanyang magulang. Nabanggit nila sa akin na si Tita Liliana ang bunsong anak ng Triplets na lolo nila Ares kaya naiintindihan ko ang sitwasyon ni Tita Liliana lalo pa't bunso siya. Kahit matagal na ang lumipas ay alam kong naroon pa din ang kirot sa dibdib niya.
Nararamdaman ko ang nararamdaman nila, nawalan sila ng lolo't lola, nawala pa sa kanila ang kanilang magulang. Hindi ko tuloy mapigilan na makadama din ng sakit at kirot dito sa puso ko. Dama ko ang kanilang pighati at pangungulila dahil nawalan din ako ng magulang. Buti pa nga sila, nakasama pa nila ng matagal yung mga mahal nila sa buhay samantalang ako? Maaga akong naulila.
Never kong naramdaman ang pagmamahal ng isang ama't ina dahil agad silang kinuha sa akin dahil sa lintek na aksidente. Lumaki ako at namulat na wala ng magulang. Pero kahit na ganun, nagpapasalamat pa rin naman ako sa Diyos dahil ipinangak ako at nabuhay sa mundong ito.
Tila nabalik naman ako sa reyalidad nang maramdaman kong may kamay na pumunas sa magkabila kong pisngi. Pagtingin ko ay nakatingin na pala si Ares sa akin. Narealize ko na lang din na tumutulo na pala ang luha ko at siya ang nagpunas nun gamit ang mga daliri niya sa kamay.
"Why are you crying?" mahina niyang tanong sa akin at bakas sa boses niya ang labis na pag-aalala.
Mapait ko naman siyang nginitian, "N-namiss ko lang yung magulang ko." sagot ko gamit ang mahina at malungkot na boses.
"Don't worry, they are now at peace in heaven with our grandparents. I'm pretty sure they are happy and watching over you," anas niya at mahigpit akong niyakap. Naramdaman ko pa ang pagdampi ng malambot na labi ni Ares sa noo ko kaya naman niyakap ko lang din siya at isinandal ang aking ulo sa matipuno niyang dibdib.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...