This chapter is dedicated to: bethmillie26
KABANATA 22:
THIRD PERSON'S POV
"So, this is all the information about her?" seryosong tanong ni Ares sa kinuha niyang private investigator para alamin nito ang tungkol sa buong pagkatao ng babaeng laman ng puso't isipan nilang dalawa ng kakambal niyang si Achi. Inutusan niya ito nung unang araw na nakita at makilala niya ang dalaga.
They want to know her better so they hire someone to investigate her even her family background. Siguro nga ay baliw na silang dalawa ni Achi pero anong magagawa nila? Sadyang interesado talaga silang dalawa ni Achi kay Precious kaya gusto nila na may alam sila tungkol sa pagkatao ng dalaga.
Achilles is with him and they are currently in his office to meet his private investigator. Hawak-hawak na rin ni Ares sa kamay niya ang brown envelope na naglalaman ng impormasyon tungkol sa dalaga.
"Yes po, sir. Lahat po ng tungkol kay Precious Velasco ay nariyan na po sa loob ng envelope. Nakakuha na rin po ako ng impormasyon sa pamilyang Valdez kaya nariyan na rin po lahat ng impormasyon nila Brando," sagot ng lalaki sa kanya.
Of course, hindi lang naman si Precious ang pinaimbestigahan nila kundi pati na rin si Brando at ang pamilya nito lalong-lalo na si Mayor Fiorello. Gusto nilang dalawa ni Achi na makahanap ng butas sa pamilya ni Brando para magawa nila itong masira ang kanilang pangalan at reputasyon. Gusto din ni Ares na mapatalsik sa pagiging Alkalde si Mayor Fiorello, kaya naman naghahanap sila ng baho ng pamilyang Valdez para masira sila sa mata ng mga tao.
"Do you have any news about her? Na-trace mo na ba kung saang parte ng Maynila pwedeng nagpunta si Precious?" this time ay si Achi naman ang nagtanong sa lalaking private investigator ng kakambal niya.
They couldn't wait any longer. Atat na atat na talaga sila na mahanap at muling makita si Precious bago pa sila maunahan ni Brando. And they don't want that to happen. Hindi sila makakapayag na makuha nung gagong si Brando ang dalaga. Para sa kanilang dalawa, magkakamatayan muna bago nito makuha si Precious at gawin ang gusto nito sa dalaga. Yeah, maybe they crazy. But they wanted to protect her since they met Precious. They want her to be safe in their hands. Kung bakit ba kasi hindi sa kanila humingi ng tulong ang lolo Mateo ng dalaga.
"Pasensya na po sir, pero hanggang ngayon ay hindi ko pa nate-trace kung saan sa Maynila siya nagpunta." sagot nito na ikinabuntong-hininga naman ng malalim ni Achi, "Wag po kayong mag-alala, gagawa po ako ng paraan para mahanap agad si Precious. Inimbistigahan ko na rin po kung sino ang kasama niyang lumuwas ng Maynila," sambit pa nito na ikinatango-tango ng ulo ni Ares.
"That's good. Hindi kami pwedeng maunahan ni Brando kaya gawin mo lahat ng makakaya mo para mahanap agad si Precious. I am willing to pay you a large amount of money if you manage to find our girl," sambit ni Ares sa lalaki na ikinangiti naman nito.
Ares opened the cabinet of his office table and took the advance payment for his private investigator. Makapal-kapal din ang pera na ito dahil nagiging maganda ang pinapakitang trabaho ng lalaki sa kanila. Agad rin itong nakakuha ng impormasyon patungkol sa dalaga. Inabot naman niya iyon sa lalaki at wagas naman kung makangiti ang kanyang private investigator nang makita nito ang paunang bayad sa kanya.
"Just find her as soon as possible," seryosong saad ni Ares at tumango-tango lang ng ulo ang lalaki sa kanya bago ito magpaalam at umalis sa kanyang opisina.
Achi sighed, "Sa tingin mo, nasaan kaya siya ngayon?" tanong niya at tinutukoy niya si Precious.
They couldn't help but worry about her. Nasaan na kaya ngayon ang dalaga? Sino kaya ang kasama nito? Hindi rin naman kasi nila naitanong sa katulong ni Don Mateo na s'yang nakapagsabi sa kanila na wala na si Precious sa Mansyon nung madaling araw na yun kung sino nga ba ang kasama nung dalaga na lumuwas ng Maynila. Ngayon ay namomroblema tuloy sila kung saan sa Maynila nila unang hahanapin ang dalaga. But they are a Hellion, they will do anything to find her even if they squander a lot of money.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...