KABANATA 61

19.4K 672 237
                                    

This chapter is dedicated to: jasckata

KABANATA 61:

PRECIOUS POV

Hindi naman ginusto nila Ares na umabot sa puntong pisikal akong masaktan ni Carl bago siya barilin kasama yung mga hayop na tauhan ni Fiorello. Gusto nila na mahuli ng buhay sila Carl at ayaw lang pala nila masaksihan ko na may mamatay sa harapan ko dahil baka ma-trauma ako. Natatakot sila Ares at Achilles na magkaroon ako ng trauma. They don't want me to witness someone die in front of me, but they have no choice. Mabilis talagang inutos ni Ares ng mga nagsisilbing sniper sa labas ng rest house na patayin na lang sila Carl nang masaksihan nila kung paano ako suntukin ng dalawang beses nung hayop na yun sa aking tiyan.

At malaki talaga ang pasasalamat ko na bago pa man ako magawan ng masama ni Carl ay binaril na siya pati ang mga tauhan ni Fiorello. Some of them lost their lives, while the rest of them remained alive kahit pa na binaril na sila sa kanilang mga katawan. Isa na roon si Carl na buhay pa rin sa kabila ng tama sa dibdib niya at ang pagbugbog ni Ares sa kanya subalit mabubulok na siya ngayon sa kulungan kasama ang demonyo niyang ama na si Fiorello. Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na hindi niya kami pinabayaan kaya ligtas at buhay kami na nakalabas sa rest house nila Ares.

Sa loob ng isang linggo ay matiwasay na natapos ang trial sa korte. Naipanalo na namin ang kaso na isinampa namin laban sa buong pamilyang Valdez. Lumabas na rin na inosente talaga si Brando dahil sa mga hawak niyang mga ebidensya na itinago niya. Ginamit rin nilang ebidensya yung mga sinabi ni Brando sa akin dahil hindi ko akalain na may inilagay rin pala si Ares na CCTV camera sa kwarto namin. Akala ko sa kusina at sa sala lang siya naglagay ng CCTV, pati rin pala sa bawat mga kwarto sa rest house na yun. Kaya naman narinig at nakita roon ang mga nangyari sa loob ng kwarto.

Pati na rin yung kawalangyahan ni Carl kasama ang mga tauhan ng Daddy niya. Isa iyon sa mga ginamit naming ebidensya para mapatunayan na tinangka ni Carl na patayin kami pati na rin yung pagbaril nila kay Brando. Mabuti na lang talaga ay naisipan ni Ares na maglagay ng mga CCTV cameras sa rest house. Grabe rin ang galit ni Fiorello nang malaman niyang traydor ang kanyang anak subalit mas matindi ang kinikimkim ni Brando na galit sa mga Valdez. Tumayo rin siyang star witness at naungkat na rin ang nangyari noon sa kanyang ina kaya pati ang asawa ni Fiorello ay makukulong sa bilangguan.

At sa loob lamang ng isang linggo ay sa wakas nabigyan na rin ng hustisya ang pagkamatay ng mama ni Brando at ni Amy. Labis ang tuwa ng pamilya ni Amy na sa wakas ay nagkaroon na rin ng katarungan yung karumal-dumal niyang pagkamatay. Grabe rin ang galit nila kay Carl nang malaman nilang ito ang may kagagawan ng krimen kaya halos magkagulo sa loob ng korte, buti na lang ay umusad pa rin ang trial.

Nahutalan na rin sila Fiorello, ang asawa nito at si Carl na habambuhay na pagkakakulong sa bilangguan. Habang ang dalawang half brother naman ni Brando na hindi naman sangkot sa krimen ay nabalitaan ko na lang na lumipad na ang mga ito papunta sa ibang bansa at mas pinili na lang nilang mamuhay sa malayong lugar dahil ayaw rin nilang madamay sa pagiging walanghiya ng kanilang pamilya. Kaya naman masaya ako na nakamit na ang hustisya at tiyak na matatahimik na rin ang kaluluwa ni Amy maski ang mama ni Brando.

"Hindi ka ba man lang nabubusog diyan sa kinakain mo? At saka hindi ka rin ba nangdidiri?" pagsusungit ni Blythe sa akin. Nahinto naman ako sa pagsubo ng kinakain kong singkamas na ngayon ay sinasawsaw ko pa sa ketchup. Nang tignan ko naman ang babaeng ito ay nakangiwi pa siyang nakatingin sa kinakain ko habang nakakunot pa ang kanyang noo.

"Eh ano bang pakialam mo?" pagsusungit ko rin sa kanya bago ko siya irapan. Actually, kasama ko ang babaeng ito sa kwarto kung saang hospital ako naka-admit. Hinihintay ko na lang sila Ares at Achilles na makabalik dahil pinabili ko pa sila ng pinaglilihian kong strawberry pati na rin ang marshmallow. Ngayon na rin ang labas ko sa hospital dahil sabi ni Doc kanina ay okay na ako at pwedeng-pwede na akong umuwi sa bahay.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon