This chapter is dedicated to: Keii_WP09
KABANATA 28:
PRECIOUS POV
Tuloy pa rin ang photoshoot kahit na wala na sa mood si Achi dulot sa nangyari kanina. Bakas pa rin sa gwapo niyang mukha ang galit, hindi na maipinta ang itsura niya kaya naman lahat ng mga tao dito ay mas pinili na lang manahimik at gawin ang mga trabaho nila. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ba ako o maaawa sa kanila. Ito rin ang kauna-unahan na makita kong sumigaw si Achi at magalit. Syempre, first time ko rin na marinig na mapamura ng malutong si Achi. Iba pala talaga siya magalit, nakakatakot at nakakatindig balahibo.
"Okay, let's take a break!" malakas na anunsyo nung baklang photographer. Mabilis kong tiningnan yung suot kong relo, pasado alas-onse na pala nang tanghali. Kaya pala umaalburoto at nagwawala na ang mga alaga ko sa tiyan sa gutom dahil magtatanghalian na pala.
"Let's go, sa labas na lang tayo kumain ng lunch." ani Achi nang makalapit siya sa aking gawi. Tumango lang ako sa kanya bago ko ibigay sa kanya yung kanyang cellphone.
Lumabas naman kami agad at sakto namang nakasalubong namin si Ares na kakarating lang. As usual, ang gwapo niya sa suot niyang office attire. Hawak-hawak lang din niya ang jacket niyang itim habang medyo magulo pa ang pagkakasuot niya sa kanyang necktie. Pero kahit na ganun, mas nananatili pa rin siyang gwapo sa paningin ko.
"Tapos na ba yung photoshoot mo?" bungad niyang tanong kay Achi.
"Hindi pa. Kakain lang kami ni Preccy sa labas. Do you want to come with us? May malapit lang na restaurant dito," sagot ni Achi kaya tumingin sa gawi ko si Ares at inayos pa ang suot niyang salamin sa mata. Hindi ko naman siya kayang tignan sa mga mata niya kaya umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Pero ramdam ko ang mga mata niyang mainit na nakatingin sa akin.
"Sure, nagugutom na rin ako." rinig kong sagot ni Ares.
Naglakad na silang dalawa kaya sumunod na lang ako. Ang mga taong nakakasalubong namin ay hindi maiwasang mapatingin sa gawi nila Ares at Achi. Halata sa mga mukha nila ang pagkamangha at kilig habang nakatingin silang lahat sa dalawa. Nakakahiya tuloy sumabay sa kanila sa paglalakad lalo pa't pinaggigitnaan ako ni Ares at Achi. Parehas pa silang gwapo at matatangkad.
Samantalang ako? Jusko po! Nagmumukha lang ako na nawawalang tae.
Nag-uusap lang din silang dalawa tungkol sa business pero hindi ko naman maiwasang tignan yung mga tao. Takaw-atensyon yung kambal pero yung iba ay napapatingin din sa akin at palihim pa nila akong tinataasan ng kilay. Pansin ko rin na ako ang pinag-uusapan nila dahil na rin sa nakatingin sila sa akin habang may binubulong sila. Ang iba ay masama pa akong tinignan at obvious namang nagtataka sila kung sino akong hampas-lupang pangit at kung bakit kasabay kong maglakad ang dalawang mala-greek gods ang kagwapuhan.
Napalunok tuloy ako at napayuko ng ulo. Natatakot ako na baka bigla na lang nila akong kuyugin lalo na't ang tatalim nilang tumingin sa akin. Kaya ang ginawa ko ay nagpahuli ako ng lakad at hinayaan ko yung dalawa na maunang maglakad. Mukhang hindi naman nila ako napansin na nasa likod lang nila akong dalawa at hindi ko na sila sinasabayan sa paglalakad dahil sa abala sila sa pag-uusap.
"Aray ko po!" bulalas ko nang malakas na tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay. Literal na nanlaki ang mata ko nang marealize kong matipunong dibdib pala ni Ares ang nabangga ko.
"Bakit nakayuko ka na naman?" nakataas-kilay niyang tanong sa akin.
"And why are you just behind us and not walking with us?" pagtatanong naman ni Achi sa akin. Both of them are looking at me, halatang nagtataka at nakakunot pa pareho ang noo nila. Mabuti na lang talaga ay nakasuot ng salamin sa mata si Ares at magkaiba sila ng suot ng damit kaya hindi ako nalilito sa kanilang dalawa. Dahil sa ekspresyon ng mukha nila ngayon, nagiging magkamukha lalo silang dalawa.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...