WARNING: This chapter contains scenes of violence, sexual assault and etc. which may be triggering for some readers. Please be warned.
This chapter is dedicated to: Mhaengg20
KABANATA 58:
PRECIOUS POV
Halos mag-iisang oras na rin akong nakakulong rito sa kwarto ko. Chineck ko pa ang wall clock, alas-diyes na nang gabi at dapat nagpapahinga na kami ng ganitong oras pero hindi, hindi ko magagawang magpahinga lalo pa't naririto sila Brando. Pero katulad nga ng sabi nila Ares sa akin, pagkatiwalaan ko lang silang dalawa. Nangangalay na ang dalawa kong kamay dahil na rin sa iginapos ako nung tauhan ni Brando dito sa headboard ng kama na gawa sa bakal.
Masyado na rin akong nag-aalala para kila Ares at Achilles. Kailangan matanggal yung tama ng bala sa balikat nilang dalawa! Napaayos lang ako ng upo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at niluwa nun si Brando kaya naman pinukulan ko siya ng isang matalim na tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Pero kahit na tiningnan ko siya ng masama ay nagawa pa rin niya akong ngitian ng tipid kahit pa na may lungkot sa mga mata niya. Pagkasara niya sa pinto ay saka siya lumapit sa gawi ko at tahimik na naupo sa gilid ng kama.
"Pakawalan mo na lang kami, Brando. Hayaan mo na lang kami, please." pakiusap ko sa kanya.
Umiling-iling naman siya sa akin, "Mahal kita, Precious. Sobrang mahal kita. Kaya isasama kita kapag nakaisip na kami ng paraan kung paano tayo makakalabas sa rest house na 'to," sagot niya sa akin na ikinabuntong-hininga ko naman ng malalim.
"Nakikiusap ako sayo, hindi ako ang babae para sayo. M-makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sayo ng buo," wika ko. Bakit ba kasi ayaw niyang tumigil? Bakit ba pinipilit pa rin niya ang kagustuhan niya?
Pansin kong lumamlam ang mata niyang nakatingin sa akin at mas lalo rin itong lumungkot, "I know, kahit anong gawin ko ay alam ko namang hindi pa rin ako ang pipiliin mo. Isa yun sa pagkakamali na nagawa ko, ang hindi ko ipinakita sayo ang totoo kong ugali't pagkatao dahil sa pansarili kong kagustuhan na makapaghiganti. I didn't tell you about my past," tila may makahulugan niyang sabi na nagpakunot sa noo ko. Hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. Anong tinutukoy niya na kagustuhan niyang makapaghiganti?
"What are you talking about? A-anong tinutukoy mo na na m-makapaghiganti?" utal at naguguluhan kong katanungan sa kanya. Malalim naman siyang bumuntong-hininga at napahilamos pa siya sa kanyang mukha.
"Lahat ng mga ipinapakita ko noon sa ibang mga tao na nakikita mo ay pawang pagkukunwari lang. Ang pagiging mayabang ko? Ang pagiging bastos sa mga matatanda? Yung lahat ng mga masasamang ipinapakita ko sa mga taong nasa probinsya natin? Lahat ng yun ay puro akto ko lang," turan niya subalit mas lalo lalo akong naguluhan at mas lalo ring hindi ko siya maintindihan.
"Akto lang? What do you mean? H-hindi kita maintindihan," gulong-gulo kong tanong sa kanya. Parang sasabog yung ulo ko sa kakaisip kung ano ang ibig niyang sabihin.
"It's all part of my plan, Precious. I acted like a bad guy. Kailangan kong umakto at magpanggap na masama, mayabang, na walang modo at bastos na lalaki para maisagawa ko ang mga plano ko," aniya na nagpatahimik sa akin saglit. What? Akting lang niya yung pagiging mayabang niya? Yung pagiging bastos niya kapag kaharap niya ang ibang mga tao ay pagpapanggap lang? Plano niya lang lahat yun?
"P-pero bakit?" curious kong tanong. Kung nagsasabi siya ng totoo, kung akting lang niya yung pagiging walanghiya niyang lalaki, yung pagiging walang galang niya sa ibang mga matatanda at dahil sa ginawa niyang yun ay marami ang nagalit sa kanya at kinamumuhian siya.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...