SPECIAL CHAPTER

23.4K 814 596
                                    

This Special Chapter is dedicated to: rhianna120708

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This Special Chapter is dedicated to: rhianna120708

PRECIOUS POV

Lahat naman talaga ng mga tao sa mundong ito ay dumaraan sa isang pagsubok, matindi man o hindi. Pero katulad nga ng sabi ng iba, bibigyan ka ng malaking pagsubok ni Lord dahil alam niya at may tiwala siya na makakaya mo lahat at malalampasan mo ito kahit gaano pa ito kahirap o kasakit. Katulad na lamang sa mga nangyari sa akin noon. Maraming pagsubok ang dumating sa akin, ngunit ang pagsubok na yun ang nagbigay daan sa akin para maging matapang at matatag na babae. Dahil sa mga nangyari noon, nakilala ko ang mga tao na magpapabago sa buhay ko.

Tama nga naman ang kasabihan ng iba, may darating sa buhay natin para baguhin tayo o 'di naman kaya ay darating para matuto tayo hanggang sa matagpuan na natin ang tamang tao na talagang nakalaan para sa atin. Ang taong nakatadhana na makasama natin hanggang sa huli nating hininga. Malaki talaga ang pasasalamat ko sa mga nangyari sa akin noon. Isang malaking pasasalamat dahil kung hindi dahil sa mga nangyari noon, hindi ko sana makikilala ang mga taong importante sa akin ngayon. Lalong-lalo na ang dalawang lalaking sobrang mahalaga sa akin dahil sila ang dahilan kung bakit nakabuo ako ng isang malaki at masayang pamilya.

Sila Ares at Achilles.

Syempre, may isang tao rin ako na lubos at higit ko talagang pinagpapasalamatan. Si Brando Valdez. I thought he was a villain in our life, but he turned out to be my savior an he became a part of my life. Naniniwala na talaga ako na hindi lahat ng mga tao na nagpapakita ng masama ay masama na talaga. Dahil hindi natin alam na ang ibang tao na masama ay meron palang mabigat na pinagdadaanan. Sila ang higit na may dinadamdam, na may masalimuot at mapait na nakaraan kaya sila ay biglang naging masama.

Subalit masaya ako na hindi naman pala masama si Brando. Masaya rin ako na nakamit na niya ang hustisya para sa kanyang ina na biktima ng mapait na karahasan sa kamay nila Fiorello, ang kanyang demonyong ama. Mabuti na lang talaga ay hindi niya namana ang pagiging sakim at makasarili ng kanyang ama. Kaya naman malaki ang pasasalamat ko kay Brando dahil kahit na kinamumuhian ko siya dahil na rin sa pag-aakala ko na masama siyang tao, ay siya pa itong nagligtas sa buhay ko.

Totoo ang kanyang pagmamahal sa akin ngunit huli na dahil may iba na akong nagugustuhan. Sa katunayan nga niyan, kung sana ipinakita niya agad sa akin ang tunay niyang pagkatao, ang kanyang totoong ugali ay tiyak na nahulog na ang loob ko sa kanya. Subalit masyado nga namang mapaglaro ang tadhana. Sa iba nahulog ang puso ko. Ngunit masaya pa rin naman ako na nakilala ko si Brando at ngayon ay masaya ako na magkaibigan na lang kaming dalawa. Alam ko rin naman na masaya na rin si Brando ngayon sa pamilyang binuo niya kasama si Blythe. Biruin mo nga naman ang tadhana, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lubos makapaniwala na silang dalawa ang magkakatuluyan.

"Ahm, miss?"

Mabilis na nawala ang malalim kong pagbabalik-tanaw ko sa aking nakaraan nang marinig ko na may nagsalita sa aking likuran. Ngayon ko lang rin napagtanto na kakatapos lang pala na i-park ng family driver namin ang kotseng sinasakyan ko dito sa parking lot at kakababa ko lang rin sa sasakyan. Agad ko namang nilingon ang boses lalaki na nagsalita at isang matangkad na lalaki ang nakita ko. May itsura siya ngunit halata ko namang chickboy ang isang 'to. Napansin ko pa nga na may batang lalaki na nakatayo sa kanyang likuran.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon