KABANATA 30

25.6K 859 539
                                    

This chapter is dedicated to: MissGalaxyGlow

KABANATA 30:

PRECIOUS POV

Nagtataka ko lang na tinignan si Ares nang makababa na kami sa hagdanan. Nakapagtataka yung kilos at galaw niya ngayon. Sa totoo lang ay nakakapanibago siya ngayon. Halos ten minutes rin akong naroon sa kwarto niya at inutusan pa niya akong maghintay sa kanya dahil naghilamos at nagsipilyo muna siya. Kaya heto, sabay kaming dalawa na bumaba. At pagpasok namin sa loob ng kusina ay tapos na kumain ng almusal sila Artemis.

"Aba, kung kailan tapos na kami ay saka ka naman dumating." wika ni Mrs. Hellion kay Ares.

"Sorry, mom. Napasarap lang yung tulog ko," hinging paumanhin ni Ares bago siya humalik sa pisngi ng Mommy niya. Hindi naman nakaligtas sa akin kung paano ako ngisian ni Artemis at ang bruha ay nagtaas-baba pa ang dalawa niyang kilay na tila tinutukso pa ako.

"Hindi ka na namin masasabayan kumain. We need to go now dahil marami pa kaming tatapusin na trabaho sa office," seryosong turan ni sir Lucius kay Ares.

"It's okay, take care." sagot lang niya.

"And about sa death anniversary ng grandparents niyo. Bukas na yun kaya i-cancel niyo na yung mga dapat i-cancel na schedule sa trabaho niyo," salita pa ni Mr. Lucius kaya saglit akong natigilan. Death anniversary ng grandparents nila Ares bukas? Tinignan ko naman sila Achi nang mapansin kong bahagyang lumungkot ang mukha nila.

"Noted, Daddy." si Artemis ang sumagot kaya nagsitayuan na silang lahat sa kinauupuan nila at nagsilabasan na. Yung mga katulong naman ay agad niligpit yung mga pinggan na pinaggamitan nila Artemis.

"Kailangan nating mag-usap," mahina kong bulong kay Artemis nang dumaan siya sa gilid ko.

"Later babe," bulong rin niya sa akin at nginitian pa ako ng nakakaloko, "Hangga't may buhay, may pag-asa." mahina pa niyang dagdag sa akin bago niya tapikin ang balikat ko.

Lumabas na rin siya sa kusina kaya napabuntong-hininga na lang ako. May dapat pa kaming pag-usapan tungkol sa pagdi-disguise ko. Plano ko na ring umamin kila Ares pero gusto ko na nasa tabi ko si Artemis kapag aaminin ko na yung totoo.

"Pakihanda yung breakfast ko at pakidala na lang ho sa garden," utos ni Ares sa mga katulong kaya tumango lang sila.

"Ah, gawan niyo rin ng breakfast si Preccy. Sasabay siyang kumain sa akin," salita pa ni Ares na ikinatigil ko bigla. Ano daw? Sasabay akong kumain ng breakfast sa kanya? Halatang natigilan yung mga katulong at isa na doon sila Nanay Alma at si Manang Loreta. Mga nagulat sila kagaya ko.

"P-pero pwede naman akong kumain ng breakfast sa dirty kitchen," sambit ko.

"No but, Preccy. Ipagtimpla mo na rin ako ng kape. I'll just wait for you in the garden," seryoso niyang sabi bago siya lumabas sa kusina at iniwan ako dito.

Nabaling naman ang tingin ko kina Manang Loreta, napakibit-balikat na lang ako nung mapansin kong nagtatanong ang kanilang mga mata sa akin. Nagtataka na talaga ako sa kinikilos ni Ares ngayon pero kahit na punong-puno na ako ng katanungan ay sumunod na lang ako sa pinag-uutos niya. Pinagtimpla ko siya agad ng kape habang sila Nanay Alma naman ay naghahanda ng makakain namin ni Ares.

"Bakit ganun si sir Ares?" mahinang katanungan sakin ni Manang Loreta nang bigla siyang sumulpot sa gilid ko.

I shrugged my shoulder, "Hindi ko po alam, manang. Kahit ako nagtataka na rin eh," sagot ko sa kanya.

"Alam na ba nila kung sino ka?" bulong niya pero umiling-iling ako.

Imposible naman na malaman nila Ares kung sino ako dahil bukod sa tagong-tago yung mukha ko dahil sa pangit kong disguise, hindi ko rin sinabi sa kanila kung sino ba talaga ako. Ni wala nga silang ideya na ako si Precious eh. Balak ko pa nga lang na sabihin kina Ares at Achi yung totoo pero kakausapin ko muna si Artemis tungkol dun. Si Artemis ang nakaisip na huwag naming sabihin sa dalawa niyang Kuya yung totoo kaya dapat kasama ko si Artemis kapag sasahihin na namin sa dalawa yung buong katotohanan.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon