KABANATA 4:
PRECIOUS POV
Hindi ko alam kung ilang minuto akong napatitig sa angking kagwapuhan ng lalaking nasa harapan ko ngayon na s'yang maagap na humawak sa beywang ko kaya hindi ako tuluyang bumagsak sa sahig. Nakatingin lang din siya sa akin, mariin at hindi ko mabasa kung ano ang naglalaro sa isipan niya ngayon. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, bigla na rin akong nakadama ng kakaibang boltahe ng kuryente na s'yang biglang umakyat at dumaloy sa buo kong katawan.
Tila naha-hypnotized rin yata ako ng dalawa niyang turkesang asul na mata, animo'y may kinakalaykay ang kanyang tingin sa loob ng aking katawan dahilan para biglang manghina ang dalawa kong tuhod. Kulang na nga lang ay makita na niya pati kaluluwa ko.
"Are you okay, miss?" rinig kong salita niya kaya naman tumama sa mukha ko ang mabango at mainit niyang hininga.
Bago pa ako maglaway sa harapan niya ay agad naman akong natauhan. Napalunok pa muna ako dahil sa malalim at lalaking-lalaki ang kanyang boses, parang nanggagaling pa yun sa pinaka-ilalim na hukay. Literal pa nga akong kinilabutan at nagtaasan rin ang mga balahibo ko sa katawan. Damn! His voice screams how intimidating and dangerous he is.
"O-oo, okay lang ako." utal kong sagot bago ako umayos ng pagkakatayo. Binitawan na rin niya ako at halos malula naman ako nang mapagtanto ko kung gaano siya katangkad. Partida nakasuot na ako ng mataas na takong nito pero nangliliit pa rin ako sa sobrang tangkad niya. Para siyang pinaglihi sa tore.
"Sigurado ka bang okay ka lang?" pagtatanong niya ulit sa akin at ewan ko kung bakit bakas sa tono ng boses niya ang pag-aalala.
Tipid ko naman siyang nginitian, "Don't worry, okay lang po ako. Pasensya na, hindi kasi ako tumitingin sa dinaraanan ko." paghingi ko ng tawad sa kanya.
Mahina niya akong tinawanan, "No, ako dapat ang humingi ng pasensya. Ang bilis ko kasing maglakad kaya hindi ko napansin na may makakasalubong pala ako," aniya at napakamot pa siya sa kanyang batok dahilan para makita ko kung paano mag-flex ang muscle sa biceps niya.
Oh ghad! Saang lupalop kaya nanggaling ang lalaking ito at ganito siya ka-hot at kagwapo? Walang halong biro, first time kong makakita ng lalaking talagang naggwapuhan ako. Oo, nakapag-aral nga ako sa Amerika at marami din namang mga gwapong nag-aaral sa University namin pero ang lalaking 'to? Wow! Nakakatulo ng laway at nakakalaglag ng panty ang hotness at kagwapuhan niya! May lahi kaya siya? Ang ganda rin kasi ng mata niyang kulay turkesang asul eh. Para din siyang isang modelo na bigla na lamang lumabas sa magazine.
"Precious!"
Nawala sa gwapong nilalang na 'to ang atensyon ko dahil sa narinig kong may lalaking tumawag sa aking pangalan. Laking gulat ko na lang nang makita ko kung sino ang taong yun at papalapit na siya rito sa gawi ko. Shit! Anong ginagawa ni Brando dito? Paano niya nalaman na nandito ako sa restaurant? Don't tell me na nagmala-aso na naman siyang sumunod sa akin? Ghad! Bakit ba ayaw niya akong tigilan o tantanan?
"Kilala mo ba ang lalaking yun?" rinig kong tanong sa akin nitong gwapong nilalang.
Marahan akong tumango sa kanya, "Siya ang pinaka-ayaw kong makita," wala sa sarili kong sabi.
"Brando? What are you doing here?" agad kong bungad na katanungan kay Brando nang tuluyan siyang nakalapit dito sa akin. Nakangiti siya ngayon sa harapan ko at saglit pa niyang pinasadahan ng tingin itong lalaking nakabanggaan ko bago niya ulit binaling sa akin ang kanyang tingin.
"I heard na nagpunta kanina si Dad sa Mansyon niyo. I heard that he has an offer for Don Mateo. Nabalitaan ko rin na niyaya niya kayong mag-dinner sa bahay namin pero tumanggi ang lolo mo dahil may importante kayong meeting ngayon dito sa restaurant that's why I'm here," nakangiti niyang saad sa akin.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
Ficção Geral[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...