This chapter is dedicated to: mynameisgelayy
KABANATA 47:
PRECIOUS POV
Malamig kahit wala naman kaming ginagamit na aircon o electric fan. Palibhasa kasi ay sumapit na ang gabi at naririto pa sa gitna ng kagubatan itong rest house dahil sa mga puno. Sa sobrang lamig at giniginaw na kami dito ay nagsiga na lang ng apoy sila Ares sa fireplace na meron dito sa kwarto naming tatlo. Feeling ko nga ay parang nasa ibang bansa kami kahit pa na sakop pa rin naman ng Pilipinas itong kinaroroonan namin ngayon.
Sabagay ay tag-lamig ang klima ngayon rito. Idagdag pa na maraming puno at mahangin pa sa labas kaya nakakadagdag yun sa lamig na nararamdaman namin. Dahil doon kaya napilitan na lamang sila Ares na isarado rin ang mga bintana para hindi rin makapasok yung mga lamok. Mabuti na nga lang din ay maligamgam yung tubig dito nung maligo ako kaya hindi nakakatakot o nakakatamad maligo.
"How is it? Kumikirot pa rin ba, my darling?" rinig kong katanungan ni Achilles sa akin sabay nguso doon sa sugat na nasa dalawa kong tuhod. Nahihimigan ko rin sa kanyang boses ang pag-aalala. Kasalukuyan niya kasing ginagamot yung dalawa kong tuhod na may sugat matapos kong makaligo habang si Ares naman ay tahimik lang na nakapwesto sa likuran ko at siya naman ang taga-suklay ng aking mahabang buhok na kanina lang ay basang-basa pa pero ngayon ay natutuyo na.
"Hindi na masyado," sagot ko kay Achi at nginitian siya ng matamis. Sinuklian lang rin niya ako ng ngiti at tinapos na niya ang paggagamot sa sugat ko. Mabuti na lamang ay medyo gumagaling na yung dalawa kong sugat sa tuhod, hinihiling ko lang talaga na sana ay hindi ako magkapeklat nito. Bwisit kasi si Blythe, hindi sana ako magkakasugat ng ganito kung hindi lang dahil sa kanya.
"Magpe-prepare lang muna ako ng makakain natin," paalam ni Ares sa amin. Magpe-prepare siya ng makakain namin? Eh kakatapos lang naming kumain ng hapunan? Hindi na lang ako nagsalita pa, baka dahil nagugutom lang siya. Humalik pa si Ares sa aking balikat bago siya tumayo at agad lumabas ng kwarto namin. Si Achi naman ay nililigpit na niya yung mga pinaggamitan niyang panglinis sa sugat ko, sabagay ay tapos na naman niyang gamutin ang mga sugat ko pati na rin yung sugat ko na nasa aking noo.
Wala akong naririnig na kahit na anong ingay dahil sadyang tahimik dito sa rest house lalo na't nakatirik ito sa gitna ng masukal na kagubatan. Ayon kina Ares, wala naman daw na gumagalang mga mababangis na hayop dito kaya safe kami. Pero kahit na tahimik ay okay lang sa akin dahil nakakaramdam ako ng ginhawa at kapayapaan dito sa lugar na ito. Inikot ko ang buo kong tingin sa kwartong kinaroroonan namin.
Malinis rin dito at kumpleto na rin sa kagamitan. Nakapatay ang ilaw sa kisame at tanging nagbibigay liwanag lang sa paligid namin ay ang TV na nakabukas pati na rin yung malakas na apoy na nanggagaling sa fireplace. Dahil sa apoy na yun ay napapawi kaonti ang lamig na nararamdaman namin. Tumabi naman agad si Achilles sa akin rito sa sahig matapos niyang mailigpit yung first aid kit. Matamis ko lang siyang nginitian nang humalik pa siya sa pisngi ko.
"Thank you, my darling." pasasalamat niya na nagpataka naman sa akin.
"Thank your for what?" kunot-noo kong tanong sa kanya.
"Thank you dahil sinagot mo kami ni Ares. Thank you sa pag-surprise sa amin kaninang madaling araw. At thank you dahil pinagkatiwalaan mo kami," sunod-sunod niyang sabi at dama ko naman sa tono ng boses ni Achi ang pagiging sinsero sa bawat bigkas ng salitang binibitawan niya.
"Hindi namin sasayangin ang tiwalang ibinigay mo sa amin, my darling. Hinding-hindi ka namin bibiguin ni Ares," dagdag niya pang sabi. Tinitigan ko lang siya habang may kung anong humahaplos rito sa puso ko. Nangingislap pa ang dalawang mata ni Achi habang sinasabi niya yun sa akin.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...