This chapter is dedicated to: carbonara-ni-sevi
KABANATA 26:
PRECIOUS POV
Mabuti na lang talaga ay hindi na ako kinulit nila Achi kagabi na tanungin kung sino ako lalo pa't sinasabi nilang dalawa ni Ares na pamilyar silang pareho sa akin. Ang lakas ng pakiramdam nila at mabilis din silang makapansin. Pero bakit ba ang lakas din ng pang-amoy ni Achi? Inamoy lang niya ang leeg ko ay nalaman na niya agad na amoy florals ako at pamilyar daw sa kanya ang amoy ko.
Abot-abot talaga ang kaba ko kagabi, buti na lang dumating si Michael at siya ang naging dahilan para maligtas ako sa mga binabatong katanungan nila Achi sa akin kagabi. Ligtas at matiwasay rin naman kaming nakauwi kagabi. At hindi na ulit sila nagtanong pa. Ngayon ay hinihintay ko na magpakita sa akin si Artemis dahil balak ko pa siyang komprontahin sa pag-iwan niya sa akin kagabi!
Pasalamat na lang talaga ako ay walang kakaibang napansin si Manang Loreta at kahit late na akong nakatulog kagabi ay maaga pa rin akong bumangon at gumising para hindi sila lalo makahalata. Sighed. Malilintikan talaga sakin si Artemis once na makita ko siya.
"Iha, may pinapautos si sir Achilles. Dalhan mo daw siya ng breakfast sa kwarto niya." rinig kong salita bigla ni Nanay Alma na galing sa dirty kitchen. Dalawa kasi ang kusina na meron dito sa Mansyon at kasalukuyan akong narito sa pinaka-main kitchen para maghugas ng plato at saktong patapos na ako sa hugasin ko.
"Sige po, Nanay Alma." tangi kong nasagot kahit na kinabahan na naman ako bigla. Matapos ko sa mga hugasin ko ay saka ko naman pinagsandukan ng makakain na breakfast si Achi. Maagang umalis ang magulang nila kanina dahil may out of town daw sila para sa business kaya walang kumain ng agahan ngayon dito sa mahaba nilang hapag-kainan. Ang busy din pala ng magulang nila, sabagay ay may kanya-kanya silang pinagkakaabalahan na trabaho.
Buti na lang maaga pa ring nakapagluto sila Nanay Alma at Manang Loreta ng breakfast. After kong magsandok ay nilapag ko lang muna yun sa isang tray bago ako nagtimpla ng kape para sa kay Achi at nang matapos ay dinala ko na ito sa kwarto ni Achi. Lalong dumoble ang kaba ko nung makita ko na malapit na ako sa kwarto ni Achi. Ihahatid ko lang naman itong breakfast niya, pagtapos ay aalis na rin ako. Maingat ko munang inilapag ang tray sa medyo may kalakihan na bilog na lamesa kung saan nakapatong ang isang vase bago ako kumatok sa pintuan ng kwarto ni Achi.
"Come in," rinig kong salita niya sa loob kaya huminga ako ng malalim bago ko buksan yung pinto. Nakita ko naman si Achi sa loob na nakaupo sa dulo ng kama niya at may tinitipa siya sa kanyang laptop. Binuhat ko ulit ang tray bago ako pumasok sa loob at inilipag ito sa babasagin na coffee table na meron siya dito.
"Ito na po yung breakfast niyo, sir." magalang at nakayuko kong sabi sa kanya. Narinig ko naman na gumalaw siya at pansin ko rin sa gilid ng mata ko na tumayo siya sa kama bitbit yung laptop niya.
"Please, close the door and wait for me to finish eating this breakfast." utos niya na medyo ikinabigla ko. Naupo siya sa single na sofa na mayroon siya sa kwartong 'to at ginalaw na rin niya ang kanyang pagkain habang nasa kandungan niya ang kanyang laptop.
"Ho?" kabado kong sambit bago ako mabilis na napaangat ng ulo para tignan siya, baka kasi namamali lang ako ng narinig.
Napalunok pa ako nung may marealize ako. He was not wearing any upper clothes, my goodness! Lantad tuloy sa harapan ko ngayon ang yummy at nagtitigasan niyang pandesal. At shit! He has eight pack abs! Bonus pa na may malaki siyang biceps, matipunong dibdib at broad shoulder. Tanging puting pajama nga lang ang suot-suot niya kaya kitang-kita ko talaga ang abs niya. Aba'y bakit yata ganito kaperpektong tignan ang gwapong nilalang na 'to? Kung ibang babae lang ang nasa posisyon ko ngayon, baka naglaway na sila sa harapan niya.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
Ficción General[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...