KABANATA 10

27.7K 814 352
                                    

This chapter is dedicated to: RG31DC

KABANATA 10:

PRECIOUS POV

Mabilis akong tumingin sa salamin para i-check ang aking sariling itsura. Well, mukha naman akong tao. Malinis at maayos naman akong tignan kahit pa na nakasuot pa ako ng pangtulog na damit. Hindi naman siguro nakakahiya kila Achi kung lalabas ako at haharap sa kanila na ganito ang suot at itsura. Hanggang ngayon ay nagtataka tuloy ako kung papaano nila nalaman kung saan ako nakatira. Ni parang hindi man lang sila naligaw lalo pa't mga taga-Maynila pa sila.

Nang matapos kong i-check ang sarili kong mukha sa salamin at okay lang din naman ang ayos ko ay saka ako nagmamadaling lumabas ng aking kwarto para puntahan sila Artemis sa labas ng gate. Pagkababa ko sa hagdanan ay wala na si Mayor Fiorello, mukhang umalis na siya. Wala rin si lolo Mateo sa sala, for sure ay naroon lang siya sa mini office niya. Hindi naman ako nag-aksaya ng minuto, mabilis akong lumabas ng Mansyon at nagtungo sa gate.

"Hello, babe!" nakangiting bati sa akin ni Artemis nang tuluyan akong makalabas sa gate.

"Teka, paano niyo nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko agad sa kanilang apat.

"Sila Kuya Ares kasi eh, they used their connection para malaman kung saan ka nakatira. And tadaa! Nandito na kami sa harapan mo. Grabe, ang laki rin pala ng Mansyon niyo 'no?" dire-diretsong sagot ni Artemis sa akin.

Hindi man lang siya nakaramdam ng hingal dahil sa haba ng sinabi niya habang nakatingala siya para tignan ng maayos ang aming Mansyon. At saka connection? Gumamit nila Ares at Achi yung connection nila? Ibig bang sabihin ay sobrang yaman nila para magkaroon sila ng connection at mahanap kung saan ako nakatira? Wow, unbelievable! Hindi ako lubos makapaniwala na mabilis lang nila mahahanap ang address ng Mansyon namin.

"Ang daldal mo talaga, Artemis." di-makapaniwalang turan ni Leo at napailing-iling pa siya ng ulo.

Napakamot naman ako sa ulo ko, "Sige, pasok kayo." aya ko sa kanila at bahagyang niluwagan ang gate para makapasok silang apat.

Narinig ko naman ang malalim na buntong-hininga ni Ares dahil si Artemis ang unang pumasok sa gate at ang lawak pa ng pagkakangiti niya. Ngiting tipid lang ang isinukli ko kay Leo nang alanganin lang din niya akong nginitian bago siya pumasok. Sumunod naman yung dalawa kaya sinara ko na ang gate at nilead sila papasok sa loob ng Mansyon pero mukhang hindi ko na kailangang gawin dahil nauna na si Artemis na pumasok sa loob ng Mansyon namin. Parang bahay lang niya ito kaya nabatukan tuloy siya ng pinsan niyang si Leo. Grabe, hindi ko talaga inaasahan na mahahanap nila kung saan ako nakatira at mas lalong hindi ko rin expected na pupuntahan nila ako dito.

"Nice outfit, my gorgeous." rinig kong turan ni Achi na nasa kaliwa kong gilid habang si Ares naman ang nasa aking kanan.

Sinasabayan nila akong dalawa sa paglalakad at hindi ko maiwasang manliit dahil sa tangkad nilang dalawa. Feeling ko tuloy ay parang may dalawang tore na nakatayo sa magkabila kong gilid. Nang tingnan ko si Achi ay nakangiti siyang nakatingin sa suot kong damit-pantulog. Tinignan ko naman ang sarili kong suot, naka-terno sleepwear ako na light pink at ang design ay hello kitty leopard. Wala naman sigurong mali sa suot ko, hindi ba? Hindi rin naman ako mukhang madumi at gusgusin. Idagdag pa na meron pa akong suot-suot na cat ear turband headband sa ulo. Sadyang mahilig talaga ako sa pusa kahit na allergic ako sa mga pusa.

"Cutie," rinig ko namang wika ni Ares at nang tignan ko siya ay nakapaskil sa kanyang namumulang labi ang tipid na ngiti dahilan para pamulahan ako ng mukha.

Hindi ko na lang sila pinansin at binilisan ko na lang ang paglalakad ko hanggang sa nakapasok na kaming tatlo sa loob at naabutan namin si Artemis na prenteng nakaupo sa sofa habang si Leo ay nakaupo sa tabi niya. Naka-dekwatro pa nga si Artemis at nakataas ang dalawa niyang kamay sa headrest na parang siya ang may-ari ng bahay namin. Pero imbes na makadama ako ng inis sa kanya ay natuwa pa ako at napangiti. Gusto ko ang ugali niya at sa tingin ko ay makakasundo ko si Artemis. Kahit na may pagka-boyish at halatang palaban, mukha naman siyang mabait at marunong makisama.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon