KABANATA 37

24.7K 786 327
                                    

This chapter is dedicated to: selepuvr

KABANATA 37:

PRECIOUS POV

Tiningnan ko lang saglit si Blythe na ngayon ay nakikipagkwentuhan na kay Achi. Ang daldal niya, masiyahin at masigla rin siyang babae. Parang siya yung tipo ng babae na walang problema. Nakikita ko kung gaano siya kasaya at tuwang-tuwa na makita si Achi. Habang si Achi naman, ayon hindi makawala kay Blythe dahil nakalingkis ito sa kanyang braso at ayaw pa siya nitong paalisin. Kitang-kita ko pa nga sa mukha ni Achi na nababagot na siya.

"Hoy, okay ka lang?"

Mabilis akong napatingin kay Artemis na parang isang kabute na bigla na lang sumulpot dito sa gilid ko. Napansin kong sinundan niya pa ng tingin kung saan ako tumitingin at ilang segundo lang ay nginisian niya ako nang mapagtanto niyang tumitingin ako kina Achi at dun kay Blythe. Yung ngisi pa naman ni Artemis ay nakakainis at halatang nang-aasar.

"Selos ka 'no?" pang-aasar niya dahilan para mapairap ako sa kanya.

"Anong pinagsasabi mo diyan? Huwag ka ngang gumawa ng kwento diyan," turan ko sa kanya at mahina ko pa siyang siniko sa kanyang braso pero ang lokaret na 'to ay tinawanan lang ako.

"Wala kang dapat ika-selos. Wala namang gusto sila Kuya Achi sa babaeng yan." aniya at hindi naman nakaligtas sa akin kung paano niya irapan si Blythe kahit hindi ito nakatingin sa amin.

"Teka nga lang. Bakit parang may galit ka yata kay Blythe?" tanong ko dahil sa labis na kuryosidad.

Kanina ko pa talaga napapansin ang panay irap niya kay Blythe at mahahalata ko talaga na hindi niya gusto ang presensya nung kababata nila Achi. Narinig ko kanina na nabanggit nung Mommy nila na kababata nila Achi si Blythe at inaanak pa siya ni Mrs. Mary.

"Well, I hate her dahil maarte siya at plastic na babae. Ewan ko nga ba kung bakit naging inaanak pa yan ni Mommy at kung paano rin siya naging anak ni Tito Riven na best friend ng Mommy namin. Sobrang bait kasi nung Daddy niya which is si Tito Riven. Well, hindi na kataka-taka kasi may pagka-brat yung Mommy ni Blythe kaya may pinagmanahan. Buti na lang nakipag-divorce si Tito Riven sa ex-wife niya nung nag-ten years old si Blythe dahil hindi na niya kaya yung ugali na meron yung napangasawa niya," pagkukuwento ni Artemis sa akin at napailing-iling pa siya ng ulo.

"Matagal na ring may gusto si Blythe kay Kuya Achi since bata palang kami, para siyang asong ulol na sunod ng sunod sa Kuya Achi ko. Pati nga ako pinagse-selosan niya noon kapag nag-uusap lang kami ng mga Kuya ko. Masyado kasi siyang feelingera at nag-aassume na magugustuhan siya ni Kuya Achi. Nag-migrate sila Blythe sa Japan nung nag-graduate kami nung highschool, lumaki siya sa side ng Mommy niya. But we didn't expect na babalik pa pala ang bruhang yan dito sa Pilipinas," dagdag niya pa habang nakasimangot.

Muli kong tinignan si Achilles na hindi na maipinta ang kanyang mukha dahil sa pagka-bored. Marahil ay walang kakwenta-kwenta yung mga kinukwento sa kanya ni Blythe. Sila Ares naman ay hinahanda na yung mga sasakyan na gagamitin namin papunta sa Lilura Isla kasama yung Daddy nila. At habang hinihintay namin na mailagay na nila lahat yung mga dadalhin naming gamit sa sasakyan ay nagkukwentuhan na muna yung mga kasama namin sa loob.

Ngiti lang ang ipinakita ko nang makita ko si Achi na napatingin sa gawi ko. Kung kanina ay nakakunot ang noo niya at hindi na maipinta ang kanyang mukha habang kaharap si Blythe, ngayon naman ay nakangiti na siya nung magtama ang mga mata namin.

Parang gusto na nga niyang umalis sa harapan ni Blythe eh, kung hindi lang makulit yung babaeng yun. Bumalik naman agad ang atensyon ko kay Artemis nang maramdaman ko ang kamay niya na mahinang tumapik sa kaliwa kong balikat.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon