This chapter is dedicated to: graceryyyou
KABANATA 32:
PRECIOUS POV
"Sabihin mo lang iha kung may masakit sayo ah? Para madala ka namin agad sa hospital. Aba'y ayoko naman na makitang may masakit sayo at baka mayari ako nito sa lolo mo," nag-aalalang turan ni Manang Loreta sa akin habang ginagamot niya ang mga natamo kong sugat at mga kalmot na si Raina ang may kagagawan. Sobrang talas ng kuko niya kaya yung mga kalmot sa balat ko ay puro mahahaba, meron pa nga na dumugo ng kaonti.
Feeling ko tuloy ay maraming pusa ang kumalmot sa akin. Buti na lang talaga ay umalis na rin ang babaeng yun, nakatanggap pa tuloy siya ng nakakalokong trip galing kay Artemis. Kaya ayun, umuwi siya na basang-basa. Ang lakas din kasi ng tama ni Artemis, tuwang-tuwa pa habang binubugahan niya ng tubig galing sa hose si Raina.
"Masakit lang ho ang balakang ko pero keri ko pa naman 'to. At saka, malayo rin naman po ito sa bituka itong mga kalmot ko." nakangiti kong turan kay manang.
Bumuntong-hininga naman siya, "Mabuti na lang kamo ay hindi ka sinabunutan nung babaeng yun. Paniguradong malalaman nila na naka-wig ka lang kapag nahatak niya kanina yung buhok mo," mahina niyang sabi sa akin.
"Naku, kung hindi lang talaga ako matanda na ay tiyak na nakatanggap na rin sa akin ng sampal at tadyak yung babaeng yun sa akin! Namumuro na sakin yun eh! Kada pupunta siya dito, feeling girlfriend siya ni sir Ares!" mahabang salita naman ni Nanay Alma habang kitang-kita ko sa pagmumukha niya ang inis kay Raina.
Tinawanan ko lang sila. Grabe, hindi ako makapaniwalang magagawa akong saktan ng pisikal ni Raina dito pa talaga mismo sa loob ng pamamahay nila Ares. Feeling entitled din ang babaeng yun, masyadong malakas ang loob para gumawa ng ikasisira niya. Kaya ayun, natanggal tuloy siya sa trabaho kagaya nung kapatid niyang si Kylie.
"Sige na ho, okay na po ako. Baka hinahanap na po nila tayo sa ibaba," turan ko sa kanilang dalawa.
"Siguraduhin mo lang na okay ka ah? Baka mamaya malaman na lang namin na may masakit pa pala sayo," wika ni Manang Loreta kaya napangiti ako ng matamis at hinawakan ang kanyang kamay.
"I'm okay, manang. Don't worry, magsasabi naman po ako sa inyo agad kapag may masakit po sa akin." nakangiti kong paniniguro niya na ikinabuntong-hininga naman niya ng malalim.
"Oh s'ya, tara na sa ibaba baka may ipag-utos sila Mrs. Hellion sa atin. Aba, nandito na yung mga bisita nila," wika ni Nanay Alma kaya nagsitayuan na kami. Tinulungan ko na rin si Manang Loreta na iligpit yung first aid kit at iniwan lang namin 'to sa kwarto ko dahil gagamitin ko rin ito mamayang gabi para gamutin ulit yung mga sugat ko.
Bumaba rin kami agad at naabutan namin sila Mrs. Hellion na nakangiti at masayang nakikipag-usap dun sa mga dumating nilang bisita. Isa na dun ang Tito Wilder nila Artemis. But I heard na kamag-anak nila yung mga dumating na galing pa sa Stelliferous. Bahagya lang akong napayuko nung sabay na tumingin sa gawi ko sila Ares at Achi.
"Ahm, Nanay Alma. Pakigawan niyo naman po kami ng meryenda," utos ni Mrs. Hellion kay Nanay Alma.
"Sige po, ma'am." rinig kong sagot ni Nanay Alma sa kanya at dali-dali siyang pumasok sa loob ng kusina para gumawa at maghanda ng meryenda nila.
Sumunod naman agad si Manang Loreta sa kanya habang ako ay dumiretso na sa laundry room para labahan yung mga dapat labanan. Syempre, gusto ko lang din naman tulungan yung ibang mga katulong sa gawain nila kahit na may nakatoka naman kung sino ang maglalaba. Pagdating ko roon ay naabutan ko ang tatlong katulong na nagsisimula na sa pagbanlaw. Sobrang dami ding labahan yun dahil halos pinagsabay-sabay na nilang labahan yung mga damit nila Artemis at nung magulang niya.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...