KABANATA 46

24.2K 715 236
                                    

This chapter is dedicated to: LovelyCapada3

KABANATA 46:

PRECIOUS POV

Matataas na puno at mga makakapal na talahib ng damo ang una kong napansin nang maalimpungatan ako. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog na pala ako sa balikat ni Achilles na ngayon ay nakayapos sa aking beywang. Mabuti na lang ay hindi siya nangalay sa akin. Nakapagtataka na wala rin akong nakikita na kahit na anong bahay at tanging mahaba at tahimik na kalsada lang ang tinatahak namin.

"Nasaan na pala tayo?" inaantok kong tanong kay Ares na hanggang ngayon ay nagmamaneho pa rin. Saglit ko ring tinignan yung rolex na suot ni Ares dahil hindi ko nasuot yung relong pambisig ko. Nakita ko namang mag-aalas onse na nang tanghali. Halos three hours din pala ang biniyahe namin dahil mag-aalas nuebe na ng umaga kami umalis sa camping site kanina.

"Malapit na tayo, mi cariño. Don't worry," sagot niya at ngumiti sa akin kaya sinuklian ko lang din siya ng isang matamis na ngiti.

Tinignan ko naman si Achi na nakayapos sa beywang ko at nakakunot pa ang kanyang noo habang nagpipindot siya sa kanyang cellphone. Kahit na nakakunot ang noo ay gwapo pa rin. Jusko! Bakit kaya kahit saang anggulo sila tignan ni Ares ay ang gwapo pa rin nilang dalawa? Hindi naman niya napansing nakatingin ako sa kanya kaya naman palihim kong tinignan yung cellphone niya. Nakita ko roon na may ka-text siya at si Artemis iyon.

"May problema ba? Bakit nakakunot yung noo mo?" tanong ko kay Achi dahilan para makuha ko ang kanyang atensyon.

Ngumiti naman siya at masuyo pang humalik sa pisngi ko, "Si Artemis kasi, nag-text sa akin."

"Si Artemis? Bakit naman?" tanong ni Ares sa kanya.

"Bigla daw nagpunta dun sa camping site si Blythe at hinahanap niya daw tayo. Nagtatanong pa siya kung saan tayo nagpunta kaya sinabihan ko si Artemis na huwag niyang ipapaalam kay Blythe kung nasaan tayo at pinakiusapan ko na rin si Artemis na sabihin kila Mommy na huwag na huwag nilang babanggitin kay Blythe kung saan tayo nagpunta. Mabuti na lang wala silang binanggit sa babaeng yun. Baka sumunod pa yun sa atin once na malaman niya kung nasaan tayo," mahabang sagot ni Achi na nagpasalubong ng aking kilay.

Nagtatanong si Blythe kila Artemis kung saan kami nagpunta? Bakit naman kaya? Ano naman kaya ang kailangan niya? Buti na lang ay hindi niya kami naabutan dun sa camping site dahil baka mamaya ay sugurin na nama niya ako at saktan. Mabuti na lang din ay mas pinili nila Artemis na itikom ang kanilang bibig at hindi nila sinabi kay Blythe na yun kung saan kami nagpunta.

"That's weird. Bakit bigla naman yatang nagtanong ang babaeng yan kung nasaan tayo?" sabat ni Ares na ngayon ay nakakunot na rin ang kanyang noo at halos magdikit na rin yung dalawa niyang kilay. Kahit ako rin naman ay nagtataka.

"Yeah, that's weird. But I don't know?" Achi at nagkibit-balikat pa siya sa kakambal niya.

"Ang sabi sa akin ni Artemis, gusto daw ni Blythe na personal na humingi ng sorry kay Precious sa ginawa niya nung nasa rest house tayo ng Lilura Isla. At gusto din daw niya na batiin tayo ng happy birthday. Pero sinabihan ko si Artemis na huwag niyang sasabihin kung nasaan tayo," he added.

Malalim namang bumuntong-hininga si Ares, "Hindi naman alam nila Mom maski nila Artemis kung saan tayo pupunta. Tanging sila Daddy lang ang nakakaalam kung saan muna natin pansamantalang itatago si mi cariño." aniya at hindi siya nababahala na baka malaman nung Blythe na yun kung saan kami pupunta.

"Bakit pala kayo nawi-weirduhan kay Blythe?" tanong ko sa kanilang dalawa dahil hindi na ako makatiis pa sa labis na pagtataka.

"Mataas ang pride ni Blythe kaya kapag nakagawa siya ng pagkakamali ay never siyang humihingi ng sorry. Katulad na lamang nung ginawa niya kay Artemis nung bata pa kami at hindi man lang siya humingi ng sorry sa kakambal namin." sagot ni Achi na may bahid ng inis ang kanyang boses kaya lalo lang akong nagtaka at mas inatake ng curiosity.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon