WARNING: This chapter contains scenes of violence, sexual assault and etc. which may be triggering for some readers. Please be warned.
This chapter is dedicated to: jiawrites950
KABANATA 57:
PRECIOUS POV
Hindi ko pinansin ang pagtulo ng luha ko, mas nakatuon lang ang buo kong atensyon kay Ares at Achilles na ngayon ay kapwa duguan dahil sa tama ng baril sa kanila. Nanginginig rin ako sa takot kahit pa na binaril lang silang dalawa sa kanilang balikat subalit nag-aalala ako sa pag-agos ng dugo nila. Baka maubusan sila ng dugo nito! Mahigpit lang akong hinawakan ni Achi samantalang si Ares ay hindi agad nakagalaw nang tutukan ng baril ang ulo niya nang akma niyang huhugutin ang baril na nakasuksok lang sa likuran ng kanyang pantalon.
"I finally saw you again, Precious." nakangiting turan ni Brando nang makapasok siya rito sa rest house. Sunod namang nagsipasukan ang mga kasama niyang tauhan na kapwa armado rin. Kahit lumuluha ay nagawa ko pa ring pukulan ng masamang tingin si Brando bago niya senyasan yung isa niyang kasama.
"Don't move, asshole." asik nung kasama ni Brando na kanyang sinenyasan dahil akmang gagalaw si Achi para hawakan ako pero katulad ni Ares, tinutukan rin siya ng baril sa kanyang ulo. Wala na rin akong nagawa pa nang marahas akong hatakin nung isang lalaki papalayo kay Achi at kahit ako ay tinutukan rin ako ng baril. Sa sobrang takot ko na baka makalabit ng lalaking 'to ang gatilyo ay halos hindi tuloy ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
"Why did you shoot him?! Wala sa usapan natin na barilin sila Achilles!" bigla namang sulpot ni Blythe bago siya pumasok rito. Nakita ko naman agad ang galit na galit niyang mukha habang pinupunasan pa niya ang kanyang luha ng tissue.
"Tsk, kung ginalingan mo lang sana ang pag-arte mo, hindi sana sila mababaril." iritado namang sagot ni Brando sa kanya bago siya tumingin sa akin at matamis pa akong nginitian.
"Kamusta ka na, Precious? Ang tagal nating hindi nagkita," aniya bago niya ako nilapitan.
"Don't touch her," may diin at tila may pagbabantang sambit ni Ares pero parang walang narinig si Brando. Mas nilapitan pa niya ako at binaba ang baril nung tauhan niyang nakatutok sa aking ulo bago niya masuyong hinawakan ang pisngi ko habang si Blythe naman ay mabilis na lumapit kay Achilles na ngayon ay nakaluhod rin katulad ni Ares at nakatutok sa uluhan nila ang baril. Nag-aalala pa niyang chineck ang natamong sugat ni Achi sa braso nito.
"You're getting even prettier, Precious." tila namamanghang turan ni Brando sa akin habang patuloy na humahaplos ang kamay niya sa aking pisngi. Pilitin ko mang umiwas o tanggalin ang nakakadiri niyang kamay sa mukha ko ay hindi ko magawa. Nakahawak sa akin ang isa sa mga tauhan niya para hindi ako makawala.
"You!" asik bigla ni Blythe at nagulat na lamang ako nang mabilis siyang nag-martsa palapit sa akin.
Malakas akong napasinghap sa sunod niyang ginawa. Rinig ko rin ang tunog ng malakas na pagsampal niya sa pisngi ko. Feeling ko ay namanhid ang buo kong mukha dahil sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Shit! Napaka-war freak talaga ng babaeng 'to! Hindi ba man lang siya nadala sa pagsakal ni Ares sa kanya? She's insane! Talagang sira na ang tuktok ng ulo niya para makipag-sabwatan dito kay Brando! Parehas rin silang demonyo!
"Kung hindi dahil sayo, hindi sana mababaril sila Achilles! Napaka-landi mo kasing babae ka!" galit niyang paninisi sa akin at akma niya ulit akong sasampalin sa kabila kong pisngi nang mabilis na napigilan ni Brando ang kanyang kamay.
"Don't hurt her!" galit na sigaw ni Brando sa kanya. Kitang-kita ko sa mukha ni Brando ang galit kay Blythe, nanglilisik na nga rin ang dalawa niyang mga mata. Nakita ko rin kung paano tumalim ang pagkakatingin ng kambal dahil sa ginawa ng babaeng 'to sa akin. Kung hindi lang ako hawak ng tauhan ni Brando ay tiyak na nasampal ko na rin ang buang na babaeng ito!
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...