KABANATA 66

19.5K 662 255
                                    

This chapter is dedicated to: ellar2842

KABANATA 66:

PRECIOUS POV

At dahil sa mga nangyaring kaguluhan sa loob mismo ng Supermarket ay lahat kami ay dinala sa security room office nitong Mall para makausap kami nung Security Manager nitong Mall para mapagsabihan sila Kylie at syempre para mapagalitan. Pati sila Michael na umawat lang ay nadamay pa. Kinailangan pa tuloy magbayad nila Artemis dahil sa may mga nasira silang mga gamit kanina. Sobrang malaking kahihiyan talaga ang mga ginawa nila sa Supermarket. Maraming mga gamit ang nadamay at nasira, marami pang mga tao ang naistorbo.

Tinignan ko naman maigi sila Blythe at Artemis. Parehas pa talaga silang dalawa na naka-krus ang mga braso habang naka-dekwatro sila ng upo at literal pang may nakapaskil na nakakalokong ngisi sa kanilang labi kahit na magulo ang kabilang buhok at marami silang kalmot sa braso nila. Habang yung apat na tadpoles naman na nakaupo sa tapat nila ay ayun, buhaghag rin ang kanilang buhok at para silang nakipag-suntukan sa mga kangaroos! Nagkalat pa ang mga make-up nila lalong-lalo na ang mascara nila kaya para silang nagnumukhang mga rockstar na kakatapos lang magkaroon ng concert. May punit rin ang ilang parte ng kanilang damit at bakas pa rin ang ilang dry powder sa katawan nila Raina dulot nung ginawa ni Artemis kanina.

Pati sila Michael ay gusot ang kanilang damit samantalang taga-awat lang sila kanina. Jusko! Mukhang minalas pa yata sila nung dalawa niyang kaibigan! Mabuti na nga lang ay nagsidatingan agad yung mga security guards kanina bago pa lumala yung gulo. Kaya agad nilang naawat itong sila Artemis na kinotongan pa si Kylie at Raina kanina bago niya binitawan yung fire extinguisher.

"Quit staring at my girl, you fucking little trash." isang galit na baritonong boses ang aking narinig.

Si Achilles lang pala ang nagsalita at pansin kong nakakunot-noo siyang nakatingin dun sa gawi nung dalawang bakla. Iyon pala ay tinitignan ako ng masama nung baklang photographer pero agad din siyang napayuko ng ulo nang magsalita itong si Achilles. Ang sama makatingin, takot naman pala. Buti nga ay dumating si Ares kanina bago pa nila ako saktan. Paniguradong isa na rin ako sa buhaghag ang buhok ngayon kung hindi lang ako agad nailayo ni Ares mula sa dalawang baklang 'to.

Marahan ko na lamang na hinagod ang likod ni Achi para pakalmahin siya, nakapulupot kasi ang braso niya sa beywang ko kaya ramdam ko ang panginginig ng kanyang katawan maski ang kanyang kamao na nakayukom dahil sa galit. Feeling ko nga ay parang gusto na rin niyang saktan itong apat. Sa katunayan nga niyan ay galit na galit silang dalawa ni Ares nang malaman nilang dalawa kung bakit nagkagulo kanina sa Supermarket at kung ano ang naging sanhi kaya nakipag-away sila Artemis at Blythe.

Nalaman nila na tinangka akong sampalin ni Kylie, nalaman nilang ako naman talaga ang gustong saktan nitong apat na tadpoles na 'to dahil sa ako ang sinisi nila kung bakit tinanggal sila sa kanilang trabaho. Syempre, itong si Raina ay halatang galit rin siya kay Artemis kaya sumugod siya agad dito sa bunsong kakambal nila Ares para makaganti. Hanggang sa ayon na, nagkaroon na ng parang gyera.

Jusko po! Nakakaloka talaga yung pagiging immature nila Raina! Tapos nahuli pa nila Ares na tatangkain sana akong saktan nung dalawang baklang muchacha nila Kylie kaya naman mas dumoble ang galit nilang dalawa ni Achi. Akma pa nga sanang susugod si Ares pero pinigilan ko lang para hindi siya makapanakit at para na rin hindi na lumala ang sitwasyon.

And speaking of Ares..

Sa wakas ay lumabas na siya galing sa loob ng office nung Security Manager dahil siya ang huling kumausap rito. Napansin ko naman ang pag-shake hands nilang dalawa at parang hindi na yata magsasampa ng kaso yung owner nitong Mall dahil sa mga damages at commotion na nangyari kanina sa Supermarket. Marahil ay pinakiusapan ni Ares yung may-ari nitong Mall at nangako na lang siguro na magbabayad na lang sila Artemis nung mga nasira nilang mga gamit.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon