KABANATA 14

23.7K 746 214
                                    

This chapter is dedicated to: Angel_ellicaj12

KABANATA 14:

PRECIOUS POV

Hanggang ngayon ay laman pa rin ng isipan ko ang mga nangyari kanina. Kahit dalawang oras na ang nakakalipas mula nang ihatid ako nila Ares dito sa Mansyon, ramdam ko pa rin ang pagdampi ng labi nilang dalawa ni Achi sa labi ko. Feeling ko nga ay nakalapat pa rin sa labi ko ang labi nila at kahit anong gawin ko ay hindi mawala-wala sa isipan ko na hinalikan nila ako. Kulang na nga lang ay iuntog ko na ang ulo ko sa pader para lang makalimutan ko yung nangyari kanina sa mini office ko sa Precious Wake Up, Cafe at sa kotse. Sa tuwing pipikit naman ako ay agad sumasagi sa isipan ko yung halik.

Parang masisiraan na ako ng ulo sa dami ng tanong ko na naglalaro sa isipan ko! Una na dun ay kung bakit hinalikan nila akong dalawa! Alam naman ni Achi na hinalikan ako ni Ares, pero bakit hinalikan din niya ako? Hindi ba sila nakakaramdam ng awkwardness na silang kambal, hahalik sa labi ng iisang babae? Tapos ako pa na hindi ko man lang boyfriend sa kahit sino sa kanilang dalawa? Dahil sa pangyayari kanina ay halos hindi tuloy mawala-wala sa isipan ko yung ginawa nila, para akong mababaliw sa kakaisip kung bakit nila ginawa yun.

Imposible naman na may gusto sila sa akin samantalang kakakilala palang namin kagabi? Ano yun, may crush silang dalawa sa akin? Sighed. Nakakahiya naman 'tong pinag-iisip ko. Ewan, sasakit lang ang ulo ko sa kakaisip sa bagay na yun kaya pinilit kong burahin sa isipan ko ang tungkol dun. Lumabas na ako ng kwarto dahil tiyak na naghihintay na sa akin si lolo a hapag-kainan. Gusto pa naman ni lolo na sabay kaming kakain tuwing hapunan.

Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko sila Manang Loreta at ang mga katulong na hinahanda na sa hapag ang mga niluto nilang pagkain. Natakam naman ako nung maamoy ko yung aroma ng pagkain, sobrang bango at nakakatakam. Agad naman silang napatingin sa gawi ko nung mapansin nilang pumasok ako dito sa kusina.

"Sakto pala ang dating mo, iha. Maupo ka na at kumain ng hapunan," ani Manang Loreta.

"Ah eh, si lolo po pala?" tanong ko dahil wala si lolo dito. Madalas naman ay nauuna siya rito sa kusina at hinihintay na lang niya ang pagdating ko. Himala yata na ako ang naunang dumating dito sa kusina.

"Ay pinapasabi pala ng lolo mo na mauna ka na daw kumain ng hapunan. Aba'y may inaasikaso lang daw siyang importante sa mini office niya nung puntahan ko siya at yayain siyang maghapunan." sagot ni Manang Loreta na nagpakunot sa noo ko.

"May sinabi po ba siya kung anong importante yung inaasikaso niya?" tanong ko subalit umiling-iling ng ulo si Manang habang nilalapag niya sa lamesa yung isang pitcher na juice.

"Wala, iha. Pero nung maabutan ko siya kanina eh may kausap siya sa telepono. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila nung taong nasa kabilang linya kaya agad akong umalis sa mini office niya para hindi ko na siya maistorbo pa," aniya kaya hindi na lang ulit ako nagtanong pa.

Ano naman kaya yung importanteng inaasikaso ni lolo? At saka sino naman kaya yung kausap niya sa telepono? Hindi ko tuloy maiwasang atakihin ng labis na kuryosidad. Marahil ay tungkol lang yun sa negosyo ni lolo o 'di naman kaya ay patungkol sa Velasco Bleu Inc. Baka nagkaroon lang ng problema sa kompanya ni lolo kaya tila seryoso ang pinag-uusapan nila nung taong kausap niya sa telepono.

Bumuntong-hininga ako at naupo na lang sa silya para makakain na ng hapunan. De bale, hinahatiran naman nila Manang Loreta si lolo ng makakain niya. Sanay na rin naman na ako kapag minsan nagiging abala si lolo sa paghawak sa negosyo niya. Hindi rin naman kasi biro ang pamamalakad ng kompanya lalo pa't umaarangkada na ang Velasco Bleu Inc sa ibang bansa. Hindi lang naman kasi dito sa bansa sikat ang kompanya ni lolo, kundi pati na rin sa ibang karatig bansa.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon