KABANATA 15

22.6K 754 213
                                    

This chapter is dedicated to: Shaina_jhea

KABANATA 15:

PRECIOUS POV

Nangunot ang noo ko at bahagyang gumalaw nang maramdaman kong tila may yumuyugyog ng mahina sa aking braso. Inaantok pa ako kaya hindi ko magawang idilat ang mata ko para tignan kung sino itong yumuyugyog sa akin. Sa sobrang antok ko ay baka panaginip lang itong yumuyugyog sa akin. Baka nga nananaginip lang ako. Oo tama, baka panaginip lang 'to.

"Señorita, pakiusap gumising ka."

Pero dahil sa mahihina niyang tapik sa braso ko, ang patuloy na bahagya niyang pagyugyog sa aking katawan maski ang mahihina nitong boses na aking naririnig ay tuluyang nabulabog ang masarap kong pagtulog. Naalimpungatan ako dahil sa taong gumigising sa akin ngayon. Jusko! Hindi ba niya nakikita na natutulog ako? Wala tuloy akong nagawa pa, inis tuloy akong napadilat ng mata at agad ko namang tinignan kung sino ang lapastangan na sumira sa masarap kong pagtulog.

Akma ko siyang bubulyawan dahil ayaw na ayaw kong naiistorbo ang tulog ko lalo na kapag sobrang antok na antok talaga ako. Ngunit rumehistro sa mukha ko ang pagtataka nang si manang Loreta ang siyang nabungaran ko. Nangunot rin ang noo ko sa labis na pagtataka dahil mahahalata ko sa kanya ang pawis at tila kinakabahan siya.

Anong meron? Literal talaga na tagaktak ang malalaking butil ng pawis sa noo at leeg niya kahit na malakas naman ang pagkakasindi ng aircon dito sa kwarto ko. Pero teka? Ano nga palang ginagawa niya dito sa kwarto ko?

"M-manang Loreta? B-bakit ho kayo nandito sa kwarto ko?" inaantok kong tanong sa kanya bago ako dahan-dahang bumangon at naupo sa malambot kong kama. Nagkasalubong naman ang dalawang kilay ko at lalo pa akong nagtaka nang mapansin ko sa sahig ang isang malaking bag.

Bakit may bag dito?

Tanging ang nag-iisang lampshade lang na nakapatong sa side table ko ang s'yang nakasindi kaya medyo may kadiliman pa rin dito sa kwarto ko kahit pa na nakasindi iyon subalit nagawa ko pa ring makita ang bag na nasa lapag. Nang tignan ko naman ang orasan na nakapatong din sa side table ko, pasado ala una palang ng madaling araw.

Malalim pa ang gabi pero bakit ganitong oras ay ginigising na ako ni Manang Loreta? At saka bakit gising pa siya? Hindi ba dapat tulog na sila at nagpapahinga na sila sa headquarters nila kapag ganitong oras na lalo pa't maaga pa silang gumigising para gawin ang dapat nilang gawin.

"Dalian mo, magpalit ka ng damit at mag-impake. Kailangan na nating magmadali bago pa dumating ang mga lalaking tinutukoy ni Don Mateo." tila nagmamadali niyang utos sa akin.

"H-ho? Ano pong ibig niyong sabihin?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

Hindi ko siya maintindihan. Hindi ko rin alam kung ano ang tinutukoy niya na mga lalaking darating. Pero imbes na sagutin ako ni Manang Loreta ay tinanggal niya agad ang kumot na nakabalot sa aking katawan bago niya ako hinatak patayo.

"Bilisan mo na, señorita. Paniguradong naghihintay na ang lolo mo sa likod ng Mansyon," aniya.

Naghihintay si lolo sa likod ng Mansyon? Pero bakit? Ano bang meron? Kahit naguguluhan ako at punong-puno ako ng katanungan ay sumunod na lang ako sa kanya. Prank lang ba ito? Pero imposible naman na i-prank ako ni lolo at ni manang Loreta lalo na't ganitong dis-oras ng gabi?

At saka hindi rin mahilig mag-joke sila lolo Mateo kaya alam ko at nakakasiguro akong hindi nila ako pina-prank. Inaantok pa ako pero nagawa ko pa ring dumiretso sa walking closet ko para mag-impake ng mga damit. Dinala ko lang ang mga simpleng damit lalo na ang mga paborito kong damit.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon