KABANATA 21

22.8K 813 438
                                    

This chapter is dedicated to: QueenixiaDelaMerced

KABANATA 21:

PRECIOUS POV

Katulad nga ng sinabi ni Mrs. Mary kanina sa sala, gagamitin ko ang isa sa mga kwarto sa third floor para daw hindi mahirapan sila Ares at Achi sa kakautos sa akin lalo na kapag may kailangan silang ipag-utos sa akin. Parang ayoko ding paniwalaan na ako ang magiging personal katulong nung dalawa at yung gagamitin ko pang kwarto sa third floor ay katabi lang ng kwarto nung dalawa! Kasalanan 'to lahat ni Artemis, parang gusto ko na ring mag-back out!

"Baliw ka na talaga, Artemis." may bahid na inis sa boses ko nung sabihin ko yun habang inimpake ko yung mga gamit ko para makalipat na ako sa magiging kwarto ko sa itaas.

Narinig ko naman ang nakakaasar na halakhak ni Artemis. Nandito siya sa dapat kwarto ko sa maid's quarters kasama si Manang Loreta. Inamin na din sa akin ni Artemis na siya ang nakaisip na gamitin ko ang isa sa mga kwarto sa third floor. Ewan ko ba sa babaeng ito, ang daming kalokohan na naiisip! Pati ako ay nadadamay na sa mga kalokohan niya. Nung una itatago namin sa dalawa niyang Kuya na ako si Precious, pangalawa magiging personal katulong ako nila Ares at Achi. Tapos gagamitin ko pa yung kwarto sa third floor na katabi lang din ng kwarto nung mga Kuya niya?

What the hell!

"Come on, babe. It will be fun, okay? Just relax, magtiwala ka lang sa akin." nakangiti niyang sabi pero inirapan ko lang siya.

Hindi na ako sumagot pa at tinuon ko na lang ang atensyon ko sa pag-iimpake. Napag-usapan na din namin ni Manang Loreta kanina lang na lilipat si Nanay Alma dito sa kwarto para naman kay kasama si Manang. Ngayon ay nagsisimula na si Manang Loreta sa trabaho niya. Naroon silang dalawa ni Nanay sa kusina para magluto ng breakfast.

Matapos kong mag-impake ay tinulungan naman ako ni Artemis na bitbitin ang mga gamit ko. Nagtungo rin naman kami agad sa third floor para siya ang personal na maghatid sa akin sa magiging kwarto ko. Nakakabilib lang dahil yung tinatapakan at hinahakbangan naming hagdan ay may red carpet. Yayamanin talaga ang pamilyang Hellion. May mga nakasabit pang mga paintings sa bawat dingding na madadaanan namin.

Nakakamangha ang ganda nitong Mansyon nila, hanggang pangatlo ang palapag. Hindi katulad sa Mansyon ni lolo, hanggang pangalawang palapag lang pero malawak naman. Pero itong Mansyon ng Hellion? Tiyak na malawak din ito, huwag lang sana akong maligaw. Napansin kong nahinto si Artemis sa paglalakad nang makarating kaming dalawa sa pangatlong palapag kaya nahinto rin ako sa paglalakad. Pagtingin ko sa unahan ay pababa pala yung dalawa niyang Kuya sa hagdan at maski sila ay nahinto rin.

"Papasok na kayong dalawa sa trabaho?" bungad na katanungan ni Artemis sa dalawa.

Bahagya naman akong yumuko ng ulo nung mapatingin si Ares sa akin. Hindi rin ako makatingin ng diretso sa kanyang mga mata kaya ang ginawa ko ay tumingin na lang ako kay Achi. Pero ramdam pa rin ng peripheral view ko na nakatingin pa rin si Ares sa akin at pakiramdam ko ay kinikilatis niya ang itsura ko. Ngayon lang ba siya nakakita ng pangit sa buong buhay niya? At saka kinakabahan talaga ako sa kanya. Akala ko talaga ay mahuhuli niya kami kanina dahil nakilala ni Ares si Manang Loreta. Mabuti na lang magaling magpalusot si manang.

"May ime-meet lang muna kaming importanteng tao bago kami pumasok ni Ares sa trabaho," sagot ni Achi sa kanyang kakambal bago niya pasadahan ng tingin yung mga bitbit namin ni Artemis na mga gamit ko.

"Ilalagay niyo na ba yung mga gamit ni Preccy sa magiging kwarto niya dito sa third floor?" he asked while Ares remains silent and he was still looking at me. Hindi na tuloy ako mapakali dito sa pwesto ko. Kinakabahan ako sa mga titig ni Ares. Ganyan siya makatingin sa akin kanina sa sala.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon