KABANATA 11

25.8K 863 313
                                    

This chapter is dedicated to: chateeh90

KABANATA 11:

PRECIOUS POV

Pababa palang kami ni Artemis sa hagdan nang maabutan naming dalawa na walang katao-tao sa sala. Puro mga katulong lang ang naroon at ginagawa ang mga nakatokang trabaho sa kanila tulad na lamang ng paglilinis at paglalampaso ng sahig. Teka? Nasaan naman kaya sila lolo? Hindi ba't kasama niya sila Ares? Saan naman sila nagpunta? Nag-uusap pa nga sila dito sa sala bago kami umakyat ni Artemis sa taas.

"Saan naman kaya nagpunta sila Kuya?" kunot-noong katanungan ni Artemis habang napapakamot pa siya sa kanyang ulo.

Nagkibit-balikat naman ako, "I dunno," sagot ko at sakto namang nakasalubong namin si Mang Loreta na kakalabas lang galing sa kusina.

"Manang, nakita niyo po sila lolo?" tanong ko agad sa kanya.

"Ah si Don Mateo ba? Ala eh ayon, naroon sila sa cedar gazebo at kausap ang mga kaibigan mo." sagot niya kaya nagpasalamat lang ako kay manang.

Sumunod naman sa akin si Artemis nang maglakad na ako papunta sa cedar gazebo at tama nga ang sinabi ni Manang Loreta sa akin, naroon nga sila lolo sa cedar gazebo namin. Nangunot pa ang noo ko nang mapansin kong tila masinsinan na kinakausap ng lolo Mateo ko sila Ares at Achi samantalang si Leo ay abala sa kakatingin ng mga bulaklak sa garden namin. Hindi ko tuloy maiwasang atakihin ng kuryosidad, ano naman kaya ang pinag-uusapan nila lolo at tila ang seryoso ng mukha niya?

Nasa malayo pa kaming dalawa ni Artemis kaya hindi namin magawang marinig kung ano man ang pinag-uusapan nilang tatlo. Pero iisa lang ang alam ko, ang seryoso ni lolo at ganun din sila Ares. Mukhang may importante ring sinasabi si lolo sa dalawa. Maybe it's about their business? I don't know, wala akong kasiguraduhan kung yun nga ba ang pinag-uusapan nila.

Agad naman silang napatingin sa amin at nahinto rin sila sa pinag-uusapan nila nang makalapit kami ni Artemis sa gawi nila. Ngumiti rin naman agad si lolo nang makita niya ako. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dito kay lolo. Kanina ay ang seryoso ng mukha niya habang kausap sila Ares at Achi? Ngayon ay nakangiti na siya. Feeling ko tuloy ay may tinatago itong lolo ko sa akin pero nagda-dalawang isip ako kung magtatanong ba ako sa kanya o hindi.

"Ano pong pinag-uusapan niyo?" tanong agad ni Artemis sa kanila, "Baka pwede niyo namang i-share sa amin!" dugtong niya pa kaya mahina siyang tinawanan ni lolo.

"We were just talking about filing a lawsuit against Brando, iha. Of course, bilang lolo ni Precious ay hindi ko rin naman basta-basta palalagpasin ang ginawa nung hayop na yun sa kaisa-isa kong apo," sagot ni lolo Mateo.

Iyon ang pinag-uusapan nila? Hindi ko akalain na mababanggit ni lolo Mateo kila Ares at Achi ang tungkol sa pagsampa namin ng kaso kay Brando dahil sa ginawa niya sa akin. Ayon sa lawyer ni lolo, dalawang kaso ang pwede naming isampa kay Brando lalo pa't may ebidensya na kami at kitang-kita rin sa nakuhanang CCTV footage ang kademonyohan ni Brando. Una, attempted rape. Tinangka niya akong gawan ng masama sa parking lot na yun. Muntikan na niya akong pagsamantalahan at sinamantala niya ang kahinaan ko bilang isang babae!

Wala pang katao-tao that time kaya malakas ang loob niyang gumawa ng krimen. Pangalawa ay ang act of lasciviousness. Nagkaroon siya ng mamemwersa sa akin kaya ayon sa lawyer ni lolo, pasok yun na isampang kaso laban kay Brando dahil sa sapilitan niya akong halikan sa leeg ko. Huling-huli rin naman sa video na pwersahan niya akong pinapasok sa kotse niya kaya kapag pinakita namin sa korte ang CCTV footage ay tiyak na ako agad ang kakampihan nila. Makukulong si Brando at yun ang gusto kong mangyari sa kanya.

HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon