This chapter is dedicated to: DhieDhin
KABANATA 44:
PRECIOUS POV
Sinara ko agad ang bag ko nang makuha ko na ang pamalit kong damit, yung sabon pati na rin yung puting tuwalya. Naramdaman ko naman itong si Artemis na hinihintay ako dahil sabay kaming dalawa na magpupunta sa banyo na meron dito sa camping site para maglinis ng katawan. Tahimik na rin ang paligid, maaga kasing nagsitulog ang ibang campers. Yung iba ay nasa loob na ng kani-kanilang mga tent para magpahinga na.
Kami at yung ibang mga kabataan na kaedaran lang namin na nagka-camping din dito ang nakikita kong gising pa kahit na alas-onse na ng gabi. Yung mga magba-barkada nga na malapit lang dito sa amin ay mga gising pa at nag-iinuman. Okay lang naman yun sa may-ari nitong camping site, wala rin naman silang sinabi na bawal uminom ng alak basta huwag lang maingay para hindi makabulabog ng ibang campers na ngayon ay nagpapahinga na sa kanilang mga tent.
"Tara na, nangangati na ako dito sa damit ko eh. Tapos ang dami pang lamok dito sa labas," reklamo ni Artemis na kinakamot pa ang kanyang leeg dahil sa pangangati ng kanyang balat.
Kahit ako rin naman ay nangangati na kaya naisipan na rin naming dalawa ni Artemis na maglinis na ng katawan at para makapagpalit na rin kami ng damit. Bumaba ako sa kotse matapos kong makuha yung mga kailangan ko at ready na kami ni Artemis na magtungo sa banyo nang lapitan naman kami ni Ares.
"Saan kayo pupunta?" tanong nito sa amin.
"Magha-half bath lang kami ni Artemis," sagot ko.
"Wait, sasamahan ko na kayo." aniya na ikinapoker-face naman nitong si Artemis.
"My goodness, Kuya Ares! Alam kong binabakuran mo lang si Precious at takot ka lang na mawala siya sayo pero takte, ayun lang yung banyo ng mga babae oh! Kaya hindi mo na kami kailangang samahan 'no!" pagsusungit ni Artemis sabay turo doon sa palikuran ng mga babae na natatanaw na namin mula dito sa pwesto namin. Kaonting lakad nga lang ay makakarating na kami agad doon sa ladies restroom. At tanaw na tanaw rin ang banyo na yun kaya makikita naman nila kung sino ang lalabas at papasok doon.
Ares sighed, "Okay fine. I'll only give you five minutes at kapag wala pa kayo, susunod na ako sa inyo sa banyo. Understand?" seryoso niyang sabi at talagang chineck pa niya yung suot niyang rolex para maorasan niya kaming dalawa ni Artemis.
Wala na kaming nagawa pa kundi tanguan na lang siya. Tinignan ko lang saglit si Achilles na tahimik lang na nakikipagkwentuhan sa mga pinsan niya habang umiinom sila ng alak. Nagpatangay na lang din ako kay Artemis nang hatakin na niya ako patungo doon sa banyo. Pagdating namin roon ay may tatlong cubicle sa loob. May lababo rin, salamin, at napakalinis sa loob ng banyo.
Wala rin akong nakitang bakas nung mga sapatos. May sari-sarili ding shower at inidoro yung bawat cubicle at nung chineck namin yung tubig ay sobrang lamig nito. Palibhasa ay malamig ang klima dito sa camping site kaya malamig rin yung tubig. Hindi na kami nag-aksaya ni Artemis ng oras at agad na naming ginawa ang dapat gawin.
"Siya nga pala, sigurado ka ba na magugustuhan nila Kuya yung ireregalo mo sa kanila mamaya?" pagtatanong ni Artemis na nasa kabilang cubicle lang. Naririnig ko na rin yung buhos ng tubig sa cubicle niya. Mukhang atat na atat na siyang makapag-half bath.
"I dunno. Pero yun lang ang naisip kong iregalo sa kanila." sagot ko sabay kibit-balikat kahit hindi niya ako nakikita, "Anyway, yung cake pala?" tanong ko sa kanya.
"No worries, babe! Pinalagay ko muna dun kay manong owner yung cake sa ref nila para hindi malusaw yung icing!" aniya na excited kaya napangiti lang ako.
BINABASA MO ANG
HELLION #5: BURNING TEMPTATION (R-18) ✔ [UNDER EDITING]
General Fiction[POLY] HELLION 5: ARES & ACHILLES HELLION Precious Velasco was forced by her grandfather to run away from their Mansion. For what reason? Because her life is in danger. She is in a dangerous situation. Someone wants to take her and wants to marry he...